26

2.1K 114 6
                                    

Tino

   " pare baka naman pwede mo akong ipakilala sa mga kasama mo " nakangiting wika ng nagngangalang Derik ng napansin kaming tatlo.

Tila natauhan naman si Elias sa sinabi ng kaniyang kaibigan.Nilapitan kami nito at isa-isang pinakilala sa kaharap na lalaki.Wala namang nangyaring pagkaasiwa sa amin lahat subalit kapansin-pansin ang malagkit at panaka-naka nitong pagtitig sa kay Mira na parang batang inoobserbahan ang paligid.

" maaari ba kaming tumuloy sa iyong tahanan? " kaswal na tanong ni Elias rito.

" nasaan ang manners ko,syempre naman tuloy muna kayo,delikado sa lugar na ito " wika ni Derik sabay bukas ng kaniyang maliit na pintuan.Naunang pumasok si Elias samantalang nararamdaman ko ang pag-aalinlangan ni Eli at Mira kung papasok ba o hindi.

" wala ba kayong balak na pumasok? " sita sa amin ni Derik.Wala na kaming nagawa kung hindi ang pumasok sa kanyang munting barong-barong.

Bumungad sa amin ang magulo't maduming loob ng bahay.Nagkalat sa sahig ang mga beer can at mga plastic.Maalinsangan rin ang amoy.

" maupo kayo " wika ni Elias na komportableng nakaupo sa may kalumaa't sira-sira ng sofa.

Bakas sa mukha ng dalawa kong kasama ang pag-aalinlangan kung susundin ba ang utos ni Elias o hindi.

" hindi ko akalain na may ikarurumi pa pala ang barong-barong na ito! " dismayadong bulalas ni Mira.Marahil hindi na niya nakayanan ang kanyang mga nakikita sa paligid.Biglang na lamang umalingawngaw ang halakhak ni Elias na sinabayan rin ni Derik.

May mga pagtataka sa mukhang nagkatinginan kaming tatlo.Anong nangyari sa dalawang lalaking ito?.Wala naman akong naalalang mayroong binanggit na nakakatawa si Mira.

" anong nangyari sa kanila? " nagtatakang tanong ni Eli habang ang mga mata ay nasa dalawang lalaking walang tigil sa pagtawa.

" nababaliw na ata sila " wika ni Mira.Patuloy sa pagtawa ang dalawang lalaki samantalang kaming tatlo ay nanatiling nakatayo at pinanonood ang kanilang ginagawa.

Ilang sandali pa ang lumipas bago sila tumigil sa kanilang pagtawa.Bakas sa kanilang mga mukha ang nakalipas na kasiyahan.

" buksan mo na nga ang sekretong lagusan Derik " kaswal na utos ni Elias.Kusang tumaas ang aking kaliwang kilay dahil sa kanyang sinabi.

Sekretong lagusan?

Agad na sinunod ni Derik ang inuutos sa kaniya ni Elias.Lumapit si Derik sa isang pader na kung saan maraming mga samu't-saring poster ang nakadikit at mayroon siya roong isang bagay na pinindot.Sa isang iglap,biglang nahawi ang nasabing pader kung saan sa likod nito ay mayroong malaking tarangkahan na yari sa makinis na bato.Nilapitan ito ni Elias at mayroong siyang maliit na bagay na ipinasok sa maliit na butas.Ito marahil ang susi sa tarangkahan.Hindi nagtagal ay unti-unting bumukas ang batong tarangkahan.

Sabay-sabay kaming napasinghap na tatlo habang hinihintay na tuluyang lumantad sa amin kung ano nasa loob ng tarangkahang iyon.

Napaawang ang aking bibig ng tuluyan itong lumantad sa aming harapan.

" welcome sa aming secret hideout " taas-noong wika ni Elias.Ang lahat ng mga kagamitan rito ay mga likha ng modernong teknolohiya.Mayroong mga computers at ilang mga devices na naririto.

Pumasok na kami sa loob.Makikita sa mukha ng dalawa ang pagkamangha sa kanilang mga nakikita.Maging ako ay namamangha rin sa mga bagong tanawin.

" anong masasabi niyo? " usisa ni Elias.Hinihingi niya marahil ang aming opinyon hinggil sa kaniyang secret hideout.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon