12

3.3K 176 6
                                    

Tino

       Maaga akong nagising.Lumabas ako ng silid pagkatapos ang mga ritwal ko.

Tahimik.

Mukhang hindi pa nagigising si Tiyo.Tumungo ako sa kusina at nagsimulang mag-asikaso ng magiging umagahan namin.Marunong naman akong magluto.Kaso mga simpleng pagkain lamang ang kaya kong gawin.

Lumabas ako ng apartment bitbit ang tasang naglalaman ng aking tinimplang kape.Katatapos ko lang magluto.Sumalubong sa akin ang malamig na hampas ng hangin.Nanuot ito sa aking balat kaya bigla akong nangaligkig.

Unti-unting nagliliwanag ang kalangitan kaya malinaw na sa aking mata ang lahat sa paligid.Humigop ako sa aking tasa.

Ano kayang naghihintay sa akin ngayong araw na ito?May magaganap na naman bang labanan?Alam kong mainit ngayon ang mata ng organisasyon sa akin dahil isa mga kasamahan nito ang napaslang ko.Ibig lamang sabihin niyan ay buhay pa ang dalawang unang nakalaban ko.

Humigop ulit ako ng mainit na kape.

Kaya ko ba?Ibig kong sabihin kaya ko ba silang talunin silang lahat?Mag-isa lang ako sa laban na ito at hindi ko man lang matiyak kung ilan ang bilang nila.Maraya sila,kilala nila ako subalit ako hindi ko man lang sila mga nakikilala.

" ang aga mo atang nagising? " pupungas-pungas na bungad ni Tiyo.

Humarap ako rito at nginitian.

" baka kasi bigla na lamang may sumakal sa akin habang natutulog ako " biro ko.

" hindi iyon mangyayari hangga't nasa tabi mo ko " seryoso nitong sabi.Sumilay ang sinserong ngiti sa aking labi.

Ngumiti na rin ito.

" halika na sa loob,sabayan mo na kong kumain " aya nito.Tinanguhan ko naman ito.Pumasok na kami sa loob at masaya naming pinagsaluhan ang niluto ko.

Ang dami kong natanggap na kritiko mula sa kay Tiyo.Pinupuna niya ang aking niluluto at wala man lang akong narinig na magandang papuri mula rito.Kesyo matabang daw o maalat.Daming reklamo pero panay naman ang kain.Hindi ko na lang ito pinansin dahil baka magkasagutan na naman kami.Mainam na rin iyong hindi niya inungkat ang nangyari kahapon.Kahit ako ay ayaw ko na rin iyong pag-usapan pa.Dahil paniguro akong may mas malala pang mangyayari dun.

Si Tiyo na ang nagpresintang magligpit ng aming kinainan.Pumasok na ako sa banyo at naligo.May pasok pa ako mamayang alas otso.Pero aagahan ko ang pagpasok ko.

" Tino! " tawag sa akin ni Tiyo mula sa labas.Lumabas ako ng silid at hinanap ito.Bitbit nito ang isang pares ng uniporme ng unibersidad.May pagtataka akong lumapit rito.

" ano yan? "

" ano sa tingin mo? " aniya.Sinamaan ko lang ito ng tingin.

" binilhan kita ng bago kagabi kasi gutay-gutay na yung uniporme mo,hindi na magagamit " paliwanag nito.Tsaka pa lamang pumasok sa aking isipan ang itsura ng aking uniporme kagabi.Hindi ko na nga iyon magagamit.

Kinuha ko sa kanya ang uniporme at agad itong isinuot.

" sa susunod ingatan mo naman kasuotan mo,akala mo pinupulot lang ang pera at kung makapagbaya ka sa damit parang may imbakan ka niyan " sermon nito.

Hindi pala bukal sa kalooban ang ginawa nito.Sermon na naman ang baon ko papuntang unibersidad.Ang galing lang talaga.

Di na rin ako nagtagal at nagpaalam na rito.Pumunta na ako sa unibersidad.

Inobserbahan ko ang paligid ng makababa sa sinakyang taxi.Wala namang kakaiba.Abala pa rin ang mga estudyante sa kanilang kanya-kanyang gawain.Siguro nga hindi nakarating sa kanila ang nangyari kagabi.Mahusay ang pagkakatrabaho ni Baltazar.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon