Tino
Naging mabilis ang kilos ko at agad na nilapitan si Mira.Inalalayan ko itong tumayo habang binabalutan ng berdeng liwanag ang katawan nito kung saan mas nagiging mabilis ang paghilom ng kaniyang mga sugat.
" anong nangyari?! " mabilis kong usisa sa kanya.Tuluyan ng humilom ang mga natamong sugat ni Mira at kasalukuyang natahimik ito.
" mukhang inaasahan na nila ang pagdating natin " kaswal niyang asik at kasabay nito ang biglang pag-agaw sa atensyon namin dahil sa malakas na pagbulusok mula sa aming harapan.
Dali-daling tumuon ang aming mga mata sa hindi pa nakikilalang bagay sa amin harapan.Nababalutan ito ng mga makakapal na usok at alikabok.
Bahagya kaming napaatras dahil sa kakaibang kutob na naglalaro sa aming sistema.Kakaiba ang enerhiyang nilalabas ng kanilang katawan.Nakakalunod.
Mula naman sa himpapawid,unti-unting natabunan ang kakarapot na liwanag dahil sa mga kumpol ng mga kalaban na may kakayahang lumipad.Tunay ngang inaasahan na nila ang pagdating namin.
Wala na kaming sinayang na oras at kaagad na inihanda ang aming sarili.Mabilis na binalot ng nagkikintabang kulay berde ang aking katawan at umusli ang mga mahahabang kuko at mga pangil.Unti-unting nabuhay ang aking kapangyarihan at mabilis na napasailalim ang aking sistema.
Sa kabilang banda ay naging handa na rin si Elias kung saan nababalutan ng naglalagablab na apoy ang kaniyang mga kamay na nagbagong anyo na rin.Maging sina Eli at Mira at nasa kondisyon na para na nagbabadyang digmaan.
" tapusin na natin ito " asik ko.
Wala na akong inaksayang oras pa at nauna ng sumugod na siya namang sinundan ni Elias.Mabilis na pumailanlang ang aking kapangyarihan ng makaharap ang mga kalaban.Walang nagawa ang mga kumpol ng mga kalaban kung hindi ang damhin ang bagsik ng aking kapangyarihan.Sunod-sunod ang pagsirko ko sa ere habang sinasabayan ng pagpapakawala ng aking kapangyarihan.
Nakatuon lang ang atensyon ko sa labanan.Wala na akong pakialam sa mga dumaraming kalabang nagiging bahagi ng digmaang ito.Pinaghandaan na namin ang senaryong ito at sa mga susunod pang mangyayari.
Muli akong nagpakawala ng aking kapangyarihan.
Habang tumatagal ay tila hindi nauubos ang mga ito bagkus ay dumarami pa ang kanilang mga bilang.Hindi ko alam na ganitong karaming inosentong tao ang kanilang nabiktima at ginamit para sa kanilang pansariling adhikain.
Hindi magandang senyales ang patuloy na pagdami nila.Kailangan naming magwatak-watak.
" maghiwa-hiwalay tayo! " sigaw ko sa aking mga kasamahan.
Iyon nga ang ginawa namin.Mabilis na kumilos ang aking katawan at nilisan ang bahaging iyon.Nararamdaman ko naman ang mga enerhiyang sumusunod sa akin pero sa pagkakataong ito ay halos hindi na umabot sa kalahati ang bilang nila kumpara kanina.Nangangahulugan lamang na matagumpay ang naging pagpapasya ko.
Nang mahanap ko na ang kapanatagan sa aking sarili ay wala akong pag-alinlangang huminto at walang takot na hinarap ang unti-unting nagsisilabasang mga kalaban.
Katahimikan ang bumabalot sa paligid.Higit kong tinalasan ang aking pandamdam.Sa ganoong paraan ay mabilis kong mababasa ang kanilang mga kilos o galaw.
" bigyan niyo ako ng magandang laban " nakangisi kong sabi bago naglaho sa kanilang paningin.
Lumitaw ako sa gawing likuran ng mga kalaban at sinimulan ang paunang atake.Hindi nakatakas sa akin ang mabilis na pagresponde ng mga kalaban ng bigla na lamang humalindusay sa kanilang tabi ang kanilang mga kasamahan na nawawala na ang mga ulo rito.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
РазноеBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...