13

3.1K 181 12
                                    

Tino

     Kahit napilayan ko ang kanyang isang kamay ay nagawa pa rin ako nitong ihatid sa amin.Sa totoo lang ayaw ko talagang magpahatid rito.Kaya lang ang kulit-kulit at ang tigas ng ulo.Ayaw akong pakinggan.

Alam kong mabait si Caspian pero hindi ko pa ito lubos na kilala at ang tiwalang maaari kong ipagkaloob sa kanya at hindi pa umaaabot sa isang daang porsyento.Ayaw ko munang ibigay ang tiwala ko sa kanya.

Sa isang malapit na grocery store niya ako binaba.Iyon ang utos ko rito dahil gumawa ako ng rason na may bibilhin pa ako.Mukhang kinagat niya naman ang aking sinabi at pagkababa ko ay umalis na rin ito kaagad lulan ng kanyang kotse.

Mabait siyang tao.Hindi iyon kuwestiyonable sa akin dahil pinapakita niya ito sa akin.Pero hindi ko alam,parang may kung ano sa sistema ko na pinipigilan akong ibigay sa kanya ang tiwala ko.

Dahil nandito na lang rin naman ako sa harap nitong store,naisipan ko na lamang pumasok sa loob.Dumiretso ako sa section ng mga ice cream.Kumuha ako ng isang cornetto at binayaran ito sa kahera.

Palabas na ako ng nasabing store ng may makasalubong akong isang lalaki.Malamig ang ipinukol nitong tingin sa akin.Parang pamilyar sa akin ang titig na iyon.Hindi ko lang matandaan kung saan ko iyon nakita.

Inalis ko na lamang ito sa aking isipan at itinuon ang atensyon sa aking kinakain.Tinahak ko na rin ang daan pauwi.Simula nung may mangyaring labanan sa eskinita,hindi na ulit ako doon dumaan.Hindi naman sa natatakot ako.Ayoko lang talaga dumaan doon lalo pa't maliwanag pa naman ang paligid tsaka wala naman akong naramdamang kakaiba sa palibot.

Kapag nakikipaglaban ako,gusto ko iyong pribado.Ayokong mayroong madamay na mga inosenteng tao katulad ng nangyari noon.At sa tingin ko ganoon din naman ang patakaran ng organisasyong tumutugis sa akin.Ayaw nilang ma-involve ang mga normal na tao sa laban ng ibang nilalang.

Nalaman kung hindi normal na tao ang propesor.Isa siyang puting duwende na nag-anyong tao at namuhay katulad ng ordinaryong tao.Sinabi sa akin iyon ni Tiyo kanina sa hapag.

Saktong pagkaubos ng ice cream ay nasa harapan na ako ng gusaling kinatitirikan ng aming apartment.Pumanhik na ako.

" hi Tino " bati sa akin ni Ate Grace.Isa siyang call center agent diyan sa malapit na kompanya.Mabait ito sa lahat ng tenants dito.

" magandang gabi sayo Ate Grace " bati ko rito.

Nagpatuloy lang ako sa paglakad hanggang sa makarating sa rooftop kung saan walang Tiyo ang sumalubong sa akin.Nakakapanibago.Nasanay lang kasi akong sinasalubong ako nito kapag mag-isa akong lumalabas.

Nasaan kaya iyon?

Baka may pinuntahan?

Pero saan?

Hindi naman iyon mahilig lumabas-labas.Mas gusto niyon yung nasa bahay lang siya o kaya nasa harapan ng kanyang mga pananim.

Sarado ang pinto.Mukhang umalis nga talaga.Kinuha ko ang susing binigay niya sa akin.Duplicate raw.

Patay ang lahat ng ilaw pagkabukas ko.Hindi naman ako nahirapang hanapin ang switch dahil nakakakita naman ako kahit madilim.

Binuksan ko ang lahat ng ilaw.Tahimik ang bawat sulok.

Pumasok na lamang ako sa aking silid at nagpalit ng damit.Tumihaya ako sa aking kama habang ang mata ay nakatingin sa kisame.Nasa ganoon akong sitwasyon ng bigla na lamang akong napabalikwas ng bangon dahil biglang sumakit ang aking may tapal na mata.Parang nasusunog ang aking mata.Masakit na mahapdi.Dali-dali kung tinakbo ang banyo at agad na tinanggal ang tapal.Di magkamayaw ang aking mga palad sa pagdaop ng tubig sa gripo at sabay hilamos para maibsan man lang ang init na nararamdaman.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon