Tino
Huminto ako sa tapat ng isang malaking pader.Ito ay binabahiran ng kulay puting pintura habang nakakalula naman ang taas nito.Waring umaabot na sa langit.
Isang mahinang pagbuntong-hininga ang siyang kumawala sa aking bibig habang nakatingin sa harapan.Kung gayon ito na ang lugar na paroroonan ko.Sa likod nito ay naroroon ang aking matagal ng hinahanap.
Hindi ko maipaliwanag ang kasalukuyang emosyong naglalaro sa aking sistema.Nanabik ako't kinakabahan na hindi ko maunawaan.Sa kabilang banda'y ang aking nararamdaman ay isa lamang senyales na malapit ng matapos ang lahat-lahat.Nasa dulo na ako.
" ito na ang matagal mong hinihintay Tino,ang pagtatapos ng kasalukuyan at pagsisimula nang panibagong buhay,kailangan mo ng tapusin ang gulong ito,kailangan mong ipaghiganti ang mga taong kinuha nila sa iyo,si Tiyo,si Troy,si Ina at iyong mga nilalang na ninakawan ng karapatang mabuhay " wika ko sa aking sarili.
Nasa kamay ko na ang mangyayari sa hinaharap.Nakasalalay ito sa akin kung ito ba'y aayun sa aking ninanais o sa iginuhit ng kapalaran.Kahit alin man sa dalawang iyan ang magiging kalabasan nitong aking gagawin ay sisiguraduhin kong magtatagumpay ako.Iyon ang nakatatak sa aking isipan at iyon lang ang magiging prayoridad ko,ang tuluyang mawasak ang organisasyon.
Handa na ako.
Handang-handa na ako.
Inipon ko ang lahat ng aking lakas sa aking talampakan at buong lakas na lumukso patungo sa tila walang hanggang pader sa aking harapan.Ang bawat paggalaw ng aking katawan ay isinisigaw ang pananabik.Ang aking bilis ay mistulang nakikipagsabayan sa hangin hanggang sa tuluyan akong makarating sa pinakatuktok ng pader.
Nababalutan ng makakapal na ulap at hamog ang buong paligid habang tanaw mula rito ang kabuuan ng isla.Nakapagtataka lamang na hindi ko man lang itong napansin kanina.Marahil isang malakas na salamangka ang kanilang ipinataw rito't hindi mo ito masisilayan mula sa malayo katulad ng ginawa nila sa nakabalot na salamangka sa isla.
Pinaghandaan nga talaga ni Baltazar ang aking pagdating.Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi magalak sa kaniyang pagsisikap na maisagawa ang mga ganitong pagsalubong.
Bagaman nababalutan ng mga hamog at ulap ang palibot ay malinaw ko pa rin namang nakikita ang paligid.Hanggang ngayon wala pa rin naman akong nararamdamang kakaiba sa paligid subalit hindi ako maaaring pakampanti.Maaaring isa itong patibong o isang panlilinlang sa aking kaisipan.
Sinimulan ko ng ihakbang ang aking mga paa paabante ng bigla na lamang may bumulaga sa aking harapan na malakas na boltahe ng kuryente.Dali-dali namang kumilos ang aking katawan palayo sa naturang lugar.
Mabilis na binalot ng mga kaliskis ang aking katawan,tanda na nakahanda na ako sa susunod na pag-atake.Naging malikot ang aking mga mata sa paligid na mapa-hanggang ngayon ay binabalutan pa rin ng makakapal na mga ulap at hamog.
Tinalasan ko ang aking pandamdam subalit wala akong nararamdamang kakaibang enerhiya sa nasasakupang distansya.Waring ikinukubli sila ng malakas na puwersa na hindi ko naman matukoy kung ano iyon.
Tahimik lang akong nakatayo habang binabantayan ang susunod na mangyayari ng hindi inaasahang bigla na lamang sumiklab ang naglalagablab na apoy sa aking harapan at mabilis akong pinalibutan.Mula naman sa aking itaas ay isang kulay lilang enerhiya ang lumitaw roon at mabilis ang paglakbay nito pabulusok sa aking puwesto.
Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa paligid.Wala akong maramdamang kahit anong hapdi o sakit sa aking katawan sa kabila ng malakas na epekto ng naturang pagsabog.Idinilat ko ang aking mga mata kung saan bumungad sa akin ang pigura ng isang malaking bulto ng lalaki habang nababalutan ng mga usok.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...