Tino
Araw ng sabado.Huling araw ng buwan ng Hulyo.Sa susunod na mga araw ay pasukan na.Hindi na ako makapaghintay.Karaniwang araw lamang ito para sa amin ni Tiyo.Abala ito sa kanyang hardin samantalang ako naman ay nakaupo lamang malapit sa kanya at pinapanood ito sa kanyang ginagawa.
Ayaw niya akong patulungin dahil masyado daw mabigat ang kamay ko.Nabubug-bog daw ang mga gulay nya kapag ako ang tumanim.Kaya hinayaan ko na lang siya.
Luntian na ang paligid kaya masayang tingnan.Dagdagan pa ng maaliwalas na araw na hindi gaanung masakit sa balat ang sikat.Nasa ganoon akong sitwasyon ng isang tili ang bumasak sa aking pagmumuni-muni,maging si Tiyo ay napakislot at natapon sa kanyang katawan ang mga abono.Agad kong hinanap kung saan nanggaling iyon.
" BAKLA!! " salubong sa akin ni May at mapatakbong lumapit sa akin.Tumayo naman ako at masaya itong sinalubong.Mahigpit ako nitong niyakap pero di ko ito ginantihan.
Anong ginagawa ng babaeng ito dito?At paano niya nalamang dito kami nakatira?Aaminin kong na-miss ko ang babaeng ito.
Kumalas na ito sa akin at parang batang manghang-mangha sa kanyang nakikita.
" ang ganda dito bakla!! " masaya nyang sabi habang nakadungaw doon sa baranda.Sinasang-ayunan ko ang sinabi nya.
" paano mo nalaman na dito kami nakatira? " tanong ko kaagad.Agad ako nitong nilingon at sinimangutan.
" hoy bakla ka di ka ba marunong mag-entertain ng bisita?wala man lang pa juice dyan o biscuits? " mataray nitong sabi habang papalapit sa akin.Aba demanding pa.
" bakit may lamay ba? "
" oo mamaya lalamayan ka talaga dahil diyan sa kaartehan mo! " aniya sabay hampas sa braso ko.
Pumasok na lamang ako sa loob at pinaghanda siya ng request na pagkain.Dinamihan ko na rin para makasabay sa amin si Tiyo.Nilagay ko sa isang tray ang mga pagkain at lumabas na.Pwerteng nakaupo si May sa isang bakal sa silya habang nakapako ang kanyang mga mata sa kay Tiyo na walang pang-itaas na saplot.
Manyakis talaga ang babaeng ito.Alam ko naman na kahit takot siya sa kay Tiyo ay lubos ang paghanga niya dito.Balak nya nga sanang akitin ito kaso nauunahan na siya ng takot kapag nakita na nito ang blangkong mukha ni Tiyo.
Inilapag ko na sa mesa ang pagkain at ang isang pitsel ng juice.
" Tiyo meryenda muna " aya ko sa kanya.Mukhang nagutom rin kaya hindi na ito nagprotesta.
Naupo na ako sa tabi ni May kung saan halos hindi na maalis ang mga mata nito sa katawan ni Tiyo.
" masarap? "
" oo bakla mesherep " malanding sabi nito.Agad kong pinasakan ng cupcake ang kanyang bunganga baka kung saan pa mapunta ang usapang ito.Di na rin ito nakapalag at kinain na lamang ang pagkain sa kanyang bibig.
Nakisali na rin sa amin si Tiyo.Tahimik lang kaming tatlo.
" kumusta ka na pala? " pagbubukas ko ng usapan.Inubos muna nito ang kanyang pagkain bago nagsalita.
" mabuti naisipan mo kong kamustahan " aniya.Kita nyo na ang daldal.Pwede nya namang sabihing 'ayos lang ako bakla ikaw?'
Sinimaan ko lang ito ng tingin.
" heto maganda pa rin " sabi nito at tumawa.
" biro lang,nasa maayos naman ako akong kalagayan,katulad pa rin ng dati tinutulungan ko pa rin ni Mama sa puwesto dahil dumadami na rin ang mga suki namin simula noong umalis kayo at di na nagtinda,hinahanap nga kayo nung mga suki nyo at panay ang tanong sa amin na kung bakit di na raw kayo nagtitinda dun,may isa ngang matandang babae run na hinahanap ang talong nyo kasi masarap daw at malalaki,suhestyon ko naman na masarap rin yung tinitinda naming talong kaso ayaw nya kasi mukhang di raw diniligan ng maayos " walang preno nyang sagot.Tinatanong ko lang yung kumusta na siya pero umabot na dun sa matandang suki ng aming puwesto.Gayunpaman ay masaya akong malaman na mas bumuti ang kanilang puwesto.Pero medyo binabagabag ako dun sa sinasabi niyang talong.Ewan ko bigla na lang naging madumi ang isip ko ng mga sandaling iyon.Tsaka may naaalala rin ako sa talong.

BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...