Tino
Matuwid akong nakatayo habang tinatanaw ang madilim na kalangitan.Hindi ko alam kung anong eksaktong oras na sa mga sandaling ito subalit batid kong nalalapit ng magising ang Haring Araw.
Gumawi ang aking atensyon sa lalaking halos hindi na makilala ang katauhan dahil sa mga natamo nitong pinsala sa aming paglalaban.Hindi ko sukat akalain na magagawa niya pang itayo ang kaniyang mga paa sa kabila ng mga pinsala sa katawan.Tuluyan na akong nawalan ng awa sa kaniya.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang hinihintay ang kung ano ang susunod niyang gagawin.Ang aking mga mata ay nakapako lamang rito.
Maingat niyang iniangat ang kaniyang mga kamay sa hangin na tila bang konting maling galaw niya lamang ay mawawasak ito.
Ilang sandali pa ay mayroong namuong dalawang butil ng enerhiya sa ibabaw ng kaniyang mga palad.Nakapagtataka lamang sapagkat hindi na ito katulad ng kaniyang mga naunang ipinakitang kapangyarihan sa akin.
Saan niya pa hinuhugot ang lakas sa kaniyang kalagayan ngayon?.
" h-hindi p-pa ako t-tapos!! " aniya at bigla niyang pinakawan ang misteryosong kapangyarihan patungo sa aking direksyon.
Malakas ito na halos lumikha ng latay sa bawat madaanang espasyo ang enerhiyang iyon subalit gayunpaman ay wala akong takot na ipinakita rito.Ipinikit ko ang aking mga mata at mabilis ring iminulat kung saan kasabay nito ay ang pagpapakawala ko ng aking kapangyarihan.Kusang naglaho sa aking paningin ang kapangyarihang iyon at sinundan ng nakabibinging katahimikan.
Agad kong hinanap si Caspian sa paligid subalit wala na siya sa kaniyang kinatatayuan kanina.Nasaan ang nilalang na iyon?.Imposibleng magawa niyang makatakas sa ganoong kaiksing panahon matapos niyang pakawalan ang kaniyang huling atake.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid subalit hindi ko na talaga siya matagpuan.Maging ang kaniyang enerhiya ay hindi ko na rin maramdaman.Tinakasan niya ako?.
" nakatakas na ang nilalang na hinahanap mo Tino " pukaw sa akin ng pamilyar na boses.Agad ko itong hinanap sa paligid.
Mula sa himpapawid,sinalubong ako ng nakangising pustura ni Dahlia.Tila naaaliw pa ito sa mga nangyayari.Nakalutang ito sa ere na animo'y isang magaang bagay.Likha iyon marahil ng kaniyang salamangka.
Nanatiling tahimik lamang ako habang nakikipagsukatan ng tingin sa kaniya.
Nagagawa ko ng manipulahin ang aking mga mata.Kaya ko ng kontrolin ito at gawing pangkaraniwan katulad ng isa ko pang mata na makakakita na hindi kailangan pa ng tapal para maikubli ito sa mundo.Nagagawa ko ng mailabas ang aking kapangyarihan ng walang kahirap-hirap na hindi iniisip kung mayroon akong ikakapahamak.
" huwag mo akong titigin ng ganiyan at baka hindi ako makapagtimpi't dakmain ko na lang bigla ang mga mata mo " babala nito.Imbes na sagutin ito ay kisap-mata akong naglaho sa aking kinatatayuan at ang sunod na lamang na nangyari ay nasa harapan na ako nito,mabilis ko itong sinugod ngunit laking pagtataka ko ng bigla na lamang akong tumilapon pabalik sa lupa ng hindi ko man lang nagagawang makalapit sa kay Dahlia.
Isang malulutong na halakhak ni Dahlia ang siyang namayani sa paligid.Patuloy niya lamang itong ginagawa na para bang nasaksihan niya ang isang nakakatawang palabas ng isang payaso.
" hindi mo ako malalapitan ng basta-basta Tino!nakikita mo ito?! " aniya sabay turo sa kaniyang harapan kung saan doon ko lang napansin ang tila harang na hindi ko naaninag kanina.
Kung gayon gumamit siya ng salamangka upang maproteksyonan siya.Hindi iyon sumagi sa aking isipan.
" walang sinumang nilalang ang makakasira ng kapangyarihang ipinataw ko sa aking harang,kahit ikaw batang ahas! " at muli na naman siyang humalakhak.

BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...