30

2.1K 109 60
                                    

Tino

  Masakit ang buo kong katawan dahil sa sobrang lakas ng pagsabog na pinakawalan ni Baltazar kanina.Halos wala akong marinig sa paligid.

Marahan kong itinaas ang kalahating bahagi ng aking katawan upang malaman kung nasa ligtas na kalagayan ba sina Elias at Mira ngunit muli akong bumagsak sa lupa ng bigla na lamang may malakas na bagay ang humampas sa aking dibdib na siyang ikinahalindusay ko pabalik sa lupa at tahimik na kinimkim ang sakit.

Sunod-sunod ang naging pag-ubo ko at unti-unti ko ng nalalasahan ang sarili kong dugo.

" ano Tino! " may himig ng panghahamong sabi ni Baltazar sa akin habang nakakulong ang aking baba sa kaniyang kamay.

Binigyan ko lang siya ng masamang tingin at walang pasabing dinuraan ko siya sa mukha.

" kung nabubuhay lamang si Tiyo ngayon marahil kinasusuklaman ka niya ngayon " wika ko bago muling hampasin ng kanyang tungkod ang aking mukha.

" sisiguraduhin kong magsasama kayo ng Tiyo mo sa impyerno Tino! " aniya habang unti-unting may namumuong enerhiya sa dulong bahagi ng kaniyang tungkod.

Gusto kong igalaw ang aking katawan at pigilan siya subalit parang tinakasan na ako ng kahit na anong lakas ko sa aking katawan.

Habang tumatagal ay mas lalong lumalaki ang hugis nito.

" pakisabi sa Tiyo mo salamat sa kapangyarihan niya " aniya at akmang ihahampas niya na sa akin ang kaniyang tungkod ng bigla na lamang itong tumilapon sa ere.

Gumawi ang aking mga mata sa kung ano ang nangyayari at dito ko napagtantong si Mira ang may gawa niyon.Ibang-iba na ang itsura nito ngayon,tumambad sa amin ang halos anim na talampakang pakpak nito.Ang kaniyang buhok ay tuluyang naging balahibo at ang kaniyang mga paa ay nagbagong anyo na rin katulad ng sa totoong ibon.

" Elias ngayon na! " wika nito.Sa isang iglap lang ay lumitaw mula sa kaniyang likuran ang pigura ni Elias na binabalutan ng apoy ang magkabilaan niyang braso at mabilis ba inambahan ng magkasunod-sunod na suntok sa mukha si Baltazar.

Mabilis akong inalalayang makatayo ni Mira habang sina Elias at Baltazar naman ay patuloy sa pakikipagbuno sa isa't-isa.

Nakatayo na ako.Nakatuon lamang ang aking atensyon sa dalawa habang nag-iisip ng maaaring plano upang mapasuko si Baltazar.

Nasa ganoon akong sitwasyon ng maramdaman ang tila paglukob ng mga kakaibang enerhiya sa paligid.

Nagpalinga-linga ako sa palibot at nagbabakasakaling mahanap ang kinaroroonan nito.

Patuloy sa paglalagablab ang tila pader na apoy na siyang nakapalibot sa amin na halos hindi ko na makia kung ano ang nasa labas nito.

Naging mainit ang labanan ng dalawa.Kapwa walang gustong magpatalo.Si Elias ay mas lalong sumidhi ang kagustuhang pabagsakin si Baltazar samantalang ang huling lalaking binanggit naman ay tila hindi man lang inalintana ang kaniyang katandaan.Kapwa silang nagsukatan ng lakas ng bawat isa.Walang gustong magpalupig sa kamay ng magkabilaang panig.

" Tino! " biglang bulalas ni Mira at mabilis nitong hinarang ang kaniyang malapad na pakpak sa aking direksyon.

Ilang sandali pa ay unti-unti akong inuluwal ng kaniyang pakpak kung saan bumungad sa akin ang mga napakaraming matutulis na patalim na nakabaon sa makakapal na balahibo nito.Mabilis kong hinahanap sa paligid ang pinanggalingan nito.Kusang gumawi ang aking mga mata sa aming likuran kung saan isang bulto ng lalaki at babae ang bumungad sa amin.

" mga taga-organisasyon! " gulat na gulat na sabi ni Mira.

Hindi pa man kami nakakapaghanda ay muli na naman kami nitong tinira ng mga patalim na hindi namin batid kung saan ito nagmumula.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon