Tino
Isang nakabibinging katahimikan ang bumungad sa akin sa naturang palapag.Ang mga ilaw sa mahabang pasilyo ay hindi magkamayaw sa pagpatay-sindi habang binabalutan ng malamig na temperatura ang paligid.Sinimulan ko ng ihakbang ang akingo mga paa.
Wala ni isang empleyado ang nakatuka sa palapag na ito.Maaaring nakalaan lamang ito para sa may ari nitong kompanya.Binilisan ko ang aking paglakad habang hindi mapanatili sa iisang direksyon ang aking paningin.Kailangan ko mahanap si Elias.
Tumigil ako sa tapat ng isang silid na ang tanging nagsisilbing pader ay ang makapal at blurry na salamin.Malakas ang pakiramdam ko na nandito sa silid na ito ang aking hinahanap.Ngunit nasaan si Elias?Bakit hindi ko siya maramdaman sa paligid?.
Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago sinimulang ihakbang ang aking mga paa papalapit sa malaking pinto ng nasabing opisina.
Pagbukas ko ng pinto,bumungad sa akin ang mas malamig na atmospera sa paligid dahil sa mga ibinubuga air conditioner nitong silid.Maaliwalas ang kabuuan nito at maluwag ang espasyo.Walang ibang dekorasyon maliban sa isang may kahabaang mesa kung saan unang mapapansin sa pagpasok sa opisinang ito.
Huminto ako sa aking paglakad kasabay nito ang pag-ikot ng isang malaking upuan kung saan isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa akin.Nakangiti ito habang nakapukol sa akin ang kaniyang mga mata.
" hindi ko alam na may panauhin pala ako ngayong araw,wala man lamang binanggit sa akin ang aking sekretarya " basag nito sa katahikan habang hindi maalis-alis sa labi nito ang kakaibang ngiti.Hindi ko maintindihan kung anong ibig ipahiwatig ng kaniyang ngiti.Isa ba iyang kasiguraduhan na ligtas siya dahil nasa pangangalaga siya ng organisasyon kaya nagagawa niyang ngumiti sa akin ng ganiyan?.
" saan kumukuta ang organisasyon? " bakas ang kaseryusuhan sa aking tinig habang nakatingin sa kaniya.Mas lumawak ang pagkakangiti nito dahil sa pamilyar na salitang binanggit.
Ipinatong nito ang kaniyang dalawang siko sa mesa bilang suporta bago ako muling tinapunan ng atensyon.
" hindi ko alam kung ano ang tinutukoy mo Tino " aniya.Kilala niya ako,nangangahulugan lamang na kalat na ang pangalan ko sa kanilang samahan.
" mukhang kilalang-kilala mo na ako ah,isang karangalan na makilala ako ng isang tanyag na negosyante at ng isang maimpluwensyang taong katulad mo Mr. Salimar " peke ang ngiting rumihestro sa aking labi habang papalapit sa kaniya.Wala ako ni anong takot na nababasa sa kaniyang mukha na siyang aking ikinataka.Tila nahulaan na nila na paparito ako para sa bagay na iyon.
" Mr. Salimar,ayoko ng gulo kaya kung maaari sana ay sabihin mo na sa akin kung saan kumukuta ang organisasyon " malumanay kong sabi rito.Walang kasiguraduhan kung sasabihin niya sa akin ito pero gusto ko lang subukan dahil baka madala ito maayos na pag-uusap na walang gulong nangyayari.Dahil sa oras na magsalita ito,hindi na madadamay ang ilan pang mga taong may kaugnayan sa organisasyon.
Isang malutong na halakhak ang kumawala sa bibig ng kaharap na siyang pumailanlang sa kabuuan nitong silid.Kusang gumuhit ang mga linya sa aking noo dahil sa aking pagkakaalala wala naman akong binanggit na biro o anupaman para tumawa siya ng ganiyan.
" hindi ko alam kung bakit ang musmos na katulad mo ay ganiyan na kaagad ang antas ng kaisipan?wala akong ugnayan sa kahit anong organisasyon at kung sakaling mayroon man ay hindi ba't tila nanghihimasok ka na sa pribadong buhay ko?ang mabuti pa ay umuwi ka na lang at mag-aral sakaling sa paraang iyon ay matuto tayong limitahan ang iyong sariling kaisipan sa mga bagay-bagay na hindi na saklaw ng iyong pagkatao " mahaba nitong pahayag.
" ayoko ng gulo Mr. Salimar,alam kong may kaugnayan ka sa PRSUS kaya habang maayos pa akong nakikipag-usap sa iyo ay sabihin mo na sa akin kung nasaan sila nagkukuta " hinahabaan ko lamang ang aking pasensya kaya nagagawa kong makapagsalita ng maayos sa pagkakataong ito.

BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
AléatoireBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...