Tino
" C-Caspian? " naisatinig kong pangalan ng lalaking kaharap.Isang nakakalokong ngisi ang gumihit sa labi nito ng marinig ang pangalan niya.
" ako nga " may kayabangan niyang sabi.Ibang-iba ang Caspian na nakakasama ko noon at sa lalaking nasa aking harapan ngayon.Hindi ko na mahagilap sa mga mata nito ang kasiyahang mayroon siya sa tuwing nagkakasama kami bagkus nababasa ko ang kauhawan nito na mapaslang ako.
Naguguluhan ako,hindi ko alam kung totoo ba itong nangyayari ngayon.Mahirap ipaunawa sa aking isipan ang realidad dahil sa hindi ko inaasahang pagkakataon.
Iyong bang ipinakita niya sa akin ng mga panahong iyon ay isang pagbabalat-kayo lamang upang maitago ang tunay na hangarin nito?Marahil iyon nga.Napakatanga ko naman at hindi ko napansin ang bagay na iyon.Simula't sapul ginamit lang pala nila ako.Wala silang pinagkaiba ni Baltazar.
Naramdaman ko ang pag-usbong ng galit para sa lalaki.Kumukulo ang aking dugo't nanginginig ang aking mga kalamnan.Gusto ko siyang pagpira-pirasuhin dahil sa kaniyang ginawang paglaro sa aking pagkatao.
Unti-unti kong naramdaman ang mabilis na pagbalot ng aking mga kaliskis sa iba't-ibang parte ng aking katawan maging ang aking mga kuko ay unti-unti na ring humahaba.Umusli na rin ang mahahaba't matutulis na pangil sa aking bibig.
Wala akong nakikitang takot o pangamba sa lalaking kaharap bagkus ito'y nasisiyahan sa kaniyang nasasaksihan na wari bang isa akong napakagandang gantimpala na malapit niya ng mapasakamay.
Subalit nagkakamali siya,hinding-hindi ko basta isusuko ang sarili ko sa kaniya.
Walang pasabing agad akong naglaho sa aking kinatatayuan at agad na lumantad sa harap ni Caspian.Bagaman nabigla ito sa aking naging atake ay nagawa nitong masangga ang aking mga mahahabang kuko.Muli akong naglaho sa ere ng mabilis ako nitong inatake gamit ang kanyang kapangyarihang mga matutulis na bato't napapalibutan ng mga apoy.
Hindi ko matiyak kung ano nga ba ang kapangyarihang mayroon siya sapagkat napaka imposibleng magkaroon siya ng dalawang elemental power.
Mula sa aking likuran naramdaman ko ang pagsugod sa akin ng mga enerhiyang inilalabas mula sa katawan ng mga taga-organisasyon kaya naman wala na akong inaksayang oras pa at agad na sinalubong ng aking mga mata ang kanilang mga paningin.Mabilis na naging bato ang kanilang mga katawan ng tuluyang magkasalubong ang aming mga mata.Nagkalat sa sahig ang kanilang mga katawang naging pormang bato matapos magkasalubong ang aming mga mata.
Agad kong ibinaling ang mga mata sa aking gawing kanan ng maramdaman ang biglang pag-atake ni Caspian.Unti-unting nalusaw ang mga bato habang papalapit sa aking lokasyon.
" tunay ngang makapangyarihan ka " nagagalak niyang usal at mabilis na ikinumpas ang kaniyang kamay sa ere kung saan biglang yumanig ang buong gusali at kasabay nito ay ang malakas na pagguho.
Ngayon ko lang napansin na wala na pala sa kinaroroonan namin si Elias,marahil abala ito sa pakikipaglaban sa ibang bahagi nitong gusali.
" ano ang dahilan mo't nakipaglapit ka sa akin?lahat ba ng mga ipinakita mo sa akin ay pawang pagpapanggap lamang? " mahinahon kong tanong sa kanya.Kahit alam ko na ang sagot gusto ko pa rin manggaling mismo sa kanyang bibig ang sagot.Mas ikakaginhawa ko iyon ng sa ganoon may patutunguhan itong galit na aking nararamdaman para sa kanya.
Sandali itong ngumisi bago ibinuka ang bibig.
" simula noong una nating pagkikita hanggang sa mga sumunod pa,lahat iyon nasa plano Tino,alam mo ba kung ano ang nalaman ko tungkol sa sinasabi nilang makapangyarihang anak ng babaeng ahas? " sandali itong tumigil at inayos ang pagkakatayo.Tuluyan ng nawasak ang kaninang matagal na abandonadong gusali.Nagkalat sa paligid ang sira-sirang semento't ilan pang kagamitan.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...