53

593 52 5
                                    

Tino

     Kalat na ang dilim ng inihinto ni Zac ang nirentahang kotse sa harap ng isang modernong desinyong gusali kung saan maririnig mula sa loob ang malakas na musika.Nauna na itong bumaba bago ko sinundan pagkagarahe ng sasakyan.

Siniguro muna nitong nasa maayos na kondisyon ang sasakyan bago magsimulang maglakad papasok sa naturang gusali.Hindi na ako nito binigyan pa ng pagkakataon na usisain siya hinggil sa kung ano ang ginagawa namin sa lugar na ito.Batid ko namang may rason kung bakit kami pumarito subalit hindi ko lamang alam kung ano iyon.

Tuloy-tuloy lang kami sa paglakad hanggang sa makarating kami sa isang malaking pasukan na binabantayan ng dalawang malalaking bulto ng lalaki.Nakasuot ito ng itim na salamin habang walang nakasabit na ekspresyon sa mga mukha nito.

Hindi pa man kami nakakarating sa mismong harapan nito ng mabilis kami nitong pinigilan gamit ang kanilang mga malalapad na mga palad.Senyales na kailangan namin tumigil.Wala namang naging kaso iyon sa amin at agad na sinunod ang kanilang kagustuhan.Sino ba naman kami para tumutol.Trabaho lang ika nga,walang personalan.

" I.D. sir " malamig na usal ng lalaki.

Tahimik lang kami ni Zac.

" mga sir kung wala ho kayong maipapakitang I.D. hindi ho kayo maaaring pumasok rito,eksklusibo lamang ang lugar na ito sa mga miyembro na may maipapakitang I.D. " kaswal na paliwanag ng isa pa.

Sinasayang nila ang oras namin.Wala na kaming panahon pa para magpaliwanagan.

Humakbang ako ng dalawang beses at pumosisyon sa mismong harapan ng dalawa.Humugot ako ng malalim na paghinga at ipinikit ang aking mga mata bago ito dahan-dahang idinilat.Kasabay nito ang mabilis na paglakbay ng aking kapangyarihan patungo sa aking mata.Mabilis na binalot ng liwanag ang naturang parte ng katawan habang nakatuon ang paningin sa dalawang lalaki.

" hindi iyan gagana sa amin sir " biglang sabi ng lalaki at akmang ihahataw sa amin ang kanilang batuta ngunit huli na ng mabilis silang bumulagta sa sahig habang naliligo sa sa kanilang sariling dugo't laman.

" pasensya na " hingi ko ng paumanhin sa kay Zac ng magkasalubong ang aming mga mata.Wala naman akong nakuhang reaksyon mula rito.Pumasok na siya sa loob na siyang sinundan ko naman bitbit ang pagtataka sa aking mukha hinggil sa tunay na katauhan ng mga guwardiya.Paano nila nahulaan na gagamitan ko sila ng hipnotismo kung mga pangkaraniwang tao lamang sila.Mali,tao nga ba sila?.Iyon dapat ang katanungan.

Bumungad sa amin ang maingay at magulong senaryo.Pumapailanlang sa paligid ang nakakaindak na tugtugin at mga makukulay na liwanag na nagbibigay ng lula sa aking ulo.Ang mga tao ay para bang hindi nakakaramdam ng pagod sa kakasayaw na parang ito na ang huling sandali ng kanilang buhay.Ang kanilang kasiyahan ay tila bang wala ng bukas.

Tuloy-tuloy lang sa paglakad si Zac sa kumpol ng mga tao na waring alam niya kung saan ang pupuntahan.Maaaring nagawi na dito si Zac kaya kabisado niya na ang mga paikot-ikot sa lugar na ito.Dahil naninibago ako sa ganitong senaryo,wala akong nagawa kung hindi ang sumunod lamang na animo'y isang buntot sa kay Zac.

Makalipas ang ilang sandali'y tumigil kami sa isang hindi mataong lugar at inukupa ang bakanteng upuan.

" maglalasing ka ba? " gulantang ko ng makaupo.

" hindi " tipid nitong sagot habang palinga-linga sa paligid.Hindi mapakali ang kaniyang mga mata na para bang mayroon siyang hinahanap sa palibot.

" anong ginagawa natin dito kung hindi ka naman maglalasing?maghahanap ka ng babaeng magiging kalaro mo sa nagniningas na apoy? " usisa ko.Pinanliitan lang ako nito ng kaniyang mga mata bilang babala na hindi niya nagustuhan ang aking sinabi.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon