46

707 52 4
                                    

Tino

   Sa isang abandonadong gusali kami dinala ng aming mga paa.Kahit may mga nakasabit na pagtataka sa aming mga mukha ay wala itong nagawa ng si Elias na mismo ang naunang pumasok sa madilim at makipot na daan nitong naturang gusali.

Walang narinig na kahit na anong reklamo sa aming mga bibig.Patuloy lang kami sa pagsunod sa pamumuno ni Elias.May tiwala naman kami sa kanya kaya batid kong mayroong ibig ipakahulugan ang pagpunta namin sa ganitong lugar.

Lahat kami ay tumigil sa paglalakad ng mapansing naunang tumigil si Elias ilang dipa ang layo mula sa kinaroroonan namin.Sa kabila ng nababalot ng kadiliman ang kasuluksulukan ng gusaling ito ay nanatiling malinaw pa rin ito sa aking mga mata.Mas higit na luminaw pa ito ng malaya kong magamit ang dalawa kong mga mata.

Ang naturang silid ay pinalalamutian ng samu't-saring graffiti marahil mula sa mga taong tumatambay sa lugar na ito o iyong mga mahihilig sa sining na ito.

" anong ginagawa natin dito? " basag ni Derik sa katahimikan.

Sandali muna kaming binalot ng katahimikan bago nagsalita si Elias.

" mayroon lang tayong bibisitahing kakilala " sagot ni Elias.

May kikitain kaming kakilala?Sa lugar na ito?.Marahil ito'y hindi pangkaraniwang nilalang sapagkat hindi kaayon-ayon ang pustura ng lugar kung pangkaraniwang nilalang lamang ang kikitain namin.

Magsasalita na sana ako ng bigla na lamang lumiwanag ang katapat na pader at walang anu-ano'y nahati ito na para bang isang pirasong papel.At mula rito ay iniluwal ang isang kaakit-akit na dilag.

Ang kaniyang mukha ay tila inukit ng isang mahusay na manlililok.Lahat ng parte ng kanyang katawan ay napakaganda't natatangi.Nakakahumaling ang kanyang kagandahan subalit kisap-matang naglaho ang salitang iyon ng bigla na lamang nitong sinampal ng magkasunod-sunod si Elias na siyang pumukaw ng atensyon ko.

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan dahil sa lakas ng puwersang kumawala mula sa sampal na iyon.Maging sina Eli at Derik ay kapwa rin nagulat sa ginawa ng babae.

" anong kadahilan at nakipagkita ang isang Elias sa isang mababang uri ng diwatang katulad ko? " mababakas sa bawat salitang binibitawan ng babae ang pait at galit para sa kaharap.At basi sa aking obserbasyon mayroong nangyayaring hidwaan sa pagitan ng dalawang nilalang na nasa aming harapan.

" hanggang ngayon ba'y hindi pa rin umuusad iyang galit mo sa aking nasabi ilang daang taon na ang nakararaan?Ilang beses ko bang ipapaliwanag sayo na hindi iyon ang nais kong ipunto,paulit-ulit na lang tayo sa bagay na dapat ng kinalimutan Annaya " may bahid ng pagkainis na sabi ni Elias sa kaharap.Kung gayon Annaya pala ang pangalan ng babaeng ito?.Ano naman kaya ang kaugnayan niya sa kay Elias.

" ang dating kabiyak ni Islab " mahinang bulong sa akin ni Eli.Napaawang na lamang ang aking labi dahil sa narinig.Kung hindi ako nagkakamali,Islab ang pangalan nung makapangyarihang diwata na una naming nilapitan ni Elias upang matunton ang kuta ng organisasyon.

" anong pinagbubulungan niyo diyan? " mataray na baling nito sa amin.Imbes na sagutin ito ni Eli ay inismiran lang niya ito at nagsimulang maglakad papasok sa naturang bukana na pinagmulan ni Annaya.

" kahit kailan napaka
wala mong respeto sa kapwa mo " sabi nito para sa kay Eli pero nagkibit-balikat lamang iyong huli bago tuluyang maglaho sa aming paningin.

" at sino naman ang mga...amoy tao na mga nilalang na mga ito? " ngayon ko lang napansin na nasa amin na pala ang atensyon nito.Humarap sa amin si Elias at isa-isa kaming ipinakilala sa babae.

" siya si Derik,isa sa mga matalik kong kaibigan samantalang siya naman si " hindi na nito natuloy ang sasabihin ng bigla na lamang ilapat ng babae ang kanyang hintuturo sa bibig ni Elias.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon