58

529 42 0
                                    

Tino

    Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa paligid habang unti-unting hinahawi ng liwanag ang madilim na kalangitan.Ang ihip ng hangin ay nagsisilbing isang yapos mula sa kalikasan habang unti-unti sa pagbabalik-anyo ang aking katawan.

Mula sa aking kinatatayuan ay tanaw ko ang pigura ng batang babae na taimtim na nakatingin sa maaliwalas na kalangitan.Ang kaniyang mga mata ay punong-puno ng mga naglalarong emosyon.Kagalakan...kalayaan.

" salamat " muling wika nito habang nanatiling nakatuon sa itaas ang atensyon.Walang salita ang lumabas sa aking bibig,napako lamang ang aking mga mata rito.

" kaygandang pagmasdan ng kalangitan hindi ba? " biglang usal nito na siyang ikinatingin ko sa kaniya.Ang kaniyang maamong mukha ay punong-puno ng kagalakan.Tila ngayon niya lamang nasilayan ang kagandahan nito.

" oo " tipid kong sagot rito habang nakatingin sa kalangitan.

Katahimikan.

" alam mo bang may natatanging lugar sa ibabaw ng mga ulap,isang lugar na walang bakas ng kadiliman o pangamba.Ang mga kalinisan ng mga ulap sa kalangitan ay isang tanda na isang banal ang naninirahan doon at sa oras na ito'y magbago ng kulay,nangangahulugang nabahiran na ng karumihan ang kaniyang pagkatao " aniya.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong nauunawaan ko ang kaniyang salaysay.Hindi ko alam kung ano ang nais nitong iparating at nasabi niya ang tungkol sa bagay na iyon.Gayunpaman hindi na ako magugulat sa kaniyang isiwinalat sapagkat ang mundong ito ay tunay na napakamahiwaga.Kaya batid kong tunay na may katuturan ang kaniyang sinasabi.

" sino ka ba talaga?? " mga katanungang lumabas sa aking bibig.Hindi sapat ang kaniyang pagpapakilala sa kaniyang pangalan.Batid kong mayroon pang malalim na istorya sa likod ng pagkakakilanlan niyang iyon.

Inilayo nito ang kaniyang mga mata sa kalangitan at gumawi sa aking direksyon.Sinasayaw ng hangin ang mga hibla ng buhok nito habang nagsisimula namang sumibol sa lupa ang mga mumunting bulaklak.

Nakapako lang ang aking mga mata sa kaniya hanggang sa nahigit ko ang aking paghinga ng bigla na lamang itong binalot ng puting liwanag.Ilang minuto pa ang lumipas,iniluwal nito ang tunay nitong katauhan.

Isang napakagandang dilag ang bumungad sa aking mga mata.Malayong-malayo sa katauhan ng bata kanina.Mas higit itong kaakit-akit sa aking paningin.

Kung gayon ito ang tunay niyang pagkakakilanlan.Hindi bilang isang paslit bagkus ikinukubli lamang nito ang katotohanan.Waring katulad sa katauhan ni Eli.

" ako sa Lamo,at isa akong nimpas ng kalangitan at ito ang aking tunay na katauhan subalit hindi rin ito magtatagal sapagkat ako ay isang nilalang na ninakawan ng kapangyarihan " simula nito na siyang ikinagulat ko.

" ano ang ibig mong sabihin? " nagtataka kong tanong sa kaniya.

" ang kapangyarihan ko ay ninakaw mula sa akin ng nagngangalang Baltazar,isa siyang walang pusong nilalang.Matapos niya akong linlangin at makuha ang aking loob ay ito ang iginanti niya sa kabaitang ipinakita ko sa kaniya.Gamit ang kaniyang salamangka at mga sinaunang pamamaraan ay napagtagumpayan nitong makuwa sa akin ang kalahati ng aking kapangyarihan " nagpupuyos sa galit nitong paliwanag samantalang tahimik lang akong nakatingin rito habang hindi maiwasang hindi sumibol ang galit para sa matandang lalaki.

Napakalaki ng papel ni Baltazar sa labang ito.Kaya ganoon na lang ang pagprotekta sa kaniya ng organisasyon.

" kung gayon anong dahilan kung bakit ka inilagay sa sisidlan? " nagtataka kong tanong.

Sandali siyang natahimik habang taimtim na nakatingin sa akin.Hindi ko nagagawang mabasa ang kaniyang saloobin.Waring may kapangyarihang kumubli rito.Ang kasiyahang naglalaro sa kaniyang mga mata ay unti-unting napalitan ng kalamigan.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon