Tino
Kapansin-pansin ang pagbabago ng ihip ng hangin at ang marahas na pagbangga ng mga alon sa batuhan.Inayos ko ang aking pagkakatayo habang nakikipagsukatan ng titig sa dalawang hindi pa nakikilalang kalaban.
" kailangan pa ba namin magpakilala o tumuloy na tayo sa ating negosasyon " sarkastikong asik ng lalaki habang papalit-palit ang tingin sa amin at sa dalawa kong kasamahan.
" anong negosasyon ang iyong pinagsasabi? " malamig kong tanong rito.
" ang mata mo kapalit ng buhay nitong dalawang nilalang na ito " biglang singit ng babae.Tunay ngang napakalamig ng babaeng ito,ang buong akala ko'y ang kaniyang mga titig lamang ang siyang malamig,maging ang kaniyang boses rin pala.
Bagaman pinanatili kong maging kalmado habang nakatingin sa kanila,sa loob-loob ko'y unti-unti na akong nilalamon ng kaba at takot.Hindi kailanma'y pumasok sa isip ko na ganitong tagpo ang mangyayari sa mga sandaling ito.Paano humantong sa ganitong tagpo ang lahat?.
" Tino " narinig kong tawag sa pangalan ko ni Elias subalit laking gulat ko ng bigla na lamang may tumarak na tila malaking panusok sa gawing braso ni Elias at halos mapasigaw ito sa sakit na nararamdaman.Napakuyom na lamang ako ng aking kamay habang masama ang tinging ipinukol sa kanila.
Hindi ako maaaring magpadalos-dalos sapagkat nakasalalay dito ang buhay ng aking mga kaibigan.Maling galaw ko lamang ay buhay na ang magiging kapalit nito.
" paano kung ayaw kong ibigay sa inyo?gagamitin niyo ang aking mga kaibigan upang ilagay ako sa alanganin at sa ganoong paraan ay mas magiging madali ang pagkuha niyo ng aking mata,hindi niyo ba napapansin na masyado ng laos ang inyong estratehiya,masyado ng matanda ang inyong pamamaraan,tanging ang mga mahihinang nilalang lamang ang siyang nakakaisip ng ganiyang ideya " litanya ko habang nakatingin sa kanila.
May hinuha akong nasa harapan ko na ang matagal ko ng hinahanap,sila ang pinuno ng organisasyon.Nakakagulat lamang sapagkat buong akala ko'y matanda o may edad na ito,hindi ko inaasahan na halos hindi malayo ang agwat ng aming mga edad at nakakagulat pa na dalawa sila.
" masyado mo naman ata kaming minamaliit sa inyong salaysay Tino,hindi porket humihinga ka pang nakaharap sa amin nangangahulugan na mas angat ka na sa amin,napakataas naman ata ng pagtingin mo sa iyong sarili " walang mababakas na emosyon sa boses ng babae habang hindi inaalis ang kaniyang mga mata sa akin.Sumilay ang nakakalokong ngiti sa aking labi.
" isa kang banta sa kaligtasan ng mundo Tino,dahil sa iyong mga mata magbabago ang ikot ng tadhana sa sanlibutan " singit naman ng lalaki.At iyon talaga ang kanilang pinaninindigan?.
" ang lakas ng loob mong akusahan akong banta sa mundong ito gayong kayong mga walang kaluluwa't pagpapakatao ang siyang tinik sa mundong ito,huwag kayong umaktong banal sa aking harapan sapagkat mas hinigitan niyo pa ang demonyo sa mga kagaguhan niyong pinagagawa sa mga inosenteng tao at sa mga nilalang,mga wala kayong puso! " puno ng panunumbat kong asik sa kanila habang pinipilit na ikubli ang galit.Naalala ko ang mga nakalaban kong mga kabataan na kinukubli sa isang lalagyang walang kalayaan.Pilit nilang kinukuhanan ng kalayaan at buhay ang mga inosenteng kabataan dahil sa kanilang pansariling layunin.
Isang malutong na halakhak ang siyang kumawala sa bibig ng lalaki.Waring nasiyahan pa siya sa kaniyang narinig.
" naging masaya ka naman sa aming inihandog na laruan para sa iyo hindi ba? " anito.
" ang mundo sa kasalukuyan ay nakakasulasok na,laganap ang digmaan,kurapsyon,impluwensiya at pag-aabuso sa kapangyarihan,wala nang pagkakaisa,kapayapaan,respeto at batas...layunin ng organisasyon na baguhin ang kalakaran ng mundo,yaong ang mga tao'y kikilos naaayon sa batas na inilathala,sa ganoong paraan,babalik ang kapayapaan at pagkakaisa ng bawat isa " pahayag ng babae.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
РазноеBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...