Tino
Sa wakas natapos na ang tatlong oras na klase.Katulad ng kanina ay wala man lang kaming ginawa sa loob.Puros Introduce Yourself at marami pang iba.Siguro bukas ay magsisimula na talaga ang tunay na klase.
Kulay kahel na ang kalangitan ng lumabas ako ng gusali.Katulad kanina,mag-isa lang ulit ako.Wala pa ring lumalapit sa akin upang kausapin ako.Di ko na lamang iyon dinamdam pa dahil unang-una palang ay inaasahan ko naman talaga iyon.Tanging sina Caspian at Troy lang naman ang kumakausap sa akin rito.Isama ko na pala si Baltazar.
Nagsimula na akong maglakad palabas ng campus.Pansin kong kaunti na lamang ang mga estudyanteng naririto.Ang ilan sa kanila ay masayang nakikipag-kwentuhan sa kanilang mga kaibigan tungkol sa mga nangyari sa unang araw nila at yung iba naman ay hindi tungkol sa school-related na usapin.
Hindi ko na lamang ito pinagtuunan ng pansin at nag-pukos na lamang sa paglalakad.Malayo-layo na ako sa departamento namin.Sa tantya ko nasa departamento na ako ng mga Engineering.
Nakatuon lang ang aking atensyon sa daan ng bigla na lamang may nahagip ang aking mata na isang pamilyar na mukha.Kanina ko pa ito hinahanap at nawalan na ako ng oras para puntahan ito sa kanyang silid kanina dahil sa sunod-sunod kong klase.
Mabilis ang lakad nito papasok sa loob ng kaharap na departamento.Agad na sumagi sa isip ko yung mga katanungang bumabagabag sa akin.Siguro maaari ko na itong makausap hinggil sa mga nagpapagulo sa aking isipan.Gustong kong malaman kung kilala niya o kung sino iyong SILA na tinutukoy niya.Alam ko na mga miyembro ito ng organisasyon pero ang gusto kong malaman kung mga sinu-sino ang mga ito ng sa gayon magkaroon ako ng ideya kung ano ang itsura nila at mapag-aralan na rin.Hindi madali ang hinihingi ko sa propesor ko pero iyon lamang ang nakikita kong paraan upang mailayo ko ang aking sarili sa panganib.
Tinutugis nila ako.Kung sakaling makilala ko kung sinu-sino sila ay maaaring maunahan ko na agad ang mga ito.Hindi ako mahilig maglaro pero kung iyan ang hinihingi nila,sige makikipaglaro ako.
Inilihis ko ang direksyon ng aking paglalakad at sinundan ang propesor.Malayo-layo na ito sa akin.Tuloy-tuloy lang ito sa pagpasok sa loob ng gusali.Binilisan ko pa ang aking paglakad.
Pagkapasok,hinanap ko ito sa paligid.Saktong nahagip ko itong paakyat ng hagdan.Agad ko itong sinundan.Maingat ang aking mga hakbang dahil ayokong makuha ko ang atensyon nito.May mga bagay rin akong pinagtatakhan.Bakit narito siya sa gusaling ito at wala sa gusali namin.May mga hinahawakan rin kaya siyang mga asignatura dito?
Siguro.
Tumago ako sa likod ng malaking poste ng tumigil ito sa ikatlong palapag.Luminga-linga pa ito sa paligid bago pumasok sa isang silid.Sa totoo lang hindi ko rin maintindihan ang aking sarili.Bakit kailangan ko pang magtago eh malinis naman ang intensyon ko sa kanya.Tatanungin ko lang naman siya at hindi ko naman siya sasaktan.Naloloko na talaga.Nagagaya ko na iyong mga napapanood ko.
Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko bago lumabas sa pinagtataguan.Hindi dapat ako mahiya.Magtatanong lang naman ako.Tumigil ako sa harapan ng pinasukang silid ng propesor.Ginaya ko rin yung ginawa niyang paglinga-linga sa paligid.Mahirap na at baka may makakita sa akin lalo pa't hindi naman ako taga-departamentong ito.
Pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto.Pumasok na ako.
Gumuhit sa mukha ko ang pagtataka pagkapasok dahil bakanteng silid naman ito at wala naman dito ang propesor.Isa itong silid na nababalutan ang pader ng mga salamin.Nagkamali ata ako ng napasukan.
Lalabas na sana ako ng mahagip ng mga mata ko ang isang bultong nakatayo.Nakatanaw ito sa nakabukas na bintana.Ang propesor.Teka,hindi ko siya napansin diyan kanina.

BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...