Tino
Mahimbing akong natutulog sa inilatag na dahon ng saging ni Zac ng maramdaman ang mahinang pag-uga ng lupa.Dala ng kapaguran at antok ay isiwinalang bahala ko lamang iyon at hinayaang maglakbay sa aking panaginip.
Payapa't matiwasay ang lahat sa paligid.Simula ng mabulabog ang aking pagkakatulog ay hindi na ako muling dinalaw pa ng antok pero nanatiling nakapikit pa rin ang aking mga mata at matamang pinapakiramdaman ang paligid.
Huni ng mga masasayang ibon ang siyang maririnig sa mga kakahuyan bilang pahiwatig na sasalubungin na nila ang pagsikat ng araw.Bagaman malamig ang bumabalot sa atmospera sa lugar na ito ay hindi naman iyon gaanung nakapagbibigay sa amin ng problema sa aming kasalukuyang sitwasyon.
Hinahayaan ko lamang ang aking sarili na libangin sa kung anong naririnig sa paligid subalit hindi iyon tumagal ng isang malakas na pag-uga sa ilalim ng lupa ang siyang gumimbal sa aming mahimbing na pagpapahinga.
Walang pag-alinlangan kong iminulat ang aking mga mata at mabilis pa sa alas kwatrong bumangon mula sa aking pagkakahiga.
Ganoon rin ang ginawa ng tatlo.
" ano iyon?! " gulat na tanong ni Eli.Nagkatinginan lang kaming apat dahil wala naman sa amin ang nakakaalam kung ano ba talaga ang nangyari.Hanggang sa umagaw sa atensyon namin ang tila inararong kapunuan.Lahat ng mga puno sa bahaging iyon ay tila dinaanan ng matinding sakuna at halos mawala sa dati nitong puwesto ang mga nakatayong mga puno.
" si Zac " kaswal na wika ni Mira habang nakatingin sa himpapawid.Lahat kami'y tumuon ang atensyon sa itaas kung saan bumungad sa amin ang imahe ni Zac na nakalutang sa ere habang walang mababanaag na ekspresyon sa mukha nito.
" mukhang may hindi magandang mangyayari " malamig na sabi ni Elias.Iyon rin naman ang kutob ko.Marahil ang kaninang mahinang pag-uga ng lupa na siyang aking naramdaman kanina ay hudyat na may mangyayaring hindi maganda.
Kasabay ng malakas na pagsabog ang siyang paglabas ng kakaibang usok mula sa ilalim ng lupa.Tila may mga sarili itong buhay.
" ano ang mga iyan? " ani Eli.
Naramdaman ko ang mabilis na pagbalot ng aking kapangyarihan sa aking katawan habang inihahanda ang sarili sa mga susunod na mangyayari.Hindi ito maganda.Nararamdaman ko ang salamangkang naramdaman ko rin kagabi.Nangangahulugan lamang na nasa palibot lamang ang nagmamay-ari niyon.
" humanda kayo! " utos ko.Mabilis na pumagaspas ang pakpak ni Mira at kaagad na umangat samantalang bumalik sa dating porma si Eli't sinamahan si Mira sa himpapawid.Naiwan naman kaming dalawa ni Elias sa ibabaw habang pinapakiramdaman ang paligid.
Kapwa kaming napatalon ni Elias ng mataas mula sa aming kinaaapakan ng maramdaman ang matinding pagyanig mula sa ilalim.Hindi pa man kami nakakalayo mula sa naturang puwesto'y agad na bumuka ang lupa at kasama nito ang pagpailanlang ng itim na kapangyarihan na siyang dahilan ng pagkawasak ng naturang lugar.Malakas iyon na kung hindi namin nagawang makaalis ay maaaring ikamatay namin.
Hindi biro ang kapangyarihang iyon.Nakasisiguro akong isa iyong likha ng mahika,at hindi basta-bastang pangkaraniwan ang nagmamanipula niyon.
Binalot ng makapal na usok ang paligid.Nagkalat ang mga tipak ng bato at lupa sa palibot habang sumasabay naman sa hangin ang mga alikabok.Wala kang ibang maririnig maliban sa aming mga paghinga,ang kaninang masiglang pagsalubong ng mga ibon ay binalot ng kakaibang katahimikan.Katahimikang nanonoot at nagbibigay ng silakbo sa aming sistema.
Nanatili akong nakatayo habang hinihintay na numipis ang usok sa aking harapan.Nahihiwagaan ako sa kung ano ang nasa likod ng usok na iyan na pinagmumulan ng kakaibang salamangka.Salamangkang maihahalintulad ko sa kay Dahlia at Baltazar.

BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...