22

2.5K 163 38
                                    

Tino

Tuluyan ng kumalat ang dilim sa paligid.Walang nagsisilbing liwanag sa amin ni Elias.Heto kaming dalawa sa isang sulok,magkatabi't pinagsasaluhan ang isang piraso ng tela na nakabalot sa aming katawan.

Patuloy sa pagbuhos ang malakas na ulan.Hindi ko na ito maihahalintulad sa isang musika dahil sa mga mabibigat na pagpatak ng kanyang mga butil.

" nilalamig ka pa rin ba? " may bahid ng pag-aalalang tanong sa akin ni Elias.

" medyo " nahihiya kong sagot.Hindi pa rin sa akin sapat ang kakarampot na tela na bumabalot sa aking katawan kaya nilalamig pa rin ako mapahanggang ngayon.

Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Elias papalapit sa kanyang tabi at mabilis na ikinulong sa kanyang mga bisig.Sa una ay pilit akong kumakawala subalit naglaon ay sumuko na lamang ako.

Ramdam na ramdam ko ang kakaibang init na nagmumula sa kanyang katawan na unti-unting inaalis ang lamig na aking nararamdaman.Nasa ganoon lamang kaming posisyon hanggang sa dalawin kami ng antok.

Kinabukasan,nagising ako ng maramdaman na parang may mga matitigas na bagay na pumupulupot sa aking hubad na katawan.Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata kung saan bumungad sa akin ang mapayapang natutulog na si Elias.Mahigpit ang pagkakayakap nito sa akin na halos hindi ko na maigalaw ang aking katawan.

Nanatili na lamang akong nakahiga at pinagmasdan ang mapayapang natutulog na si Elias.Sa higit ilang linggo ko itong nakasama,ngayon ko pa lamang ito masisilayan ng ganito kalapit.Mahahaba ang mga pilik-mata nito at may mayayabong na mga kilay.Nasa katamtamang taas rin ang kaniyang ilong.Agaw pansin rin an kanilang labi na animo'y nagliliyab na apoy sa sobrang pula.

Nasa ganoon akong estado ng mapansin ko ang tila mga kaliskis sa gawing leeg nito katulad ng sa akin.Kakaiba nga lang ang kulay nito sapagkat kulay pula na may halong itim ang sa kanya samantalang matingkad na berde naman ang sa akin.

" anong klaseng nilalang ka ba Elias? " mahinang tanong ko sa aking sarili kasabay nito ang unti-unting mapagmulat ng kaniyang nakabibighaning mga mata.

" hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo kung anong klaseng nilalang ako Tino " mahina niyang sagot at bigla na lamang ibinaon ang kanyang mukha sa aking dibdib at mas lalong hinigpitan ang kanyang pagkakayakap sa akin.

Nakatulala lamang ako sa kanyang pabigla-biglang aksyon.Gayunpaman wala na akong nagawa kung hindi ang hayaan ito.Hindi ko rin alam sa aking sarili at hindi ko magawang magprotesta sa kanya.

Tirik na tirik na ang sikat ng araw subalit hindi naman ito gaanong masakit sa balat dahil sa mga punong nakapalibot.Hindi katulad ng sa sentro na halos mapaso ka na sa tindi ng init dahil bibihira ka na lamang makakita ng puno at puros matatayog na gusali na lamang ang nagtatayuan.

" tara na " anyaya ni Elias.Nakasakay na ito sa kanyang motorsiklo at sinisimulang buhayin ito.Umangkas na rin ako at agad nitong pinaharurot ng takbo.

Hindi ko na alam kung nasaang lupalop kami ng bansang Pilipinas.Wala kaming nadadaanang mga kabahayan simula kahapon hanggang ngayon.Mga magagandang tanawin lamang ang aming nakikita.

Ilang oras pa ang lumipas,kapansin-pansin ang pagbagal ng pagpapatakbo ni Elias ng kaniyang motorsiklo.Marahil wala na itong gasolina.

" wala ka na bang gasolina? " tanong ko rito.

" oo,ilang kilometro pa ang layo ng pinakamalapit na bayan dito kaya sana umabot pa ito " aniya.

Binagalan na nga lamang ni Elias ang kanyang pagpapatakbo hanggang sa di naglaon ay unti-unti na naming natanaw ang nasabing bayan.Maunlad ang bayang ito dahil katulad ng sa sentro ay mayroon ring mga establishementong nagsisimulang magsitayuan.Kompleto sila,may gasolinahan,botika,grocery stores at kung anu-ano pa.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon