Tino
Isang malakas na pagyanig ang gumimbal sa silid matapos pakawalan ng robot ang isang mapaminsalang pag-atake.Nagkalat ang mga tipak ng semento sa paligid habang ako naman ay habol ang paghingang nakamasid sa kinaroroonan nila ng babae.
Hindi ako makaatake o makalapit man lang dahil napakabilis ng galaw nito na halos nagagawa nitong makalkula ang bawat kilos ko.Ang ginagawa ko na lamang ay ang tumakbo at umiwas na tila isang mahinang nilalang na nagtatago sa laro ng kapalaran.
Wala akong magawa kung hindi ang mainis sa nangyayari.Kailangan kong makausad at makaalis kaagad sa palapag na ito.Ayokong mahuli na naman at mapunta sa wala ang aking pagpunta rito.
Isang malakas na suntok ang aking ginawa sa sahig kung saan lumikha ng malaking bitak patungo sa kinaroroonan ng kalaban.Wala na akong inaksayang oras pa at kaagad na naglaho sa aking kinatatayuan.Dahil sa ginawa ko ay nagawa kong makalapit sa kanila ng tuluyan.Ang kaniyang estratehiya ay walang pinagkaiba sa kay Lamo.
Nang tuluyang makalapit ako sa kaniyang kinaroroonan ay mabilis ko itong inambahan ng suntok subalit laking gulat ko ng nagawa nitong masangga gamit ang kaniyang mga bakal na kamay.Inipon ko ang aking lakas sa aking binti at muli itong sinipa subalit katulad ng nangyari kanina ay nagawa pa rin masangga gamit ang kaniyang isa pang kamay.Akmang lalayo na sana ako ng hindi inaasahang isang malakas na sipa mula rito ang bumungad sa akin.Huli na upang mapigilan ko ito hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pagbagsak ko sa kalapit na pader.
Hindi pa man ako nakakabawi mula sa atakeng iyon ng bigla na lamang ito nagpakawala ng sunod-sunod ng kaniyang enerhiya.Wala akong magawa kung hindi ang pilitin ang sariling bumangon at iwasan ang mga ito.Pigil ang hininga kong isinagawa ang lahat ng paraan upang maiwasan ito ng ligtas ang kaniyang enerhiya.Hindi ko alam kung ano ang epekto nito sa oras na matamaan ako subalit may hinuha akong pambihira ang tinataglay nitong lakas na maaari kong ikapahamak.
Habang abala ang aking katawan sa pag-iwas,ang aking isipan naman ay nagsisimula na ring magsagawa ng estratehiya.Hindi ang likha ng maunlad na kaisipan ang siyang tunay na kalaban ko rito kung hindi ang nagmamanipula nito.Kung walang nag-uutos kung ano ang gagawin nito ay wala rin itong silbi.
Kailangan kong kitilin ang babaeng iyon ng sa gayon ay matapos na ito.Pumailanlang sa paligid ang aking kapangyarihan hanggang sa napigilan nito ang mga enerhiyang pinapakawalan ng kalaban.Unti-unting nalusaw ang mga bagay sa paligid.Hindi naman nakatakas sa aking mga mata ang biglang pagbalot ng pangamba sa presensya ng babae sa kabila ng kalamigang ipinapakita.
Wala na akong inaksayang oras at kaagad na naglaho mula sa aking kinatatayuan.Muli akong lumitaw sa harapan ng babae at akmang papakawalan na sana ang aking kapangyarihan subalit isang malapad na bakal ang siyang lumitaw sa aking harapan kung saan unti-unti itong nalulusaw sa sahig.Agad akong sumirko palayo rito.
Tuwid akong tumayo habang nakatingin sa direksyon ng babae.Bagaman ang kaniyang mukha ay nanatili ang kalamigan rito,hindi naman maipagkakailang nang-uuyam ang nasa likod ng kaniyang mga mata.Muli akong naglaho sa aking kinaroroonan at kasabay nito ang siya namang paghahanda ng babae ng kaniyang minamanipulang robot.Isang malakas na sipa ang siyang pinakawalan ko ng mangyaring lumitaw ako sa gawing itaas ng babae subalit katulad ng inaasahan ko ay nagawa namang sanggain ng robot ang aking atake.Waring nababasa niya ang bawat galaw ko.Marahil napag-aralan nito ang aking kakayahan at kahinaan.
Inipon ko ang aking kapangyarihan sa aking mga mata at walang pag-alinlangan itong pinakawalan.Sunod-sunod na nagsilabasan ang sandamakmak na mga enerhiya mula sa robot hanggang sa lumikha ng malakas na pagsabog ng mangyaring magbanggaan ang dalawang magkaibang enerhiya.Halos yumanig ang buong palapag dahil sa lakas ng epekto ng naturang pagsabog.

BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...