42

1K 54 0
                                    

Tino

  Bago ako bumalik sa aming lungga ay dumaan muna ako sa unibersidad.Gusto kong siguraduhing nasa maayos na kalagayan si Troy dahil ginigambala ako ng aking isipan ukol sa nangyari kanina.At sa tingin ko naman ay malayo naman ito sa gulo dahil mukhang abala ito sa kanilang pagsasanay at sa tingin ko'y nasisiyahan naman siya sa kanyang ginagawa.Nakatanaw lang ako sa kanya mula sa malayo dahil ayokong makita niya ako rito.Batid kong naiinis pa rin ito sa kung anong nangyari kaninang umaga.

Nagkalat na ang kulay kuhel sa kalangitan hudyat na malapit ng sumapit ang gabi.Sa kabila nun ay nanatiling nakatuon ang atensyon ko sa kay Troy na mapahanggang ngayon ay abala pa rin sa kanilang pagsasanay.Nang masiguradong nasa mabuting kalagayan na ito ay agad ko ng nilisan ang lugar.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na ako sa tapat ng barongbarong.Nakatingin sa kabuuan nitong barongbarong ang aking atensyon ngunit lumilipad sa alapaap ang aking kaisipan.Wala namang mahalagang bagay o ideya ang naglalaro sa aking utak subalit hindi ko batid kung bakit nagkakaganito ako.Marahil hindi lang nagkakaroon ng tuwid na paggana ang aking isipan sa mga sandaling ito.

" kanina pa kita hinihintay " isang malamig na boses ang siyang pumukaw sa aking atensyon.Nagmumula ito sa madilim na sulok nitong lugar.Nilingon ko ito kung saan bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Elias habang humihithit ng sigarilyo.Sinalubong ko lang ang kanyang mga malalamig na titig na para bang hindi ako nito apektado.

" wala naman akong sinabing hintayin mo ako " malamig ko ring tugon rito.Sariwa pa rin sa aking isipan kung ano ang sinabi niya kanina sa naging pagpupulong.Kanina wala akong nagawa upang depensahan ang sarili ko't ibigay ang pangangatwiran ko pero hindi ibig sabihin na tikom ang bibig ko sa katotohanang isiwinalat nito ay wala akong emosyon upang hindi makaramdam ng panliliit sa sarili.

Kinuha nito ang sigarilyo sa kanyang bibig at itinapon sa kanyang harapan habang ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatuon sa akin.

" anong nangyari sa kay Derik? " usisa nito.Ngayon pa lamang sumagi sa aking isipan ang kasama kanina.Ang kaninang malamig na ekspresyon ng aking mukha ay unti-unting napapalitan ng pag-aalala.

" nasaan siya? " nag-aalala kong tanong.Inikutan lang ako nito ng kanyang mga mata waring hindi makapaniwala sa kung ano ang ipinakita ko kanina.

" nasa mabuti na siyang kalagayan,nagamot na ni Eli ang kanyang sugat at bali " sagot nito ngunit nanatili pa ring malamig ang paraan ng kanyang pagsasalita.

Naramdaman ko ang kaginhawaan sa kanyang naging sagot.Mabuti naman ay naagapan kaagad ni Eli.Akmang tatalikuran ko na siya ng bigla na lamang nitong hinablot ang aking kamay at ang huli ko na lamang na naramdaman ay ang pagkulong ng kanyang mga braso sa aking katawan.

Dahil sa pagkagulat ay tila naging tuod ako't hindi ko man lang maikilos ang aking katawan palayo sa kanya.Anong nangyayari rito't bigla na lamang ako nitong niyakap?.

" nag-aalala ako,akala ko kung napano ka na noong hindi ka namin mahagilap kanina sa pinangyarihan " bakas sa tono nito ang halo-halong emosyon,nandoon iyong pag-aalala at takot.Lahat ng mga salitang namumutawi sa kanyang bibig ay nagkakaroon ng kakaibang sensasyon sa aking sistema at hindi ko alam kung ano ito.

" E-Elias " naisatinig ko na lamang ang pangalan nito.Ito ang unang  pagkakataong narinig ko itong nag-alala sa akin.

Nanatili lamang kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa ito na mismo ang kumusang kumalas mula sa pagkakayakap sa akin.Bahagya itong lumayo pero nanatili pa ring nasa akin ang kanyang mga mata.

" sorry " biglang hingi ng paumanhin nito.Sa pagkakataong ito ay ngayon ko pa lamang naramdaman ang hiya.

" pero tunay akong nag-alala sa iyo kanina dahil katulad nga ng sinabi ko kanina,wala ka sa pinangyarihan ng naging laban mo,tanging ang walang malay na si Derik lamang ang naroroonan na nakabulagta " aniya.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon