4

4.6K 243 32
                                    

Tino

      Araw ng Huwebes ngayon at nakatanggap kami ng imbitasyon mula sa munisipyo.Kaya naman maaga pa lamang ay bumaba na kami ni Tiyo bitbit ang mga katanungan sa aming mga isipan.Sa puntong ito ay hindi namin alam kung ano ang pag-uusapan.Minsan lamang sa isang taon kami pinapapunta sa munisipyo at iyon lamang ay kung magkakaroon ng panibagong kontrata o pagpupulong sa mga organisasyon ng mga magsasaka.Pero sa pagkakataong ito ay wala sa mga nabanggit and dahilan ng aming pagpunta.

Isinawalang bahala na lamang namin iyon dahil baka mahalaga nga itong imbitasyon sa amin.Bandang alas otso ng makarating kami sa munisipyo.Abala ang mga empleyado sa kani-kanilang trabaho.Nanatiling nakaupo lamang kami ni Tiyo sa labas ng tanggapan ng aming kikitain.Ilang sandali pa,isang lalaking nakasalamin ang lumabas sa nasabing tanggapin at kinausap kami.Pinapapasok na raw kami ng aming kikitain.

Naunang pumasok si Tiyo at ako naman ang sumunod.Sumalubong sa amin ang malamig na temperatura sa loob ng opisina.

" maupo kayo " alok nito.Naupo rin naman kami sa mga bakanteng silya sa harapan ng kanyang desk.

" magandang umaga sa inyo,hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa,this is all about sa lupang pansamantalang pinahiram sa inyo ng pamahalan " iyon naman talaga ang sadya namin dito.Alangan naman pumunta kami rito for scholarship.

" mawalang gana na po,ano ho bang mayroon upang muling mabuksan ang usapin tungkol sa lupang sinasakahan namin? " kalmadong tanong ni Tiyo.

" Mister,I would like to inform you na ang lupang inyong sinasakahan ay kukunin na muli ng pamahalaan " pareho kaming nagulat ni Tiyo sa balita ng babae.Bakit biglaan naman yata.

" Ummm excuse me lang Madam...kukunin?sa pagkakatanda ko po ay walang ganoon sa usapan sa pagitan namin at ng pamahalaan.Opo pagmamay-ari pa rin po ng pamahalaan ang lupang sinasakahan namin pero may kontrata po kaming nilagdaan about dito.May natitira pa kaming isang taon bago matapos ang nakalagay sa contract.Bakit po biglang nagbago naman yata " singit ko sa usapan.Nasa tamang edad na ako upang makisali sa kanilang usapan kaya walang mali sa aking ginagawa.

" Yes Mister tama ka,pero maaantala ang proyekto ng gobyerno kung hihintayin pa natin matapos ang isang taon.Gustong gumawa ng irigasyon sa inyong lugar ang pamahalan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga magsasaka "

" pero paano kami?? " naiinis kong wika rito.Magandang ideya ang proyekto ng pamahalan pero paano kami?Pwede naman silang gumawa ng irigasyon sa kung saan nilan gustong gawin tutal malapad naman ang lupaing iyon.Bakit kasama pa kami?May iba pa ba silang plano?

" well Mister hindi ko na iyan problema,ginagawa ko lamang ang aking trabaho and minding your own business wasn't my business either " hindi ko ito inaasahan.Bakit parang may mali sa mga nangyayari?

" hmmm ilang buwan po ba bago kami papaalisin sa aming sinasakahan? " tingnan mo tuh si Tiyo,hindi man lang maka reklamo sa mga narinig mula sa babae.Hahayaan nya na lang na tuluyang makuha ng pamahalaan ang sinasakahan namin sa loob ng mahabang panahon?

" 3 months " sagot ng babae.Tanging pagtango lamang ang naisagot ni Tiyo samantalang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari.

Hindi na rin kami nagtagal pa doon at lumabas na kami ng munisipyo.Naiinis ako sa kay Tiyo dahil hindi man lang nya nagawang magreklamo o magprotesta upang ipaglaban ang karapatang mayroon kami.Bumabayad naman kami ng buwis at kalahati ng kita ng sakahan ay napupunta sa pamahalaan kahit may kontrata kami ah.

Hindi ko ito inimik hanggang sa makauwi kami sa kubo.Kumulong ako sa aking silid at nagtalukbo ng kumot.Naiinis ako.Ngayon kung tuluyang ibibigay nya sa pamahalaan ang lupang ito ey saan kami pupulutin?Magbabagong-bayan na naman kami?Nakakapagod ng maging isang estranghero sa isang lugar.Pagod na ako.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon