Tino
Sumasabay sa ritmo ang dibdib ko sa mabilis kong paghinga habang nakatuon ang mga mata sa lalaking nakabulagta sa sahig.Hindi ko alam kung may buhay pa ba ito o wala na.Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid.Nakapagtataka't hindi ko mahagilap ang isa pa nitong kasama na binabalutan ng liwanag ang katawan.
Tuwid ang pagkakatayo ko't matamang nagmamasid sa paligid ng bigla na lamang lumitaw sa aking uluhan ang bulto ng taong binabalutan ng nakakasilaw na liwanag.Huli na upang magawa kong protektahan ang sarili ko ng maramdaman ang pagtama ng malakas nitong suntok sa gawing panga ko.Bagaman hindi ako bumagsak pero sapat na iyon upang mawala ako sa balanse ngunit dahil sa likas na pagiging alisto ng aking katawan ay napigilan ko ang napipintong pagbagsak.
Kusang dumaiti ang palad ko sa bahagi ng katawan kong nasapak.Ramdam ko ang pamamanhid niyon na tila ba tinakasan ng pakiramdam na makaramdam ng sakit.
Muling binalot ng nakakabulag na liwanag ang paligid hanggang sa muling naglaho sa aking paningin ang presensya ng lalaki.Mabilis kong kinuyom ang aking mga palad bago inihanda ang sarili.
Umukbo ako ng maramdaman ang enerhiyang nagmumula sa aking likuran at kaagad na umatake gamit ang aking mga paa.Bagaman mabilis ang pagsasagawa ko ng aking atake ay nagawa pa rin nitong masangga.Agad nitong ikinulong ang aking binti sa malapad na palad nito at walang kahirap-hirap na ibinalibag ako sa ere.Muli itong naglaho sa hangin hanggang sa muli siyang lumitaw sa aking harapan sabay pakawala ng sunod-sunod na enerhiya.Batid kong lahat ng iyon ay malalakas subalit dahil sa aking mata ay tila usok na naglaho ito sa aking paningin bago pa ito makalapit sa akin.
Agad kong naagapan ang aking pagbagsak.Tuwid ang pagkakatayo ng lalaki ilang dipa mula sa aking kinaroroonan ng mapansin ko ang tila pagkakaroon ng porma ng isang anino.Bagaman nagulat ay hindi ko iyon ipinahalata sa kanya.
Ilang sandali pa ang lumipas hanggang sa ang kaninang anino ay tuluyan ng nagkaroon ng pisikal na anyo.Walang iba kung hindi ang kaninang maitim na lalaking kasama nito.
Hindi ko alam na buhay pa pala ang isang ito.Wala sa sariling naikuyom ko ang aking mga kamao dahil sa mga emosyong namamayani sa aking sistema.
" sino kayo?anong papel niyo sa organisasyon?isa ba kayo sa mga opisyales ng PRSUS? " usisa ko rito.
Unti-unting pumusyaw ang liwanag na nakapalibot sa katawan ng maputing lalaki hanggang sa muli kong masilayan ang dayuhang mukha nito.
" wala kaming pagkakakilanlan,wala kaming grupo o anupaman,kami'y tagasilbi lamang ng kalikasan " aniya na siyang bahagyang nagpakunot sa aking noo dahil hindi ko maintindihan kung ano ang kanyang sinasabi.
" anong ibig mong sabihin? " may bahid ng pagtataka kong tanong rito.Tuluyan ng bumalik sa dati ang kaanyuan ng dalawa subalit nanatiling alerto pa rin ako sa mga maaaring mangyari.
" siya si Dagtum samantalang ako naman si Puraw,ito ang pangalang malimit naming marinig mula sa mga Dyos sa oras na kailangan nila kami " simula nito.Hindi nakatakas sa aking mukha ang kalituhan dahil sa mga narinig.
" kami'y walang pisikal na anyo,kami ang liwanag at dilim ng kalikasan " wika naman ng itim na lalaki na nagngangalang Dagtum.Tuluyan na akong nilamon ng kaguluhan.
" kung gayon hindi kayo kaanib ng PRSUS? " iyon na lamang ang mga salitang namutawi sa aking bibig dahil iyon naman talaga ang una kong hinala sa kanila.
Bagaman wala akong natanggap na pagsang-ayon mula sa kanila,ang mga tinging ipinupukol nila sa akin ay sapat na iyon upang masagot ko ang aking katanungan.
" kung gayon,inutos rin ba ng Dyos niyo na paslangin ako kaya kayo naparito? " seryoso kong tanong sa kanila.
" hindi " tipid na sagot ni Puraw.Mas lalong naging isa ang aking kilay dahil sa narinig.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...