16

2.6K 159 11
                                    

Tino

   Nang gabing rin iyon ay tuluyan na akong umamin sa kay Troy.Ipinagtapat ko sa kanya ang tunay ko na dahilan.Iyon yung baka iwasan niya ako o layuan kapag nalaman niyang ganito ang itsura ko.Subalit,kabaliktaran pala ang nangyari dahil bukal sa loob niya akong tinanggap bilang isa niyang kaibigan.

Masayang-masaya ako syempre at kahit sa pag-uwi ko ay bitbit ko ang nakasabit na ngiti sa aking labi kaya nga lang ay mabilis rin namang naglaho na parang bula ng salubungin ako ni Tiyo ng kanyang nakamamatay na tingin.Kaya dahil dun ay sinermunan na naman ako nito hanggang sa pagtulog ko pati kinabukasan.

Araw ng Martes.

Maaga akong nagising at naghanda ng aming makakain.Mamaya pa naman ang klase ko kaya ako na ang nagpresintang magluto.Mahimbing pa sa kanyang kama si Tiyo.

Ilang basic breakfast foods lang ang inihanda ko dahil katulad nga ng sinabi ko noon na wala talaga akong talento tungkol sa pagluluto.Pagkatapos maihanda ay bumalik ako sa aking silid bitbit ang aking tinimplang kape.

Hanggang ngayon ay pinag-aaralan ko pa rin iyong mga nakaligtaan kong diskusyon.Noong nakaraang araw ko lang nalaman na si Baltazar pala ang dahilan kung bakit hindi magawang pagalitan ako ng mga propesor.Hindi ko alam kung ano ang ginawa niyang alibi para umamo ang mga iyon.

Abala ako sa pagbabasa ng mga notes ng bigla na lamang may dumaplis sa aking harapan.Dali-dali akong tumayo at inihanda ang sarili.

Ilang sandali pa ang lumipas subalit wala namang kakaibang nangyari.Tsaka pa lamang ako kumalma.

Hinanap ko ang bagay na iyon.Nakatarak ito sa pinto ng banyo.Katulad ng dati ay isa pa rin itong punyal at may nakasabit na namang sulat.Luminga-linga muna ako sa labas dahil baka may biglang umatake sa akin.Binunot ko ang punyal at binuksan ang sulat.

2

Iyan lamang ang nakasulat rito.Ano na naman ang ibig sabihin nito.Anong koneksyon ng sulat na ito sa nauna?At ano ang gusto nitong ipahiwatig?

Pinunit ko ang sulat at sabay na itinapon ang punyal sa malapit na trash can.Bumalik na rin ako sa aking pagkakaupo at itinuon ang atensyon sa binabasa at sa kape.

Bandang alas nwebe ng makarating ako sa unibersidad.Nagkalat pa rin sa paligid ang mga estudyante.Labas-masok sa loob ng campus.Tinahak ko na ang mahabang daan patungo sa aking departamento.

Wala namang kakaiba sa paligid.Katulad pa rin ng dati.Andito pa rin ang kaba sa aking dibdib dulot ng pasulpot-sulpot na pag-atake ng  PRSUS pero hindi nila maaaring hadlangan ang kagustuhan kong mamuhay bilang isang parte ng pamayanan.

Makalipas ang ilang sandali ay narating ko na ang aming departamento.Pumanhik na ako sa ikalawang palapag dahil dito ang una naming asignatura para sa araw na ito.

Habang hinihintay ang pagdating ng aming propesor ay nanatili lamang akong nakaupo dito sa palagi kong puwesto.Inaaliw lang ang sarili sa mga nakikita sa paligid.

Naagaw ang atensyon ko sa mga papasok na grupo ng mga kababaihan.Nasa lima ata sila.Naririnig ko na ang pinag-uusapan nila ay ang kaganapan noong nakaraang sabado.

Biglang sumagi sa isip ko ang kaganapan sa pagitan namin ni Troy noong sabado.Kapag naaalala ko iyon,nahihiya ako sa sarili ko.Bakit ba kasi ginawa ko iyong paghalik sa kanya.Baka kung ano pa ang isipin niya sa akin.Hays pagkatapos talaga nun hindi ko na magawang tingnan ito sa kanyang mga mata.

Ang daldal kasi kaya binusalan ko lang iyong bunganga niya gamit kaso ang labi ko.Iyon lang kasi ang pumasok sa kukuti ko ng mga oras na iyon.

" hey blindman " mataray na wika ng isang babae na siyang nagpabalik sa aking ulirat.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon