Tino
Sunod-sunod ang ginawang paghampas ni Troy ng kaniyang dalawang arnis sa naturang kalaban.Batid ko mula sa aking kinatatayuan ang malalakas na puwersang pinakawalan niya sa kanyang armas subalit wala itong naging epekto sa kalaban.Nanatiling nakatayo ito ng tuwid at hindi man lang nagalaw ang ulo nito.Sa huling atake ni Troy ay nagawang masangga ng kalaban ang kanyang arnis at mabilis itong ikinulong sa kaniyang palad.Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagkagulat ni Troy sa biglang ginawa ng kalaban.
Inihanda ko na ang aking sarili at binilisan ang aking galaw.Halos liparin ko na ang espasyo sa pagitan naming tatlo upang mapigilan ang nagbabadyang pagpapakawala ng mapaminsalang enerhiya sa direksyon ni Troy.Sumirko ako sa ere at mabilis na ikinulong sa pagitan ng dalawa kong hita ang ulo ng kalaban.Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at agad ko itong pinilipit sabay bagsak ng aming katawan sa sahig.
Dali-dali akong pumaitaas sa naturang kalaban at pinaulanan ito ng sunod-sunod na suntok sa mukha.Ibinuhos ko ang lahat ng lakas ko sa bawat binibitawang suntok.Patuloy lang ako sa aking ginagawa kahit na namamantsahan na ng dugo ang aking kamao.Huling hataw ko na ng aking suntok ng biglang may namuong butil ng enerhiya sa nakaawang na bibig ng kalaban.Akmang lilisanin ko na sana ang pagkakaupo ko sa kanya ngunit mabilis nitong naikulong ang aking mga paa gamit ang kaniyang mga malalaking braso.
Huli na upang matakasan ang nagbabadyang pagsabog ng mapaminsalang enerhiya.Napakabilis ng pangyayari,ang sunod ko na lamang na naramdaman ay ang pagkawala ng malakas na enerhiya sa paligid ngunit ang aking lubos na ipinagtaka ay wala man lang akong naramdamang kakaiba o kahit ano sa aking katawan.
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata kung saan bumungad sa akin ang bulto ng isang lalaki na kumukubli sa makapal na usok.
Anong nangyari??
Bakit wala akong maramdamang pinsala sa aking katawan?
Bumaba ang aking mga mata sa nakahalindusay na bulto kung saan ako nakapatong.Laking gulat ko ng wala na itong ulo.Naliligo na sa dugo ang buo nitong kawatan.Dali-dali akong tumayo at lumayo kaagad rito.Unti-unting numipis ang kaninang makapal na usok.Iniluwa rito ang malamig na mukha ni Elias habang hawak-hawak ang pugot na ulo ng kalaban.
Wala na itong damit pang-itaas kung saan malayang nakalantad ang kaniyang kakisigan.Naagaw ang atensyon ko sa kaniyang kanang kamay.Ibang-iba na ang itsura nito kumpara noon.Ang kaniyang braso ay binabalutan ng makakapal na pulang kaliskis at ang kaniyang kuko ay may ilang dangkal ang haba.
Ito na kaya ang totoong porma ni Elias?
" E-Elias " iyan na lamang ang namutawi sa aking bibig habang papalapit sa aking direksyon ang naturang binata.
" Tino! " sabay kaming napatingin sa nagmamay-ari ng boses mula sa amin likuran.Dito ko nakita ang kalunos-lunos na sinapit ni Tino.Wala man itong mga malaking sugat na natamo subalit kapansin-pansin sa mukha nito ang halo-halong emosyon.Ang takot at kaguluhan.Agad ko siyang nilapitan at marahang itinayo mula sa pagkakabagsak kanina.
" ayos ka lang ba? " nag-aalala kong tanong habang ang aking mga mata ay inoobserbahan ang kaniyang katawan.
" hindi,Tino ano iyon?!bakit ganoon?!yung lalaki...w-walang u-ulo " naguguluhan at natatakot niyang usisa.Nanginginig ang kaniyang katawan habang balisa sa kaniyang pagkakaupo.Marahan kong hinaplos ang kaniyang pisngi upang pakalmahin ito.
" Troy tingnan mo ako " mahinahon kong utos sa kaniya.Nagagawa niya ngang tingnan ako subalit hindi iyon tumatagal ng mahigit tatlong segundo.
" Troy! " singhal ko rito.Nakuha ko naman ang atensyon nito.Marahan kong hinaplos ang kaniyang pisngi at maging ang kaniyang ulo.Magpahinga ka muna Troy,may tatapusin pa kaming laban.Ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat-lahat sa oras na nakapagpahinga ka na.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...