Tino
Hindi ko alam kung ano ang kasalukuyang reaksyon na naglalaro sa aking mukha dahil sa pangyayaring iyon.Patuloy sa pagdaos-os ang mga kulay pulang likido sa harang na gawa sa yelo.Bagama't nandito ako't unti-unting kinakapos sa paghinga ay nagawa ko pa ring malanghap ang malangsang amoy ng nasa labas.
Hindi ako maaaring magkamali.
Isang malakas na suntok ang bumungad sa akin dahilan upang unti-unting mabuwag ang yelong bumabalot sa akin.
Mukha ni Tiyo ang sumalubong sa akin ng tuluyang makalaya sa pagkakakulong.Maitim ang bumabalot na awra dito.Hinanap ko sa paligid ang lalaking nakalaban.Gumawi ang aking atensyon sa isang bulto ng taong nakahalindusay sa nagyeyelong sahig na napapaliguan ng sarili nitong dugo.
Pugot ang ulo nito.
Tiningnan ko si Tiyo.Tahimik lamang ito habang nakatingin sa nasabing katawan.Walang mga salitang gustong kumawala sa aking lalamunan.Alam kong si Tiyo ang may kagagawan nito.
" humanda ka andito na sila " seryoso niyang sabi na siyang aking ipinagtaka.
Bahagya itong umatras mula sa kaninang kinatatayuan.Ang mga mata nito ay hindi mapanatili sa isang direksyon.Kahit may pagtataka sa aking mukha,sinunod ko na lamang kung ano ang kanyang sinabi.Kinuyom ko ang aking mga palad at inipon ang nabawing lakas.
Mula sa nagkakapalang mga hamog,unti-unti akong may naaninag na mga bulto.Pormang tao.Dahil tinatakpan ito ng mga hamog,hindi ko makita ang kabuuan nila pero isa lang ang sigurado ako,mga kalaban sila.
Numipis ang mga hamog at tuluyang iniluwal ang mga nasabing bulto.Halos magkasalubong ang aking mga kilay ng mapagtantong hindi lang pala isa ang nasabing kalaban kung hindi lima silang lahat.
Matuwid ang pagkakatayo nila habang matamang nakatingin sa amin.Lalo na sa aking gawi.Sa kabila ng pagiging masungit ng panahon ay hindi natinag ang aming mga tinginan.
Ang mga yelo ay nagsimulang matunaw sa tindi ng pagbuhos ng ulan.Humalo ang dugo sa pagdaloy ng tubig.Ang kaninang lamig na nararamdaman ay unti-unti ng naglaho sa aking katawan.
Mas hinigpitan ko ang pagkuyom sa aking palad dahil alam kung mapapasabak kami nito sa matinding labanan.
" ang itinuro ko Tino " mahinang paalala nito sa akin.Pagtango lang aking naging tugon rito.
Kailangan kong pagkatiwalaan ang sarili ko ngayon.Hindi pa ito ang tamang panahon upang gamitin ang aking kapangyarihan.
Sa talas ng aking pandinig ay hindi nakatakas sa aking tainga ang pagkiskisan ng mga metal mula sa mga kalaban.Inilabas na nila ang kanilang mga kagamitan.Wala akong pakialam sa mga sandatang mayroon sila dahil ang kailangan kong malaman ay kung ano ang kanilang mga kakayahan.Iyon ang importante sa ngayon.
Lahat sila ay pare-parehong mayroon ng maninipis subalit matutulis na mga sandata.Lakas lamang ang puhunan namin ni Tiyo laban sa kanilang kakayahan at kagamitan.Matira ang matibay.
Sa isang iglap,binalot ng apoy ang katawan ng lalaking nasa kaliwang gilid.Ang naaapakang yelo nito ay tuluyang natunaw.Ang katabi naman nito na kung pakasusuriin ay isang babae ay may tumubong pakpak na kulay kayumanggi.Umangat ito sa ere habang nakatutok sa aming direksyon ang kanyang espada.Sa kabilang dako,ang dalawang nasa gilid ay nagmistulang naging halimaw ang katawan.Pareho sila ng itsura.Gumawi ang aking paningin sa kaharap na lalaki.Iyong kanilang pinuno sa kanilang grupo.Tahimik lamang ito at wala akong nakikitang pagbabago sa kanyang katawan.
Mabilis na lumipad ang babae sa aming direksyon.Agad niya sa amin hinataw ang kanyang espada subalit agad namin itong naiwasan ni Tiyo.Umatras ako at inihanda ang sarili.Di pa man lubos na nakakapag-adjust mula sa pagsugod ng babaeng may pakpak ay sunod-sunod na sipa at kalmot naman ang nakuha ko mula sa biglaang pagsugod sa akin ng dalawang halimaw.

BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...