35

1.3K 80 0
                                    

Tino

Kasalukuyan akong nandito sa labas ng barong-barong sa kadahilanang hinihintay ko sina Troy at Eli.Gabi na kasi subalit wala pa ang mga ito.Iniwan ko muna sa loob sina Elias at Derik dahil abala sila sa pagsuri sa kanilang nakuha sa opisina ni Baltazar na maaaring may kaugnayan sa aming hinahanap.

Tahimik lang akong nakasandal sa maliit na poste na pinalalamutian ng mga nagkabuhol-buhol na mga kable ng kuryente habang nakatago sa magkabilaang bulsa ang dalawang kamay.

Ang atensyon ko ay nasa itaas kung saan pinagkukumpulan ng mga gamo-gamo ang bombelyang naglalabas ng liwanag.Kanina pa sumapit ang gabi subalit mapahanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi ang dalawang kasamahan.

Saan pa kaya sila nagpupunta sa mga sandaling ito.Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala dahil baka may nangyaring hindi maganda sa kanila.

Hindi kalayuan mula sa aking kinatatayuan ay may naaninag akong isang bulto na kampanteng naglalakad.Naririnig ko pa ang magiliw nitong pagsipol.Inayos ko ang aking pagkakatayo dahil nakakasiguro akong si Troy na nga ito.

Ilang sandali pa ay tuluyang inuluwal ng makipot na iskinita ang lalaking kanina ko pa hinihintay.Maaliwalas ang mukha nito na tila bang may magandang nangyari sa kanya kanina.Saka pa lamang naging panatag ang aking kalooban ng masilayan ko ito ng maayos.Gumuhit sa labi nito ang isang matamis na ngiti ng makita ako sa aking puwesto.Binilisan nito ang kaniyang paglalakad palapit sa akin na parang sabik na sabik na makita ako.

" ginabi ka ata? " kaswal kong tanong rito.Imbes na sagutin ako nito hinggil sa aking naging katanungan ay isang mabilis na halik sa aking pisngi ang naging tugon nito.Huli na upang mapigilan ko ang naramdamang kilig dahil sa kaniyang ginawa.

" sorry na,nagkaayayaan kasi ang mga ka-teammates ko na mag dinner " aniya.Hindi na lamang ulit ako nagtanong pa ulit dahil valid naman ang dahilan nito.Ilang linggo rin silang hindi nagkita ng kaniyang mga kasamahan dahil sa mga nangyari sa kaniya kaya karaniwan lang na ma-miss siya ng mga ito.

" kumusta ang araw mo? " usisa nito.Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa aking bibig pagkarinig ng kaniyang katanungan.

" maayos naman kahit papano " sagot ko na lamang rito.Pagtango lang ang naging tugon nito.

" teka nasaan si Eli? " tanong ko ng hindi makita ang ang kasama.Lumapit sa akin si Troy at marahang binuksan ang kaniyang bulsa kung saan naroon si Eli na mapayapang natutulog.Maliit pa rin ang anyo nito.

" napagod yan kanina doon sa Mall kakalaro sa arcade " natatawa nitong kumpisal.Kaya pala ang himbing-himbing ng tulog.

Hindi na rin kami nagtagal pa sa labas at pumasok na kami sa loob.Nadatnan naming abala pa rin ang dalawa sa harapan ng computer kaya naman dumiretso na lamang kami sa aming silid.

Nakaupo ako sa gilid ng kama habang si Troy naman ay nagbibihis sa loob ng banyo.Nilalamon ako ng mga katanungan tungkol sa nangyari kanina.Mapahanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa aking isipan ang huling kaganapan kanina.Misteryoso pa rin sa akin kung sino o kanino nanggaling ang mga punyal na iyon.Ang huling natanggap ko na punyal kung saan may kalakip na liham na may nakasulat na '2' ay ilang buwan na rin ang nakalilipas.Kanina naman tatlong punyal ang muling inihagis sa akin at walang kasamang liham.

Sa PRSUS kaya naggaling ang mga iyon?Sabihin na nga natin na sa kanila nga,anong ibig sabihin naman sabihin nun?Halos lantaran na nga nila akong tinutugis tapos may ganitong pakulo pa sila?.

" may problema ba? " napakislot ako ng maramdaman ang pagpulupot ng mga bisig ni Troy sa aking tagiliran habang dahan-dahan nitong ipinatong sa aking balikat ang kaniyang baba,mas hinigpitan rin nito ang pagkakayakap sa akin.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon