Tino
Nakabibinging katahimikan ang namayani sa paligid.Binabalutan ng mapusyaw na kulay pula ang bawat sulok nitong naturang lugar na pagdadausan ng magiging madugong labanan.
Isang mahabang buntong hininga ang kumawala sa aking bibig habang ang mata ay nanatiling nakapako sa tatlong bultong hindi natinag mula sa kanilang pagkakatayo.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay kapwa kaming tatlong bumulusok sa lupa.Halos magkadikit na ang aming katawan at nitong lupang kinatatayuan.Para bang dinaganan kami ng ilang daang kyubikong timbang.
Hindi ko maigalaw ang aking katawan dahil na rin sa tindi ng enerhiya subalit nilabanan ko.Inipon ko ang lahat ng aking lakas sa aking katawan at buong lakas na nilabanan ang enerhiyang bumabalot sa akin.Ganoon rin ang ginawa ng dalawa.Bakas sa mukha namin ang hirap ngunit hindi kami susuko.Hindi kami basta-basta susuko.
Hindi naglaon ay napagtagumpayan naming labanan ang kapangyarihan ng babae.Habol ang hiningang nakatingin kami sa tatlo.Ibinaling ko muna ang aking paningin sa dalawa.
" tayo na " seryoso kong sabi rito.
Mabilis na kumawala ang malapad na pakpak ni Mira at agad na lumipad sa himpapawid.Nagsimulang lumiyab na rin ang mga kamao ni Elias tanda na handa na sila.
Hindi ko na hinintay pa ang hudyat at mabilis kong tinahak ang may kalawakang espasyo sa pagitan namin.Muling nagsilutangan ang mga tipak ng lupa sa ere ngunit naging mas maingat na ako sa pagkakataong ito.Mabilis akong sumirko sa ere ng mapansin ang mabilis na paglakbay ng halos kasing laki kong tipak ng lupa.Napagtagumpayan ko naman iyon at muling ipinagpatuloy ang pagsugod.Konting pagitan na lamang ay malapit na ako sa kanila subalit nagulat ako ng bigla na lamang bumungad sa aking harapan ang lalaki at mabilis akong binigwasan ng suntok.Hindi ko na nakuhang umiwas kaya nasalo ko ang una nitong suntok subalit akmang susuntok na naman ako nito ng bigla itong bumagsak sa lupa ng hindi ko namamalayan.Agad kong iniikot ang aking paningin sa palagid kung saan bumungad sa akin ang presensya ni Mira kung saan bakas ang kaseryusuhang nakatingin sa ibaba.
Tumayo ako ngunit kasabay nito ang pagkumpulan ng mga bato at lupa sa ere.Hindi na ako nag-abala pang tingnan ito at mas binilisan na lamang ang pagsugod.Malapit na ako kila Baltazar.Halos hindi na makilala ang mukha ng matanda dahil sa mga natamo nitong atake mula sa akin ngunit wala akong naramdamang awa para rito.
Ilang sandali pa ay nasa harapan na nila ako.Galit ang emosyong pinairal ko sa aking mga mata.Gusto kong maramdaman nila ang pagkamuhi ko sa kanilang mag-asawa.Pareho silang may kasalanan.
Nararamdaman ko ang panginginit ng aking mga mata.Naririnig ko ang mabilis na pag-agos ng aking dugo sa kasuluk-sulukan ng aking sistema.
Wala ng patumpikpik pa at mabilis ko silang sinuntok kasabay rin nito ang mabilis na pag-angat ng kamay ng babae kung saan bigla na lamang umangat ang kanilang lupang inaapakan.Inipon ko ang lakas sa aking paa at tumalon ng mataas.Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ng babae at ni Baltazar ng sumulpot ako sa kanilang harapan.
Isang malakas na sipa ang pinakawalan ko kung saan malaya itong natanggap ni Baltazar na siyang naging dahilan upang malaglag ito.Naging mabilis ang kilos ng babae at nagawa nitong mapigilan ang nagbabadyang kapahamakan ni Baltazar.Ito na ang pagkakataon ko upang makapuntos man lamang sa babae.Parehong gamit ang dalawang kamay niya na siyang nagmamanipula ng gravity.
Inipon ko ang lahat ng lakas ko sa aking kamao at mabilis na pinakawalan ang malakas na suntok sa babae.Wala itong nagawa kung hindi ang tanggapin ito.
Tuluyang naging isa ang aking kamao at pisngi ng babae.Rinig na rinig ko ang paglagatok ng kung anong bagay sa pisngi nito sanhi ng malakas na puwersang pinakawalan.Tumilapon ang katawan nito.Nawalan ng kontrol ang nakalutang na lupa kaya naman ay mabilis ang pagbulusok nito sa lupa na nakikipagsabayan sa pagbagsak rin ng dalawang bulto.Samantalang ako naman ay nakatayo lamang sa naturang lupa habang hindi natitinag sa kung ano ang kahihinatnan nito pagkatapos.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...