33

1.7K 92 5
                                    

Tino

Sunod-sunod na pagkatok ang pumukaw sa mahimbing kong pagkakatulog.Marahan kong iminulat ang aking mata at inilibot ito sa paligid.Wala na si Troy sa aking tabi kaya naman ay dali-dali akong bumangon at mabilis na binuksan ang pinto.Bumungad sa akin ang nakasandal na bulto ni Elias sa kaharap na pader.

" andito ka na pala " bungad ko.Nakaramdam ako ng pagkailang ng mapansing nakatitig sa akin si Elias na tila hindi man lang narinig ang aking sinabi.

" ummm Elias? " naiilang kong tawag sa lalaking kaharap.

Ilang sandali pa ay tila bumalik na ito sa sariling ulirat.Inayos nito ang kaniyang pagkakatayo at bahagyang tumikhim para mabasag ang kakaibang atmospera sa pagitan namin.

" may kailangan ka ba? " pagbubukas ko ng mapag-uusapan.

" may binanggit sa akin si Eli tungkol sa mga nalalaman na impormasyon ni Troy tungkol sa mga nakasagupa natin " aniya na siyang ikinabigla ko.

" ano naman ngayon? " kaswal kong tanong sa kaniya.Sandali itong natahimik.

" gusto kong hingin ang desisyon mo sa bagay na iyon,malaking tulong iyon upang mas mapabilis ang ating paghahanap sa mga taong mayroong kinalaman sa organisasyon Tino,hindi na natin kailangan pang magsimula ulit sa umpisa,nawawalan na tayo ng oras " aniya.

Katahimikan.

" nakausap niyo na ba si Troy tungkol sa bagay na ito? " kaswal kong tanong sa kaniya.

" oo "

" anong desisyon niya?wala akong maisasagot sa bagay na iyan "

" pumayag na siya sa bagay na iyan " aniya na siyang ikinagulat ko.Hindi ko inakalang papasok siya sa gulong ito.

" ano?! "

" gusto niyang makatulong sa misyon natin Tino "

Wala sa sariling nakuyom ko ang aking mga kamao dahil sa emosyong nararamdaman.

" nasaan siya? " tanong ko sa kaniya.

" nasa kusina " wika nito.Tinalikuran ko na lamang siya at tinungo ang daan patungo sa kusina.Malayo pa lamang ay rinig na rinig ko na ang masiglang boses ni Troy na nakikipagbiruan sa kay Direk at sa kay Eli.

Diri-diretso lang ako sa paglakad hanggang sa tumigil ako sa kanilang harapan.Bakas sa mukha ni Troy ang pagtataka ng bumungad ako sa kanilang harapan na walang ni anong emosyong nakasabit sa aking mukha.

" Troy maaari ba kitang makausap? " panimula ko.Ihininto muna nito ang kaniyang pagkain at nilapitan ako.Agad na ikinulong ang dalawa kong palad sa kaniyang kamay.

" mukhang importante iyan " aniya.

" bakit ka sumang-ayon? " tanong ko kaagad rito.Pansin kong hindi na ito nagulat sa aking naging katanungan.Mukhang alam na niya na tatanungin ko siya tungkol sa bagay na ito.

" gusto kong makatulong Tino,ayokong maging pasanin sa grupong ito,hindi ko matiis na habang kayo nakikipagpalaban sa kay kamatayan ay heto ako nakakulong sa lugar na ito "

" hindi ka pasanin Troy "

" pero iyon ang nararamdaman ko "

" dito ka na lang,hayaan mong kami ang lumutas sa bagay na ito " naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak ng kamay ko ni Troy.

" hindi tutulungan ko kayo,magtiwala ka sa akin Tino,iyon lang ang kailangan ko mula sayo,pagkatiwalaan mo ako " may himig ng pagsusumamo nitong sabi sa  akin.Isang mahabang buntong hininga ang kumawala sa aking bibig.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon