Tino
Malalim na ang gabi at wala pa ring tigil sa pagbuhos ang malakas na ulan.Mag-isa kong binabagtas ang kahabaan nitong hindi pamilyar na kalsada habang yakap-yakap ang sariling katawan.Tao pa rin naman ako at nakakaramdam pa rin naman ng mga bagay-bagay kaya hindi ko itatangging nilalamig na ako sa mga sandaling ito.Subalit sa kabila niyon ay hindi ko inalintana ang nararamdaman ko,nilalamon ng matinding kaisipan ang aking diwa at ang emosyon ko ngayon ay tila hindi solido.
Tila hindi ako nakakaramdam ng pagod sa kabila ng paninigas ng aking mga paa dulot ng malamig na atmospera.Patuloy lang ako sa aking paglakad hindi alintana ang katotohanang wala kong mapupuntahan.Mag-isa na lang ako.Iniwan na nila akong lahat dahil sa aking padalos-dalos na desisyon.Kasalanan ko naman.Siguro kung hindi ako umalis sa grupo nila Elias marahil buhay pa ngayon si Troy.Siguro may lalaking babalikan pa ako pagkatapos ng lahat-lahat.
Nasa huli nga talaga ang pagsisisi.Wala na akong magagawa kung hindi ang tanggapin ang katotohanang iyon at patuloy na mamuhay sa realidad.
Nasa ganoong estado ako ng maramdaman ang mga papalapit na yabag.Hinayaan ko lamang iyon dahil wala naman akong nararamdamang kakaiba sa enerhiyang inilalabas nila.Sa madaling salita ay mga pangkaraniwang nilalang lamang ang mga may-ari niyon.
Patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa natigilan ako ng maramdaman ang patigil ng yabag sa aking harapan.Iniangat ko ang aking ulo upang masilayan kung sino ang may-ari niyon.
Hindi pamilyar na tao ang nasa aking harapan.Nakasuot ito ng kulay itim na tsaketa habang tinatago naman ng itim na bonete ang mukha nito.Mula naman sa aking likuran ay lumabas mula sa kadiliman ang tatlo pang lalaki na magkasingtulad rin ng pananamit sa lalaking nasa aking harapan.
Mga mandurukot.
Nakakalungkot namang isipin na ako pa ang kanilang napunterya.Anong mapapala nila sa isang katulad ko na ni baryang piso sa aking bulsa ay wala ako.
" nag-iisa ka ata sir " simula nito.
" tingnan mo oh basang-basa ka! " puna naman ng lalaking nasa likod ko at akmang hahawakan pa ang laylayan ng aking damit subalit mabilis akong umiwas rito.
" anong kailangan niyo? " diretsahan kong tanong sa mga ito.Bagaman hindi ko nakikita ang kung anong reaksyon ng kanilang mga mukha subalit batid ko namang nakangisi ang mga ito.
" ano kasi...baka mayroon kang ano diyan sir,alam mo na " sa tingin ba niya'y madadaan nila ako sa painosente nilang pagpapanggap.
" wala akong pera " prangka kong sagot rito.Narinig kong nagtawanan sila pero hindi ko iyon pinansin.Wala ako sa kondisyon ngayon para makipagtalastasan sa kanila.
Hinayaan ko na lamang sila sa kanilang ginagawang pagtawa at sinimulan ng ihakbang ang aking mga paa.Subalit hindi pa man ako nakakadalawang hakbang ng isang malakas na pagtulak ang siyang bumungad sa akin na siyang muntikan kong ikawala ng balanse.
" kinakausap pa kita! " angil nito.
Tahimik lang ako habang sinasalubong ang mga tila nauuyam na titig nito.
" ibigay mo ang pera mo kung ayaw mong masaktan " seryoso niyang sabi habang pakumpas-kumpas ng kaniyang kamao.
" wala nga akong pera " kalmado kong sabi rito.Mabilis na hinawakan ng lalaki ang aking balikat at akmang aambahan ako ng suntok ng bigla na lamang tumalamsik sa paligid ang nagkalat nitong kalamnan at dugo.Bumagsak ang lalaki sa aking paanan habang nawawala ang ulo nito sa kinalulugaran nito.
Narinig ko ang mga pagsinghap ng mga kasamahan niya na nakapalibot sa akin.Waring hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan.
" d-demonyo!!! " sigaw ng lalaki at bago pa man ito makatakbo ay kaagad na naagnas ang katawan nito.Binalot ng takot ang natitira pang mga kasama nito.Wala na akong inaksaya pang oras at kaagad na sinalubong ang kanilang mga mata hanggang sa kapwang naging bato ang kanilang mga katawan.Marahan akong lumapit rito at marahas na tinumba hanggang sa kumalat sa basang semento ang mga bitak na katawan.

BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
De TodoBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...