Tino
Ang bilis lumipas ng mga araw.Sa isang iglap lamang ay nagpalit na naman ng buwan sa kalendaryo.Unti-unti na rin akong nasasanay sa pamumuhay dito sa centro maging si Tiyo ay ganoon din.
Masaya naman kami at kahit papano ay wala namang masamang nangyayari sa akin.Wala nang bigla-biglang may humahagis ng kutsilyo sa gilid o kahit ano pa man.Siguro tama nga iyong sinabi ni Baltazar na hindi pa sila makakalapit sa akin habang nasa katawan ko pa ang selyo.
Maiba tayo,marami ng nagbago pagkalipas ng ilang buwang pananatili namin dito.Oo nakaabot na kami ng buwan.Akalain nyo iyon!Mabalik tayo,nagkaroon na ng trabaho si Tiyo sa isang kompanya.Sales Agent hindi ko nga alam kung paano nya nakuha ang posisyong iyon ey sa pagkakaalam ko hindi naman siya college graduate.Baka pineke lamang nito ang kanyang mga certification.Teka hindi ko sinisiraan si Tiyo,nagtataka lang ako.Pero gayun pa man ay sobrang proud ko dun dahil tinupad nya nga ang pinangako nya sa akin na hahayaan nya ako sa kung anong gusto at ganoon rin siya.
Kasalukuyan akong nag-iisa dito sa rooftop at pinagmamasdan ang mga kumikislapang bituin.Nasa ganoon akong pag-iisip ng sumagi sa isipan ko ang itsura ni Troy.Kumusta na kaya sya?Sana naging matagumpay ang kanyang operasyon at muli nya ng masilayan ang mundo.
Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi na hindi ko namamalayan.Teka bakit nanginginit ako sa tuwing naaalala ko yung paano haplusin ng kanyang daliri ang aking labi.Tumayo ako ng tuwid at pilit na inaalis sa isipan ang alaalang iyon.Talon ako ng talon nagbabakasakaling maiwaglit ko iyon.Para akong baliw.
" anong ginagawa mo? " halos mapatalon ako sa aking kinatatayuan sa gulat.Iniikot ko ang aking katawan upang tingnan kung kanino nanggaling ang boses na iyon.Sa kay Tiyo pala.Ginabi ata ito ng uwi.
" ikaw pala Tiyo " nahihiya kong bungad rito.Nakataas ang isang kilay nito,nangangahulugang kailangan kong sabihin kung ano ang ginagawa ko kanina.
" ginagawa ko lamang yung sayaw na napanood ko sa TV " pagsisinungaling ko.Sana buminta.
" ahh ang galing mo " puri nito.
" talaga? " nahihiya kong usal.Sunod-sunod ang pagtango nito habang niluluwagan ang kanyang kurbata.
" oo...para sa isang baliw " aniya at humalakhak.Pumasok na ito sa loob at ako naman ay naiwang umuusok ang ilong dahil sa inis.Kahit kailan wala talagang matinong sinabi ang kabayong iyon.
Nanatili ako sa labas.Kanina pa humupa ang inis ko sa kay Tiyo.Ganun talaga iyon kapag masaya.Alam kong masaya ito dahil hindi na kami katulad ng dati na tumatago sa mundo.Pareho naming alam na mapanganib ang ginawa naming desisyon at katulad ng ipinangako namin na sabay naming haharapin ang maaaring kahihinatnan nito.Sinusulit namin ang kung anong mayroon kami.Napagisip-isip rin kasi namin na mahabang panahon ang sinayang namin doon sa bukid na kung saan noon pa lang ay nagkaroon na kami ng lakas loob upang harapin ang mundo edi sana hindi mas masaya kami ngayon.
" Tino! " narinig tawag sa akin ni Tiyo.Dali-dali akong pumasok sa loob.Nadatnan ko itong nakatayo sa harap ng refrigerator.
" ano yun? " tanong ko pagkapasok.
" pwede makisuyo?bili ka muna dun ng beer,naubusan ako ey " kung ano ang nagbago sa kay Tiyo,nahilig ito sa beer lalo na yung malamig na malamig.Kapag pagod sya ay ito ang nagsisilbing stress reliever nya.
Alam kong pagod na naman ito pero hindi mo iyon makikita sa kanyang mukha.Ganyan siya kagaling maglaro ng kanyang emosyon.Kaibahan nga lang kapag galit sya dahil hinding-hindi nya ito maitatago.
Bumaba na ako ng rooftop at tinungo ang malapit grocery store.Bukas ito 24/7 kaya anytime ay pwede kang bumili rito.Kilala na rin ako dito ng kahera dahil halos gabi-gabi ako rito dahil sa sunod-sunod na pagpapabili ni Tiyo ng beer.

BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...