Tino
Tila nabalian ata ako ng buto dahil sa malakas naming pagbagsak.Sa kabila niyon ay sinubukan ko pa ring tumayo.Agad na hinanap ng aking mata si Tiyo.
Isang impit na daing ang aking narinig may di kalayuan sa aking kinatatayuan.Sa kabila ng madilim na paligid ay tinahak ko ang daan patungo rito.Dito ko natagpuan ang nakatihayang si Tiyo tila nahihirapan sa kaniyang kalagayan ngayon.Agad ko siyang nilapitan at maingat na ibinangon.
" Tiyo! " pukaw ko rito.
Alam kong hindi mabuti ang kalagayan nito dahil maraming lakas ang kinunsumo niya upang makatakas.
" bubuhatin na kita,kailangan natin makatakas " suhestyon ko rito.
Inayos ko ang pagkakaupo nito at agad na binuhat.Wala akong nakitang pag-alinlangan sa kalagayan ni Tiyo ngayon at ramdam na ramdam ko na kailangan naming makatakas.
Kung saan wala sa kondisyon ang aming katawan tsaka pa sila susugod.Pero kung sabagay nga naman mas pabor ito sa kanila upang mapadali ang kanilang pagtugis sa amin.
Mukhang natuto na sila sa kanilang mga unang pagkakamali.
Sinimulan ko ng suungin ang madilim na daan.Walang kaso sa akin kung madilim ang paligid tutal likas sa aking mga mata ang pagkakaroon ko ng kakayahang makakita kahit madilim.Di alintana ang bigat ni Tiyo basta ang importante ay kailangan naming makalayo rito.
Ilang hakbang pa ang aking ginawa subalit bigla akong napasubsub sa sahig dahil parang may kung anong tumarak na matulis na bagay sa aking binti.Nararamdaman ko ang pagbaon nito sa aking kalamnan.Impit akong napadaing sa sakit.
" anong nangyari Tino? " nagtatakang tanong ni Tiyo na nakapasan sa aking likuran.
" wala " sagot ko sa pagitan ng impit na pagdaing at pagiging kalmado.
Hinanap ko ang pinagtarakan ng kung anong bagay sa aking katawan at mabilis ko itong binunot.Napakagat na lamang ako sa aking labi dahil sa labis na sakit.Ayokong mapansin iyon ni Tiyo o mahalata man lang.
Dahan-dahan akong tumayo sa kabila ng panginginig ng aking tuhod.Inayos ko ang pagkakapasan ko sa kay Tiyo at sinimulang ihakbang ang aking mga paa.Sa bawat hakbang ko ay siya ring pagsirit ng kung anong likido sa aking binti.
Malayo-layo na ako sa aming puwesto kanina at ilang hakbang na lamang ay makakaalis na kami sa lugar na ito.Ngunit katulad nga ng inaasahan ko ay hindi pabor sa amin ang tadhana.
Kasabay ng aking huling hakbang ang sunod-sunod na pagtarak ng matulis na bagay sa dalawa kong paa.Hindi ko na mahanap ang aking balanse at tuluyan ng sumubsub sa maduming sahig.
" AAAARRGHHH! " halos pumutok na ang mga ugat sa aking leeg sanhi ng malakas na pagdaing dahil sa sakit na nararamdaman.Nanginginig ang aking kalamnan sanhi ng pagbaon ng kung anong bagay sa aking binti.
" Tino anong nangyari?! " nagtatakang tanong ni Tiyo.Lumapit ito sa akin subalit bigla na lamang itong natiligilan sa kaniyang kinatatayuan.Gumuhit ang pagkagulat sa kaniyang mukha habang nakatingin sa akin.
Nagkasalubong ang aming mata at kitang-kita ko roon ang sakit at gulat na naglalaro rito.Nakapako lang ang aking mga mata rito hanggang sa bigla na lamang itong bumagsak sa aking harapan.Tila naglaho ang sakit na nararamdaman ko kani-kanina lang ng mapansin ang nakabulagtang katawan ni Tiyo.
Dali-dali akong gumapang sa kanyang puwesto kahit di ko na maramdaman ang aking mga paa.Namanhid na dahil sa mga natamong sugat.
" Tiyo! " tawag ko rito subalit hindi ito sumasagot.Nagpatuloy lang ako sa paggapang.Nilukob na ng pinaghalong kaba at takot ang aking dibdib.

BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...