Tino
Ilang araw na rin ang nakalipas simula ng mangyari ang pagkasunog sa aming kubo.Alam naming sinadya iyon pero hindi na namin ito pinaalam sa mga kinauukulan.Para ano pa?Para kaawanan kami?Kaawaan nga ba o baka pagtawanan pa?Kaya naman minabuti na lamang namin ni Tiyo na dito na lamang sa centro muling magsimula tutal naman mayroon na kaming matitirhan dito.
Kahit mabigat man sa amin kalooban ay ipinagbili na namin yung alaga naming kalabaw at ilan pang mga hayop na naiwan sa amin upang makadagdag na rin sa aming ipon.
Halos mahigit isang dekada kaming nakatira doon kaya mahirap sa amin na lisanin ang lugar na iyon ngunit ibang tao na ang gumawa ng paraan upang mapabilis ang aming pag-alis.
Ngayon maayos naman kaming naninirahan dito sa nirerentahang apartment ni Tiyo.Magsisimula ulit kami.At sa pagkakataong ito kami ang gagawa ng aming mga kapalaran.
Simula ng umalis kami sa bukid ay wala na kaming ibang pinagkakakitaan.Sabi ni Tiyo ay may malaking halaga pa naman siyang naipon sa kanyang bank account pero hindi iyon sapat.Kailangan kumayod pa rin kami ni Tiyo.
Kasalukuyan akong nandito sa labas.Malalim na ang gabi subalit nanatiling gising pa rin ako.Naninibago ang aking katawan sa paligid.Kung dati ay mga nagtataasang mga puno ang masisilayan ko ngayon ay mga gusali na.Magagandang gusali.
Ang mga bituin rito ay nakakubli sa mga makakapal na ulap.Kahit ang buwan ay ganoon rin.Nahihiya ata silang ipakita ang kanilang kagandahan sa mga taga-centro samantalang sa bukid ay malaya nilang naipapamalas ang kanilang kariktan sa lahat.Tila nasa iba akong daigdig.
" hindi ka pa rin makatulog? " tumabi sa akin si Tiyo bitbit ang isang basong naglalaman ng gatas.
" hindi na iyan kasing sarap ng gatas mula sa kalabaw subalit masasabi kong sapat na rin upang antukin sa malamig na gabi sa siyudad " anito sabay higop sa kanyang tasa.
" salamat " naayos na namin ang aming naging alitan.Sabi nga dati sa akin ni Tiyo na ibinigay nya na sa akin ang buong tiwala nya.Hahayaan nya na akong gawin ang kung anong desisyong gagawin ko basta huwag ko lang raw kakalimutan na sa bawat desisyon na aking gagawin ay kailangan panindigan ko ito.Aalalay lamang siya at mananatiling nasa aking tabi.
" babalik na ako sa pag-aaral Tiyo " pagbukas ko ng mapag-usapan.Hindi na ito bago sa kanya dahil makailang ulit ko na itong sinabi sa kanya jahit noong nasa bukid pa kami.
" walang problema,kung iyan ang kagustuhan mo hayaan mo't susuportahan kita " nakangiti nitong sabi.Lumapit ito sa akin at inakbayan ako.
" salamat sa lahat Tiyo " sinsero kong sabi rito.Isang buntong-hininga lamang ang naging tugon nito.May pag-aalinlangan pa rin sa dibdib nito subalit alam kong sinusubukan nya akong pagkatiwalaan.
Binalot kami ng katahimikan.
" Tiyo "
" hmmm "
" sa oras na makawala ako sa selyo,ano ang mangyayari? " tiningnan ako ni Tiyo.Nabigla ata sa aking katanungan.
" sa oras na matanggal ang selyo ay sisimulan na nila ang pagtugis sayo " sagot nito habang nakatingin sa malayo.
" bakit sa loob ng mahabang panahon ay hindi nila ako pinagtangkaang patayin,sigurado akong sa mga panahong iyon ay mahina pa ako at madali lamang akong paslangin "
Humarap sa akin si Tiyo at waring binabasa ang emosyong naglalaro sa aking mata.
" dahil nilalaban ng selyong iyan ang kanilang kapangyarihan at armas,maging ang iyong kapangyarihan.Hindi nila iyon magagamit at magiging walang silbi lamang kaya naman hinihintay nilang tuluyang pakawalan ka ng selyo at kapag nangyari iyon,doon ka na nila tutugisin " aniya.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...