25

2.2K 137 1
                                    

Tino

   Isang napakakisig na nilalang ang iniluwal ng naturang liwanag.Mas mataas ito kaysa sa akin at kumikislap ang balat nito sa tuwing natatamaan ng liwanag.

Ang buhok nito ay mahaba at kulay abo.

Ang kulay ng kaniyang mga mata ay kulay bughaw animo'y isang karagatan.

Ang labi nito na maihahalintulad ko sa isang ligaw na rosas sa sobrang pagkapula.

Nakatulala lang akong nakatingin sa kanyang taglay na kakisigan.Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito sa akin.

" tila nahuhumaling ka sa aking kakisigan Tino " may bahid ng kayabangan niyang sabi na siyang ikinabalik ko sa sariling ulirat.Dali-dali akong lumayo sa kanya at sinamaan siya ng tingin.Masyado naman atang mataas ang tingin niya sa kaniyang sarili.

Teka nga lang,kilala niya ako?Tinawag niya ako sa aking pangalan kaya ang ibig sabihin ay kilala ako nito.

" bakit mo alam ang pangalan ko? " seryoso kong tanong sa kaharap na lalaki.Imbes na sagutin ako nito ay tiningnan niya lamang ako mula ulo hanggang paa.

Marahil sa kanya nanggagaling ang naramdaman naming malakas na kapangyarihan noong nasa labas pa kami ng gusaling pinuntahan namin.

" sagutin mo ako! " singhal ko rito.Gumuhit ang mga linya sa noo ng kaharap na nilalang at sa isang iglap lamang ay nasa leeg ko na ang kaniyang malalapad na kamay.

Ramdam ko ang puwersang pinapakawalan niya habang nakakulong rito ang aking leeg.Malalagutan ako ng hininga ng wala sa oras.

" ang pinakaayaw ko sa lahat ay iyong sinisigawan ako Tino " mahinahon niyang sabi pero bakas ang mga diin sa letrang binibitawan nito.

" a-at ang p-pinakaayaw k-ko rin sa l-lahat ay iyong h-hindi marunong s-sumagot " asik ko rito at mabilis na nagpakawala ng sunod-sunod na sipa.

Agad ako nitong nabitiwan ng tumama ang aking mga paa sa kaniyang tagiliran.Hindi na ako nag-aksaya pa ng pagkakataon at mabilis kong inilayo ang aking sarili sa kanya.

" masyado ka namang mainitin Tino " wika ng lalaki habang marahang hinahaplos ang kanyang tagiliran.Sinamaan ko lang siya ng tingin.Kahit wala na sa aking leeg ang kaniyang kamay ay nanatili pa rin ang puwersa rito.

" anong kailangan mo? " walang-buhay kong tanong sa kanya.Kung siya si Islab na tinutukoy ni Elias hindi ba dapat sa kay Elias siya magpapakita at hindi sa akin?Hindi ko naman siya kakilala o kaanu-ano.Sumilay sa maninipis na labi nito ang nakakalokong ngiti.

" mali ata ang iyong naging katanungan Tino " aniya na siyang ikinanuot ng aking noo.

" anong ibig mong sabihin? " nagtataka kong tanong rito.

" hindi ba dapat ako ang magtanong sa iyo niyan?ano ang kailangan mo't napapunta ka rito sa mundo ko? " aniya.

Sandali akong natigilan sa kaniyang sinabi.Dinala kami rito ni Elias ngunit wala naman itong sinabi kung ano ang gagawin namin rito?

" kailangan namin ang tulong mo " sabay kaming napatingin sa biglang nagsalita.Bumungad sa amin ang walang emosyong mukha ni Elias.Katabi naman nito ang dalawa naming kasamahan na nakapako lamang ang mga mata sa direksyon ni Islab.

Nagulat kami ng bigla na lamang humalakhak ng malakas ang kaharap na lalaki.Wala naman akong maalalang biro na ibinato sa kanya at sinabi ni Elias.Nagpatuloy lang ito sa kaniyang ginawa habang kami naman ay hinihintay na matapos ang kanyang walang katapusang paghahalakhak.

" tulong??nangangailangan ka ng tulong ko?ang magiting na si Elias ay nangangailangan ng aking tulong! " aniya na sinasabayan pa ng pagtawa.

" oo kailangan namin ang tulong mo Islab " kaswal na sabi nito.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon