8

3.4K 190 3
                                    

Tino

     Ang buwan ng Hunyo ay tuluyan ng napalitan.Pawang kahapon lamang ay naninibago kami sa bago naming buhay rito sa centro.Ngunit nitong mga nakalipas na mga buwan ay tuluyan na kaming nakapag-adjust.Natuto na kaming makipag-ugnayan sa ibang tao na walang takot o kabang nararamdaman.Masaya ako sa kabila ng mga bantang natatanggap ko.Lahat ng iyon ay inilihim ko sa kay Tiyo.

Tinupad ni Tiyo ang sinabi nitong ibabalik nito ang paraan ng pamumuhay namin sa bukid at sa pagdaan ng mga araw ay unti-unti ko na ring nakasanayan ang lahat.Araw-araw,maaga kaming nagigising at nag-i ehersisyo o kaya naman ay nagkakaroon ng tagisan ng lakas sa pagitan namin.Sinasanay nya pa ako lalo.Masaya naman ako at sa pagkakataong ito ay lahat ng kanyang itinuro ay tinatandaan ko.

Hindi na muling nagtrabaho si Tiyo.Gumawa ito ng paraan upang makapaghanap ng mapaglilibangan habang ginagawa nya ang kanyang obligasyon sa akin.Wala na akong nagawa hinggil sa obligasyong kanyang sinasabi.Ang naisip nitong gawing libangan ay ang pagtatanim ng mga gulay sa maliit na espasyo dito sa rooftop.Nagpaalam naman ito sa may ari at hindi naman siya tinutulan.Katulad ng mga pananim namin sa aming bukirin ay gayun din ang kanyang ipinunla rito.May mga talong,okra at kamatis na nakatanim sa mga plastic bottle na kanyang nahanap sa labas.Gumawa rin siya ng makakapitan ng kanyang tanim na sitaw at ampalaya.Tuwang-tuwa nga ang matanda nung isang araw dahil binigyan namin ito ng aming inaning mga gulay.Ang dating ma-espasyong rooftop ngayon ay nababalutan na ng luntiang gulayan.

Wala na ring sumunod na labanan na naganap.At wala na ring kutsilyong hinahagis sa akin.Tahimik lang ang lahat.Pero sa kabila niyon ay hindi ako maaaring mapanatag dahil alam kong nandyan lang sila sa tabi-tabi at pinag-aaralan ang galaw ko.

Kasalukuyan akong nandito sa isang sikat na Mall.Bibili ako ng mga ilang kagamitan ko sa nalalapit na pasukan.Excited ako eh.Natutuwa ako dahil parang hindi naman ganoong importante sa mga tao ang kung anong kapansanang mayroon ako.Para akong mga hangin sa paningin nito.Maganda na rin iyon dahil ayokong maging sentro ako ng atensyon.Nakasanayan ko na rin ang mga matang pinapako nila sa akin sa tuwing nakakasalubong nila ako.

Kung dati ay nakayuko ako kapag namamasyal sa mga pampublikong lugar,ngayon ay hindi na.Tinanggal ko na sa sistema ko ang hiya at kaba sa tuwing nasa labas ako.

Diri-diretso lang ang lakad ko habang papunta sa isang school supplies shop.Mag-isa lang ako dahil wala pa naman akong kakilala maliban sa mga tenants.Pumasok ako sa loob at kumuha ng maliit na basket.

Hinanap ko ang estante ng mga notebook.Sabi ni Tiyo hindi naman daw kailangan ng madaming kuwaderno kapag nasa kolehiyo ka na.Isa o dalawa ay sapat na.Kaya iyon ang ginawa ko pero pinili ko yung may kakapalan ang mga pahina para madami akong maisulat.

Sunod kong tinungo ang estante ng mga panulat.Ang dami.Lahat sila ay magaganda.Nahihirapan tuloy akong mamimili.Sa bandang huli binili ko na lang lahat.Biro lang.Tig-iisang kulay pula't itim na panulat ang pinili ko.Yung mura lang.

Babayaran ko na sana ang mga pinamili ko ng magawi ang aking mga mata sa estante kung saan madaming libro ang nakahilira.Nagningning ang aking mata sa nakita.Hindi na ako nag-atubiling makapaghintay na lapitan ang mga ito.Ang dami at pawang lahat ay hindi ko pa nabasa.Mga bagong labas siguro.Nagdadalawang-isip ako kung gusto kong bumili.Dinukot ko ang pitaka ko sa aking bulsa at tiningnan kung magkano ang laman.Dismayado akong napatingin sa mga aklat.Kulang limang daan na lamang pala ang natitira sa pera ko rito.Nakalimutan kong bumili pala ako ng bagong sapatos.Sayang naman.

Mabigat ang mga paang pumila ako sa counter.Binayaran ko na ang mga pinamili ko at walang lingon-lingong lumabas ng shop na iyon.Hanggang ngayon kuripot pa rin sa akin si Tiyo.Sa isang linggo,isang daan lang ang ibinibigay nyang pera sa akin.Lahat ng pansariling gastusin ko diyan ko kinukuha.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon