50

541 62 22
                                    

Tino

    Nakatayo ako ngayon sa harapan ng isang mataas na tarangkahan.Sa likod nito ay  naroroon ang taong pinakamamahal ko.Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.Marahil nasasabik lamang ako na makitang muli si Troy.

Lumapit ako sa gilid ng tarangkahan sabay pindot ng timbre sa pinto.Bahagya akong lumayo pagkatapos ng tatlong beses na pagpindot at naghintay.

Ilang sandali pa ang lumipas ngunit wala man lang taong lumalabas mula sa tarangkahang iyon.Kaya naman muli kong inulit ang pagpindot sa timbre ng pinto at naghintay pa ulit na sana ay mayroong bumukas nito.

Ang kaninang pananabik ay napalitan ng inis habang tumatagal.Pinagtitinginan na ako rito ng mga taong nagdaraan.Baka iniisip nila na isa akong magnanakaw.

Akmang pipindutin ko sana ulit ito ng bigla na lamang bumukas ang isang maliit na parte ng tarangkahan at mula roon ay iniluwal ang pigura ng isang ale.May katandaan na ito dahil sa kalat na ang kulay puti sa kaniyang buhok.Unti-unti ng kumulubot ang ilang bahagi ng pingi nito tanda na pinaglipasan na siya ng kaniyang kabataan.

" aba'y hijo anong iyong sadya't panay ang pindot mo sa timbreng yaan? " bungad niya.Marahan akong lumapit rito habang may ngiting nakasabit sa aking labi.

" magandang hapon po Manang,nandiyan po ba si Troy? " magalang kong tanong rito.Hindi nakatakas sa aking mga mata ang pagkagulat nito ng banggitin ko ang pangalan ng lalaki.Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang katanungan ukol sa bagay na iyon.

" sino ho sila? " seryosong tanong nito habang nakatitig sa akin ang kaniyang mga mata.

" ako ho si Tino,ahmmm ang kaniyang kasi--- " hindi ko magawang tapusin ang salitang gustong bigkasin dahil para bang mayroong bagay na bumibikig sa aking lalamunan.

" ang kaniyang ano? " usisa nito.

" kaibigan po " may bahid ng lungkot kong sagot.Bakit ba hindi ko magawang ipagsigawan na kasintahan ko ang lalaking pinagsisilbihan niya.Nababahag ang buntot ko sa katotohanang hindi ko maipangalandakan ang kung anong namamagitan sa amin ni Troy.

" kaibigan ba kamu?sa totoo lang hijo ay kilala ko lahat ang mga kaibigan ni Troy,madalas sila rito tumambay pagkatapos ng kanilang klase o ng kanilang ensayo pero hindi naman kita namumukhaan " wika nito.

Napakuyom na lamang ako dahil sa inis na naglalaro sa aking diwa.Marami nang nalalaman ang matandang ito.

" kaibigan niya po ako sa labas ng unibersidad,kakasimula pa lamang po ng aming pagkakaibigan kaya marahil hindi niyo po ako nakikilala " pinapanatili kong maging kalmado't magalang sa kaniya dahil kahit papaano'y babae ito at matanda.Hindi pa rin mawala-wala ang pagdududa nito sa kaniyang mukha.Waring nakatatak na sa kaniyang isip na hindi maniwala sa kung ano ang sasabihin ko.

Tahimik lang ito habang nakatingin sa akin.

" ahmm nandiyan po ba siya?gusto ko lang po siya makausap " ani ko.

" pasensiya ka na hijo ngunit wala rito si Troy,lumabas sila ng pamilya niya't asawa " sagot nito at walang pagdadalawang-isip na isinara ang maliit na parte ng tarangkahan.Samantalang naiwan naman akong tulala habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa aking utak ang sinabi ng matanda.

Asawa.

May karapatan naman siguro ako para masaktan hindi ba.Iyon kasi ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

Sa kabilang banda,alam ko kung ano ang tunay na dahilan kung bakit iyon nasabi ng babae.Iyon marahil ang pakilala sa kanila ni Troy sa kaniyang dating kasintahan na kaniyang nabuntis.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon