10

3.4K 179 17
                                    

Tino

     Kinakabahan ako.Nakaharap ako ngayon sa harapan ng salamin habang kinukumbinsi ang sarili na magiging maganda ang simula ng araw na ito.

Suot ang uniporme ng university,pakiramdam ko natupad ko na ang isa sa mga pangarap ko.Abot-langit ang ligaya ko dahil sa wakas ay heto na ako ngayon at isa ng ganap na mag-aaral.Ako ito.Sigurado akong hindi na ako iyong nagtitinda ng mga gulay na may nararamdamang inggit sa dibdib habang tahimik na pinanonood ang mga estudyanteng nagdaraan.

Nagiging emosyonal bigla ako.Masaya lang kasi ako.Akala ko kasi hindi ko na muling mararanasan ang magsuot ng uniporme.Para sa iba,kadramahan lang ang tawag dito subalit para sa akin isa itong malaking bagay.Hindi lahat ng kagaya ko ay makakapasok sa paaralan pero ako binigyan ako ni Tiyo ng opurtinidad upang mabawi ko naman ang karapatang ipinagkait sa akin ng mga mundo.

" matagal ka pa ba diyan! " bulabog ni Tiyo.Bigla akong nakaramdam ng pagkauyam sa ginawa ni Tiyo.Malapit ng lumandas ang mga luha ko pero umurong pa tuloy.

Lumabas na lamang ako ng silid at hinarap ito.Abala ito sa paghahanda ng umagahan namin.Sa totoo lang pareho kaming excited sa araw na ito dahil ito ang unang araw ko bilang isang ganap na kolehiyano at siya naman ay ito muli ang unang pagkakataong makikita niya akong nakasuot ng sagradong kasuotan ng mga estudyante.Alam kong masaya ito para sa akin.

Tinigil nito ang kanyang ginawa at humarap sa akin.Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa.Saka sumilay ang isang malapad na ngiti sa kanyang labi.

" bagay sayo " puri nito.Wala na itong halong biro.Alam kong nagustuhan niya ang kung ano ang nasa harapan niya.

" alam ko " at ako naman itong naging mahangin pero syempre biro lang.Masaya ako at nagustuhan nya.

"  halika na " aya nya sa akin.Naupo na ako at masaya naming pinagsaluhan ang aming umagahan.Katulad dati noong nasa highschool at senior highschool pa lamang ako,madami na naman itong ibinilin sa akin na mga dapat gawin kapag ganyan o ganito.Di ko na lamang ito kinontra pa dahil alam ko namang para sa akin naman iyon.Ginagawa nya ang lahat ng ito para sa akin kaya hinahayaan ko na lamang.Pero may isang bagay siyang ibinilin sa akin na nagbigay ng kalituhan sa aking isipan.

" gusto kong huwag mo basta-basta ibigay ang iyong tiwala sa mga nakakasalamuha mo,ang mundo'y katulad ng isang alahas,mayroong totoo at mayroong hindi,katulad rin yan ng tao kaya bago ka makasigurong totoo ito,kailangan mo munang suriin ng mabuti dahil minsan ang akala mong totoo na,huwad pala " makahulugang bilin niti sa akin.Alam ko ang nais niyang iparating.Ngunit bakit hindi nya na lamang ito sabihin sa akin ng malinaw.Iyon ang gumugulo sa isip ko.

Magdo-doble ingat ako.Minsan kong narinig ang usapan nina Tiyo at Baltazar noong binisita kami nito rito at narinig kong may mga ipinadalang mga tauhan ang organisasyon upang pag-aralan at magmatyag sa akin hanggang sa mawala ang selyo.At sa ngayon gumagawa na ng hakbang ang mga ito kung paano ako makuha.

Alam kong gusto nila akong patayin subalit ang ipinagtataka ko lamang ay kung bakit parang mas pinagtutuunan nila ako ng pansin.Bakit parang full forces sila para mapatay ako.

" yun ang huwag na huwag mong kakalimutan Tino " seryosong sabi nito bago nilagok ang tubig sa baso.

Di na rin ako nagtagal pa at nagpaalam na ako rito.Hindi ko kakalimutan ang mga sinabi niya pero sa ngayon kailangan kong maging masaya.

Pumara na ako ng taxi at tinungo ang unibersidad.Parang ambilis lang ng oras.Bumaba na ako pagkatapos bumayad.Naniniwala na akong may pasok na nga dahil nagkalat na sa harapan ko ang mga kumpol-kumpol ng mga estudyante.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon