Tino
Bakit siya nandito?Tutugisin na ba nila ako?Paano nya ako nahanap?Ang daming sunod-sunod na katanungan ang gumambala sa aking isipan.Bahagya akong napaatras subalit halos masubsob ako sa lupa ng tila nawalan ng lakas ang aking mga tuhod.Mabuti na lamang ay nakahawak ako sa isang balde na naglalaman ng mga santol.
Dali-dali akong bumangon at pinakalma ang sarili.Luminga-linga ako sa paligid ngunit nakapagtataka't wala namang kakaiba sa paligid.Walang mga pulis o mga kahina-hinalang tao.Napa-praning lang ata ako.
Bumaling ang aking mga mata sa lalaking kaharap.Hindi ko alam subalit napako ang aking mga mata rito.Nakasuot ito ng tinted sunglasses at nakangiti.Ilang taon na rin ang lumipas ng huli ko itong makita.Bumabalik na naman sa aking alaala ang lahat.Huli na ng maramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha.Agad ko itong pinunasan.
" pwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang mga paninda mo? " mahinahon nitong sabi.Nagulat naman ako sa sinabi nito.Bakit kailangan ko pang sabihin kung maaari nya namang makita.May mata naman siya.
" mayroon kaming kalabasa at saka sitaw,meron rin kaming okra at talong " pinasigla ko ang boses ko.
" ano pa? " medyo nakaramdam na ako ng inis.
" santol "
" and? " aba!wala ba siyang mata!Bulag ba siya?Sa pagkakatanda ko nakakakita naman siya.Pinagti-tripan lang ata ako nito.
" upo " may bahid na inis kong sagot rito.
" ano pa " aniya.Halatang iniinis na ako nito.
" look anong silbi ng mga mata mo kung hindi mo man lang gagamitin? " may bahid ng pagkainis kong wika rito.Ang kaninang nakangiting labi at unti-unting naglaho.Maging ang masayahin nitong aura.Parang may mali ata akong sinabi ah.
Akala ko sisinghalan ako nito ngunit nagulat ako ng tanggalin nito ang kanyang sunglasses,napasinghap ako ng tuluyang lumantad sa akin ang kanyang mga mata,napakaganda neto.Kung pakasusuriin ay normal naman ang itsura nito.Walang pinagkaiba sa ibang tao ang kanyang mga mata.
" a-anong nangyari sa mga mata mo? " kunwaring hindi ko alam ang sagot sa aking tanong.
" What do you see? " hindi ko alam kung may pagka sarcastic ang kanyang paraan ng pagkakasabi o sadyang ganoon lang talaga sya magsalita.
Tahimik lang ako.
" car accident " aniya.Bagama't nagulat ay itinago ko na lamang iyon.Alam kong hindi totoo ang kanyang sinasabi.Siguro pinalabas lamang ng pamilya nya na sanhi lamang ng car accident kaya siya nabulag.
Tahimik pa rin ako.Parang may humaharang sa aking lalamunan at hindi ko maisawika ang aking mga gustong sapbihin.
" kilala mo ko? " aniya.
" hindi " dahil kilalang-kilala kita.Troy
" ahh I thought kilala mo ko,bago lang kami rito sa bayan na ito,we're from Sta. Anna alam mo yun? " tanging tango lang ang itinugon ko kahit hindi nya naman nakikita.Sa kabilang bayan iyon.
" by the way I'm Troy,how 'bout you? " pakilala nito sa sarili.Nag-aalinlangan pa ako kung ibibigay ko ba ang pangalan ko o hindi.Paano kung makilala nya ako?Paano kung isuplong nya ako sa mga pulis?
" hey? " basag nito.
" Tino " pakilala ko.Sandali itong natigilan.Ako naman ay sinimulang pagpawisan ng malagkit.Baka maalala nya ako.
" ah nice meeting you Tino " nakangiti nitong sabi.Tsaka pa lamang ako nakahinga ng maluwag.Mabuti na lamang.Kung sabagay matagal na ring panahon nung mangyari ang bagay na iyon.Mahigit tatlong taon na rin.

BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...