Tino
Magkasabay kaming tumilapon ni Tiyo sa magkaibang direksyon sanhi ng malakas na pagsabog.Nagpagulong-gulong ako sa mga nagkalat na tuyong dahon samantalang sa damuhan naman si Tiyo.
Mabilis akong bumangon at inihanda ang sarili.Andito sila.Inilibot ko ang aking paningin sa paligid.Wala akong makitang ibang tao maliban sa amin ni Tiyo pero sa kabili nun ay nararamdaman ko ang init na nilalabas ng kanilang mga katawan.
Sa pakiramdam ko hindi lamang iisa ang naririto bagkus nasa tatlo sila o higit pa.Yumukod ako at dumaop ng kaonting lupa sa aking palad sabay hagis sa aking harapan.
Tila lumulutang sa hangin ang mga nagkalat na mga lupa.Ilang sandali pa ay unti-unting lumantad ang anyo ng mga kalaban.Bahagya akong napaatras ng tuluyan kong makita ang kanilang anyo.Lahat sila ay nakasuot ng kulay abong hapit na hapit na kasuotan katulad ng nakalaban ko noon sa banyo.
Tama nga ang hinuha ko na marami sila.Apat ang kanilang bilang habang nakahilera sa iisang linya.Kung gayun,ang isa kanila ay may kakayahan ng invisibility at nagawa nitong maikubli ang kanyang mga kasama.Paniguradong malakas nga ang mga ito.
" sila ang mga nakalaban ko noon Tino,mag-ingat tayo sa kanila " di ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Tiyo.Hawak-hawak pa rin nito ang kanyang hinukay na bagay habang masama ang tingin sa apat na kaharap.
Nasa kondisyon naman ang aking katawan sa ngayon kaya masasabi kong matatapatan ko ang kanilang lakas.Ilang araw rin kaming nakapagpahinga ni Tiyo kaya sigurado akong may sapat ako na lakas upang mapatumba sila.
Sa ngayon,ang kailangan ko na lamang gawin ay ang malaman ang kanilang mga kakayahan upang makapag-isip ng magandang estratehiya kung paano sila mapapataob.Kinuyom ko ang aking palad at inihanda na ang sarili.Ganoon rin ang ginawa ni Tiyo habang nakasukbit sa kanyang likuran ang bagay na aming isinadya rito.
Nanatiling nakatayo lamang ang apat na kalaban.Parang walang balak na labanan kami.
" ano pang hinihintay niyo,patayin niyo na ako " nakangisi kong basag sa katahimikan.Naramdaman ko ang marahang pagsiko ni Tiyo sa aking tagiliran pero hinayaan ko lamang iyon.
Magsasalita pa sana si Tiyo ng bigla na lamang lumundag sa harapan namin ang isa sa mga kalaban sabay suntok sa lupa pagkabagsak.Yumanig ang kalupaan at agad kaming napatalon mula sa aming kinatatayuan ng biglang bumuka ang lupa kinatatayuan.
Habang nasa ganoong posisyon,naramdaman ko na parang may malagkit na bagay ang dumikit sa aking damit at tila lumalabas ito ng matinding init.Lumapag ako sa lupa at mabilis na hinubad ang aking damit kung saan unti-unting natutunaw.
Ang isang lalaki ay isang Earth Manipulator samantalang ang isa naman nitong kasama ay may kakayahan na tinatawag na Acid Generator kung saan kahit anong likidong lumalabas sa kanyang katawan ay nagiging asido o mas higit pa na kayang tumunaw ng mga bagay-bagay.
Mahirap kalabanin ang mga ito.Pero nandito ako para ipagtanggol ang aking sarili kaya kahit anong mangyari ay lalabanan ko sila ng patas.
Tinalasan ko ang aking pandama.Sunod-sunod ang ginawa kong pagsirko ng mapansin ang sabay-sabay na paglabas ng mga asido sa kamay ng kalaban.Tumago ako sa likod ng malaking pino na nagsilbi kong harang.Paano ko sila malalapitan lalo pa't bantay-sarado ako ng dalawa.
Isang malakas na suntok ang bumulaga sa akin dahilan upang mapalabas ako sa aking pinagtataguang puno.Mabilis na nagpakawala ng mga bitak ng lupa ang kalaban at walang pag-alinlangang inihagis ito sa aking katawan.Bumagsak ako habang dinaramdam ang sakit.Hindi ko napansin ang pagsuntok sa akin kanina.Mukhang hindi lamang dalawa ang napunta sa aking kalaban.

BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...