Tino
Isang araw,abala ako sa paglilinis nitong inuupahang apartment ni Elias ng may mapansin akong kakaiba sa labas ng bintana.Itinigil ko muna ang aking ginagawa at nilapitan ang nakabukas na bintana.Lumingalinga ako sa paligid subalit wala naman akong napansing kakaiba.
Nasa labas ngayon si Elias dahil may pinamili ito kaya naiwan ako ngayong mag-isa dito sa kanyang apartment.Dahil wala naman akong napansing kakaiba ay naisipan ko na lamang na bumalik sa aking tinatrabaho subalit di ko pa man naihahakbang ang aking mga paa ay isang bulto ng tao ang aking nahagip.
Dali-dali akong sumirko sa ere kasabay ng pagsulpot ng isang lalaki sa aking harapan kaya naiwasan ko ang kanyang unang atake.
Ito iyong nakalaban ko sa banyo ilang buwan na ang nakararaan.
" nagkita tayong muli " nakangisi kong bungad rito.
Bigla itong naglaho sa kanyang kinatatayuan subalit kabisado ko na ang kanyang galawan.Tinalasan ko ang aking pandama.Agad akong lumiyad ng maramdaman ang kanyang presensya kung saan umatake siya gamit ang kanyang paa.Hindi ako natamaan ng kanyang sipa.
Mahigpit kong hinuli ang isa nitong paa at marahas siyang ibinalibag sa pader.Muli itong naglaho sa kanyang kinabagsakan.Hinanda ko ang aking sarili nandito lang sa paligid ang kanyang presensya.Nasa ganoon akong katayuan ng bigla itong sumulpot sa aking harapan sabay akong binigwasan sa mukha.
Nawalan ako ng balanse at natumba sa sahig.Dali-dali akong bumangon at napakuyom na lamang sa aking palad.
Apat na sunod-sunod na sipa ang aking pinakawalan ng mahagip ang kanyang presensya.Tuluyang itong bumagsak sa kama na naging sanhi ng pagkasira nito.
Bigla na lamang akong napaluhod sa aking kinatatayuan ng maramdaman ang matinding kirot sa aking mga paa.Nakalimutan kong hindi pa tuluyang humihilom ang ilang sugat na aking natamo.Habang nakahalindusay pa ang kalaban,ginamit ko na iyong opurtinidad upang makatakas.Dali-dali akong tumayo at mabilis na nilisan ang silid.Dumiretso ako sa labas kung saan saktong pagbukas ko ng pintuan ay siya ring pagpasok ni Elias.
Puno ng pagtataka ang kanyang mukha habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa.
" anong nangyari?! " nagtataka niyang tanong.
" andito sila " iyon na lamang ang naibigkas ko.Mabilis niya namang nakuha ang nais kong iparating.Walang alinlangan niyang ibinagsak ang kanyang pinamili at agad akong hinila palayo sa kanyang apartment.
Nagpatianud na lamang ako dahil may tiwala akong hindi niya ako hahayaang makuha ng mga kalaban.Dumiretso kami sa maliit na parking area kung saan huminto kami sa isang kulay pulang motorsiklo.
" sakay na! " utos niya.Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad na umangkas sa kaniyang motorsiklo.Tuluyan na naming nilisan ang lugar na iyon.Batid kong sinusundan pa rin nila ako dahil nararamdaman ko ang kaniyang presensya.
" sinong kalaban ang tinutukoy mo?iyon bang pumaslang sa Tiyo mo? " usisa ni Elias habang ang atensyon ay nasa daan.
" hindi " tipid kong sagot dahil abala ako sa pagmamanman sa aking paligid.
Mabilis ang pagpapatakbo ni Elias sa kanyang motorsiklo sa kahabaan ng highway.Laking pasalamat na lamang namin ngayon at hindi trapik sa naturang daan kaya walang aberya ang aming biyahe.
Halos mapasubsob ako sa malapad na likod ni Elias ng bigla na lamang siyang prumeno.
" anong nangyari? " nagtataka kong tanong.
Wala itong imik at hindi ring gumagalaw ang kanyang katawan.Waring mayroong tinitingnan.Sinundan ko ang direksyon ng kaniyang mga mata kung saan ito nakatingin.Ilang metro lang ang layo sa amin ay mayroong tatlong pamilyar na bulto ng tao ang nakatayo sa gitna ng kalsada.Nakahilera sila at tuwid ang pagkakatayo.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
De TodoBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...