Tino
Hindi pa man nagigising si Haring Araw ay mulat na mulat na kami ni Tiyo.Nakasanayan na namin ang ganitong set up.Ito ang huling araw namin dito sa bayan at muli kaming babalik sa bukid upang muling trabahuin ang naiwan naming bukirin.
Abala si Tiyo sa pagsasaayos ng mga kagamitang wala ng laman upang mamaya ay hindi na kami aligaga.Ako naman ay tahimik na nakaupo sa puwesto habang ang mga mata ay abala sa kaharap na libro at pinaresan pa ng isang mainit na kape.May mangilan-ngilan pa lang namang mga mamimili ang nagagawi rito maliban sa alas sais palang ng umaga ay hindi pa bukas ang ilang mga puwesto.
" Good Morning Tino! " natigilan ako sa aking pagbabasa ng marinig ang pamilyar na boses.Binaba ko ang aking libro at gumawi ang aking mga mata sa nagmamay-ari ng boses na iyon.
Wala sa sariling kumunot bigla ang aking noo ng makilala kung sino ang may-ari ng boses na iyon.Si Troy.Teka ang aga-aga pa,anong ginagawa nya rito?.
" ah sinama ako ng Tito ko mag-jogging dyan sa malapit na park " paliwanag nito.Teka bakit ba siya nagpapaliwanag ey hindi ko naman siya tinatanong.Binabasa nya ba ang utak ko?
" ah ganon ba?ey di good morning din " bati ko rin dito.
Nanatili itong nakatayo sa aking harapan at parang walang balak na umalis.
" di ka pa aalis? " teka bakit parang pinapaalis ko na siya sa tono ng pananalita ko?
" you want me to leave na? " dismayado nitong sabi.
" ibig kong sabihin baka gusto mo ng umuwi dahil baka napagod ka at baka matuyuan ka ng pawis,magkasakit ka pa " saan naman nanggaling ang pag-aalala.Oo sigurado ako may halong pag-aalala ang tono ng pananalita ko.Ano ba iyan kiaga-aga kinukwestyun ko kaagad ang mga actions ko.Nakita ko itong ngumiti.Malapad na ngiti.
" nag-aalala ka sa akin? " hindi nya makapaniwalang tanong.Ako nga rin ey,nababaliw na ata ang sarili ko.Napalakas ata ang pagkakasuntok sa akin kagabi at naalog utak ko.
" huh?may sinabi ba ako? " wala akong nakuhang sagot rito maliban sa kanyang malulutong na tawa.
" ano palang ginagawa mo? " pag-iiba nito ng mapag-usapan.Bago ko siya sinagot ay kinuha ko muna ang bakanteng monoblock at pinaupo muna ito.Nung nagkalapit kami tsaka ko palang napansin ang mga pagbabago sa kanya.Mas tumangkad pa ito sa akin ng ilang inches.Nanatili pa rin ang kalaguan ng kanyang mga kilay at ang pagiging rosy red ng kanyang labi.Malaki na rin ang pinagbago ng kanyang katawan mas lumaki pa ito kaysa sa dati halatang batak na batak sa gym.
" heto nagbabasa lang tsaka umiinom ng kape " sagot ko sa kanyang naantalang katanungan.Pagtango lamang ang sagot nito.
" nag-aaral ka pa? "
" hindi na "
" why? " hindi ko naman siguro kailangan sagutin lahat ng katanungan nya di ba?Hindi naman kami magkakilala.I mean hindi nya naman ako kakilala.
" personal matters " sagot ko na lamang.Hindi na nito inungkat pa ang tungkol doon.Mainam na rin iyon.
" ikaw? " walang eksaktong tanong sa sinabi ko.Nasa kanya na iyon kung ano ang nais nyang i-kwento.Katulad nga ng sinabi ko hawak nya ang desisyon.
" magti-3rd year college na ako this coming school year.Business Management yung course ko.Kakalipat lang namin dito sa bayan last month kaya di pa ako pamilyar rito sa mga tao at lugar " kwento nya.Hindi ko yun inaasahan ha.Mabuti pinagpatuloy nya ang kanyang pag-aaral sa kabila ng kanyang kapansanan.

BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
De TodoBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...