Tino
" totoo ang lahat ng mga iyon Troy " kaswal kong sagot sa kaniyang katanungan.Hindi nakatago sa aking paningin ang pagguhit ng mga linya sa noo nito.
" anong ibig mong sabihin? " aniya.
Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga at hinarap siya.Katulad ko ay bumangon rin ito at humarap sa akin.
" ang lahat ng mga nangyari Troy ay hindi likha ng iyong panaginip,ito'y isang bahagi ng realidad.Totoo ang mga iyon,ang mga kakaibang nilalang,ang lahat ng labanan,lahat ng mga iyon ay hindi likha ng iyong kaisipan " paliwanag ko sa kanya.
Unti-unting binalot ng kalituhan at kaguluhan ang isipan nito habang nakatingin sa akin.Iniisip ata nito na nagbibiro lamang ako.
" gino-goodtime mo lang ata ako Tino ah " aniya na pilit kinokumbinsi ang kaniyang sarili na hindi totoo ang aking mga pinagsasabi.
Sunod-sunod ang mahina kong pag-iling bilang tugon sa kaniyang sinabi kanina.Tuluyang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito na waring tinakasan ng buhay sa sobrang putla.
" h-hindi iyon isang p-panaginip?ibig sabihin t-totoo ang mga nilalang na iyon na may mga ekstraordinaryong kakayahan " muli ko siyang tinanguhan sa kaniyang magkandautal-utal pahayag.
Isang mahabang-buntong hininga ang kumawala sa bibig nito habang nakatingin sa akin.Inilibot nito ang kaniyang paningin sa kabuuan nitong silid,bakas sa mukha nito ang pagtataka ng masuring hindi na ito ang kaniyang silid.
" nasaan ako?hindi ito ang condo ko " nagtataka niyang tanong.
" nandito ka sa lugar kung saan magiging ligtas ka mula sa mga nakasagupa naming mga nilalang " sagot ko.Bumangon na ako sa aming higaan at nilapitan ang nakasaradong pinto.
" anong ibig mong sabihin? "
" hindi ka na ligtas sa labas Troy,kilala ka na ng mga kalaban,papatayin ka nila kapag nakakita ng pagkakataon " paliwanag ko.Mas lalo pa itong nagulat sa kanyang nalaman.
" p-papatayin ako?! " halos mapiyok niyang bulalas.
Tinanguhan ko lamang siya bilang sagot.
" bakit? " mahina niyang tanong.Nilapitan ko ito at mabilis na niyakap.Kasalanan ko ang lahat ng ito,hindi magiging ganito ang sitwasyon ni Troy kung hindi ako nagpakita sa kaniya.
" dahil sa akin " bigla itong humiwalay sa akin habang ang kaniyang mga mata ay puno ng mga katanungan.
" teka lang Tino,anong pinagsasabi mo?naguguluhan ako " aniya.Kumawala ako sa kanya at bahagyang lumayo.Napabuntong-hininga na lamang ako habang nanatiling nakatingin sa kaniya.
" ako ang gusto nilang patayin at nadawit ka lamang dahil nakita ka nilang kasama ako " simula ko sa mahabang paliwanag.
" bakit ka naman nila papatayin? " naupo na ito sa gilid ng aming kama kung saan naghihintay ng aking magiging kasagutan.
" sapagkat hindi ako pangkaraniwang tao Troy " mahina kong sagot.Binalot ng kaguluhan at pagtataka ang mukha nito habang nakatingin sa akin na waring sinusuri ang aking pisikal na anyo kung saang parte ng aking katawan ang hindi pangkaraniwan.
" katulad ka rin nila? " magkasalubong ang mga kilay nito habang nasa akin ang kaniyang atensyon.Walang boses na lumabas sa aking bibig.Tanging mga tango lang ang aking ginawa bilang tugon sa kaniyang katanungan.
Narinig ko na lamang ang mahabang pagsinghap nito habang gulat na gulat na nakatingin sa akin.Nanatili lamang akong nakatayo habang hinihintay ang mga susunod niyang gagawin.Nasa aking isipan ngayon na lalayuan niya na ako dahil hindi ako iyong taong inaasahan niya.

BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...