1

14.4K 360 7
                                    

Tino

    Mag a alas-kwatro pa lamang ay ginising na ako ni Tiyo upang kumain ng umagahan dahil papunta kami ngayon sa bayan upang magbinta ng aming inaning mga gulay at prutas.Tuwing sabado ay mayroong kaganapan sa bayan kung saan binibigyan ng opurtinidad ang mga magsasaka na ibenta ang kanilang mga gulay o prutas sa loob ng dalawang araw.Hiwalay ito sa kanilang pampublikong pamilihan.

Kalat pa ang dilim sa paligid dahil sa tantya ko bandang alas-kwatro palang ng madaling araw.Lumabas ako ng aking silid at tinungo ang aming munting palikuran.

Naghilamos ako at nagsipilyo.

Nadatnan ko si Tiyo na abala sa paghahanda ng aming mga gulay na nakalagay sa mamalaking basket.Isang matamis na ngiti ang ibinungad nito pagkakita sa akin.
    " kumain ka na diyan Tino at maya-maya lamang ay aalis na tayo " masayang bungad nito sa akin.Nginitian ko na lamang ito bilang tugon.

Napaka-swerte ko sa aking Tiyo dahil sa kabila ng pagiging ulila ko sa aking mga magulang ay parang hindi ko man lang ito naramdaman.Siya ang nagsilbing ilaw at haligi sa bahay kubong namin ito.Hindi nya pinaramdam sa akin na may kulang sa aking pagkatao bagkus ay pinunan nya ito ng pagmamahal na walang kapalit.

Madali ko lang rin naman natapos ang aking pagkain.Pagkatapos kong mailigpit ang mga plato't kutsara ay muli akong pumasok sa loob ng aking silid at inihanda ang aking mga dadalhin sa bayan.Karaniwan kong dinadala ay mga extra'ng damit at mga librong hinihiram ko dun sa kay Manong Arturo.

Mahilig akong magbasa dahil iyon lamang ang aking libangan dito sa bukid.Malayo kami sa kabihasnan kaya wala kayo ritong makikitang computer o cellphone.Lalo pa't wala rin namang linya ng kuryente rito.

Isinilid ko lahat ng iyon sa aking lumang bag bago lumabas ng silid.Tinulungan ko si Tiyo sa pagbubuhat ng mga ibebentang gulay at prutas sa aming kariton na hinihila ng aming alagang kalabaw.Hindi rin naman iyon nagtagal at handa na kami sa pagbaba patungo sa bayan.Kulang dalawang oras ang biyahe patungo roon.

Nakasakay ako sa kariton samantalang si Tiyo naman ang nakasakay sa kalabaw.Hindi ako sanay doon dahil nag-iinit ang puwet ko kaya dito na lang ako sa kariton.Kahit madilim pa ang paligid at kabisado na ni Tiyo ang daan.May dalawang ilog kaming madadaanan at hindi naman iyon gaanung kalalim,pagkatapos ng dalawang ilog na iyon ay mga kapatagan na kung saan taniman ng mga palay.

Muli na naman akong makakaapak sa bayan makalipas ng ilang linggong pananatili sa aming kubo.Hindi kasi gaanung madami ang aming naani nitong mga nagdaang linggo dahil sa sama ng panahon kaya wala kaming naibenta sa bayan.Pero bumawi naman kami ngayon dahil madami-dami rin ang aming naani mula sa panibagong punla ni Tiyo.Sigurado akong hinahanap na kami ng aming suki.
  
" Tino " pukaw sa akin ni Tiyo.

" wag mong kakalimutan ang mga habilin ko sayo " wika nito.Napabusangot na lamang ako dahil sa narinig.Halos lagi niya sa akin iyan sinasabi sa tuwing bababa kami ng bundok.Wala naman akong ginagawang masama doon maliban sa mamasyal.

" Tiyo naman ey minsan na nga lamang akong makakababa ng bundok pagbabawalan mo pa akong makapamasyal man lang " himutok ko rito.

Sandaling tumigil sa paglakad ang kalabaw.Humarap sa akin si Tiyo.At kahit may kadiliman ay malinaw sa akin ang porma ng kanyang mukha ngayon.Magkasalubong ang mga kilay at may mabibilang na mga linya sa kanyang noo.Kapag ganito na ang kanyang itsura malamang sa malamang ay sermon na naman ang babaunin ko papunta sa bayan.

" Tino,ayaw ko lamang na muli ka na naman masangkot sa gulo at muling pagtabuyan ng mga tao.Alam naman natin di ba ang kalagayan mo?Pinag-iingat lamang kita dahil alam naman natin na nakabantay lamang sila para tugisin ka di ba? " may bahid ng pag-aalala nitong paalala sa akin.Imbes na sumagot ay nanahimik na lamang ako.Pinagpatuloy na rin naman ni Tiyo ang pagpapagalaw sa kalabaw.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon