39

1K 65 3
                                    

Tino

" paano mo nga ba nagawang tupukin ng ganon-ganon na lamang ang kanyang salamangka? " usisa ko sa kay Elias.Kasalukuyan kaming nandito sa aming kuta't pinagsasaluhan ang aming hapunan.

" dahil walang kwenta ang kanyang salamangka " inulit lang nito ang kanyang naging sagot kanina sa kay Dahlia.Batid kong mayroong higit na kadahilanan kung bakit niya nagawa iyon.Hindi kaya siya tinatablan ng salamangka ni Dahlia kaya niya nagawa ang bagay na iyon.

Hindi ko na lamang siya kinulit pa dahil mukhang wala naman ata itong balak sabihin sa akin ang tunay na kadahilanan.Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa hapag.

Kapansin-pansin rin ang pagiging tahimik ni Troy simula ng dumating ito mula sa unibersidad samantalang si Eli naman ay abala sa pakikipagbiruan sa kay Derik.Mukhang may malalim itong iniisip.Ayaw ko namang manghimasok sa kung anong iniisip niya kaya nanatiling tikom ang bibig ko ngunit nanatiling nakatuon pa rin sa kanya ang aking atensyon.

Pagkatapos ng aming hapunan ay sandali muna kaming nagpulong ngunit sa pagkakataong ito ay hindi kasama si Troy.May mahalaga raw siyang gagawin.Marahil may kaugnayan sa kanyang pag-aaral.

" gusto kong obserbahan mo ang lugar na ito Eli bukas,kailangan kong malaman kung ano ang nasa likod ng tila portal na ito " wika ni Elias habang nakatuon ang atensyon sa kaharap na larawan.

" bakit anong mayroon sa lugar na iyan? " nagtataka nitong usisa.

" panoorin mo ang video na ito " mabilis na sagot ni Elias habang ipinapakita ang naka-play na video sa laptop.

" anong sa tingin mo ang nasa likod ng pangyayaring iyan? " muling tanong ni Elias sa kay Eli.Sa aming naririto siya na lamang ang walang kaalam-alam hinggil sa nangyayari.

" siguro'y isa iyan sa mga paraan ng organisasyon upang mapalawig ang kanilang mga sinasakupan,ang ibig kong sabihin ay upang mas dumami ang kanilang mga armas " kaswal nitong sagot.Lahat kami ay napatingin sa kanyang direksyon.

" anong ibig mong sabihin? " nagtataka kong tanong.

" kapag ang isang bansa ay naghahanda sa isang malawakang digmaan,kailangan nilang maghanda muna ng maraming armas ng sa gayon panigurado silang mananalo sila sa huli kaya sa tingin ko'y ganyan ang ginagawa ng organisasyon,naghahanda sila ng malakas na puwersa para sa mangyayaring labanan " paliwanag nito.Di ko alam kung saan niya nakuha ang ganitong kaisipan.Malayong-malayo ang kanyang naging sagot hinggil sa bagay na itinatanong ni Elias.

" ang ibig mo bang sabihin na iyong mga taong biglang naglaho sa lugar na iyon ay mga ginagawang armas ng organisasyon?paano naman mangyayari ang bagay na iyon gayong wala naman silang espesyal na kakayahan " pahayag ko.

" maaaring oo,maaari ring hindi ang magiging sagot ko tungkol sa bagay na iyan.Pero ito opinyon ko lang ito,bakit pa mag-aaksaya ang mga taga-organisasyon na dukutin ang mga estudyanteng iyon kung wala hindi naman sila mapapakinabangan sa kanila?imposible namang ginawa nila iyon upang makilala sila ng labas gayong alam naman nating lahat na hindi nila iyon kayang gawin " salaysay pa nito.

" ang gumugulo lamang sa isipan ko ngayon ay kung bakit naman nila iyon gagawin?ano ang magiging papel ng mga kabataang iyon sa organisasyon? " pahayag ko.

" armas " tipid nitong sagot.Sa ikalawang pagkakataon,lahat kami ay napatingin sa kay Eli.Sa paraan ng kanyang pagkakasabi parang alam na alam niya kung ano ang aming tinatalakay na suliranin.

" huwag niyo akong tingnan ng ganyan,ginawa ko lamang ang aking misyon ayon na rin sa inutos mo Elias,nagsiyasat ako sa loob ng unibersidad lingid sa kaalaman ni Troy,doon ko napagtanto ang tunay na pamamalakad ng unibersidad at kung gaano kabulok ang kanilang sistema.Ang mga estudyante roon ay walang kalayaan.Lahat sila ay ginigipit na gawin ang ganyan o ganitong bagay dahil kung hindi nila gagawin iyon,papatalsikin sila sa unibersidad.Sino ba naman ang hindi masasayangan sa mga ibinibigay na opurtunidad ng unibersidad gayong marami itong koneksyon mula sa mga makapangyarihang tao sa lipunan at sa labas nitong bansa.Kahit sino gugustuhing may nakalaan ng magandang buhay o trabaho sa kanila sa hinaharap " simula nito.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon