Tino
Walang ibinigay na pangalan si Elias tungkol sa bago kong tuklas na organisasyon na ilang libong taon nang binuo.Mas nauna pa itong naitatag kaysa sa PRSUS ayon na rin sa kanya.
Ayon sa kay Elias,walang nakakaalam kung bakit ito naglaho na parang bula,kaya naman tuluyan na lamang itong ibinaon sa nakaraan subalit nanatiling nakaukit sa kasaysayan ng aming lahi.Iba ang layunin ng naturang grupo,hindi kapayapaan bagkus ay karahasan.Kaya naman laking gulat niya ng makilala ang aking iginuhit na desinyo na ayon sa kaniya ay ginagamit na simbolo ng organisasyon.
" bakit mo alam ang tungkol dito? " usisa ko sa kaniya.
" nabasa ko lamang sa mga lumang aklat ni Apong Lakay kaya may kaonti akong kaalaman tungkol sa kanilang samahan,sila ang nagsisilbing rebelde na gumagawa ng karahasan upang kalabanin ang organisasyon ng lahi ng mga tao " sagot nito.Tumayo ito at tinungo ang kalapit na pasamano,kumuha ng dalawang tasa at nagtimpla ng mainit na kape.
" ikaw,saan mo nakita ang desinyong iyan? " usisa nito habang abala sa kaniyang ginagawa.
" matagal-tagal na rin akong nakakatanggap ng punyal na mayroong desinyong ganiyan at kahapon lang ang huli,noong mga nakaraang buwan,mayroong mga liham na nakasabit sa bawat punyal na kanilang inihahagis subalit sa pagkakataong ito ay wala na " paliwanag ko.Muli itong bumalik sa puwesto namin sabay latag ng isang tasa ng mainit na kape sa aking harapan.
" liham? " aniya sabay higop sa kaniyang tasa.
" oo,mga liham na hindi ko masyadong maintindihan,nakasaad doon na tila nahanap na nila ako mula sa pagkakatago ko katulad ng larong Tagu-taguan "
" Tagu-taguan? " ulit nito na tila hindi makapaniwala sa kaniyang narinig.Sunod-sunod na pagtango ang aking ginawa habang humihigop sa aking tasa.
" subalit kahapon wala ng liham na nalagay sa tatlong punyal na ihinagis sa akin,isa rin iyon sa aking ipinagtataka " tumayo ako at sumandal sa kaharap na paber kung saan sa pagkakataong ito ay nakaharap na ako sa kay Elias.
" sa tingin mo anong ibig ipakahulugan niyon Elias? " gusto kong makuha ang kaniyang opinyon dahil baka makatulong ito't mapanatag na ang aking kalooban.Umayos ito mula sa kaniyang pagkakaupo at diretso ang tinginh ipinukol sa akin.
" hindi ako sigurado sa kaisipang ito subalit sa tingin ko ay hindi lang ang PRSUS ang tumutugis sayo bagkus ay may isa pa at sa tingin ko ay itong muling binuhay na sinaunang organisasyon " hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa naging sagot ni Elias sa aking katanungan.
" anong ibig mong sabihin? " bakas na rin sa boses ko ang kaseryosohan.
" sa tingin ko,ang kanilang paghagis ng mga punyal sayo ay kanilang paraan ng imbitasyon na kailangan mong paunlakan,matagal na ring ginagamit ang paraang iyan ng mga sinaunang lahi kung may nais silang gustong kitain ko makausap " paliwanag nito.Kung sakaling may katotohanan nga ang kaniyang sinabi,nangangahulugan lamang na higit limang beses ko ng hindi sila pinaunlakan sa kanilang imbitasyon.Wala akong alam sa mga bagay na iyon at kung sakaling mayroon man ay hindi ko magagawang ipahamak ang aking sarili at ilagay sa alanganin.
" anong kailangan nila sa akin? " tuluyan na akong nawalan ng ganang ubusin ang iniinom na kape.Inilapag ko na lamang ito sa katabing lababo at itinuon ang atensyon sa kay Elias.
" marahil iyan " aniya sabay turo sa aking matang tinatakpan ng tapal.
" ang mata ko? "
" oo dahil katulad ng PRSUS gusto nilang maging mataas na halos tingalain na ng lahat,nais nilang makilala sa buong daigdig at lumabas na sa kanilang kinukublian ngunit hindi nila iyon magagawa kung wala silang hawak na bagay na kayang wasakin ang mga magiging balakid sa kanilang daan at ang sinumpang mata mo Tino ang kailangan nila para mangyari ang mga bagay na iyon "

BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...