CHAPTER 56- LASON

291 16 0
                                    

Sahara POV

Mabilis akong umiwas sa atake ng isang nilalang, at bawat kilos nito ay sinasabayan ng itim na usok sa katawan. Napa-dapa ako at mabilis na umiwas. Yon lang ang kaya kong gawin ngayon. Hindi naman sila tinatablan ng anumang armas. Tanging kapangyarihan lang daw ang makakapagpatay sa kanila, at alam kong wala ako non. Ngunit pilit sinasabi ni Victoria sa akin na meron daw. Kailangan ko lang magtiwala sa kanya.

Napa-pikit ako.

'Mula ngayon tayo ay magiging isa, 
Tanggapin mo ako, at lahat ng aking dala, 
Saan man sila nagmula, sa dilim o sa liwanag, 
Sa aking pakikisamo, iyong tanggapin ang aking kaluluwa.'

Napa-mulat ako at nakita kong huminto ang dalawang nilalang na kanina pa ako inaatake. Tila nasindak sila sa aking mga mata. Napa-tingin ako sa isang wasak na salamin sa gilid namin.

Napa-tagilid ang aking ulo nang masilayan ang aking mukha. Ako ba ito? Bakit kulay gintong pula ang aking mga mata? At bakit naging puti ang aking buhok? Anong nangyayari?

Mabilis akong napa-hawak sa ulo nang bigla itong sumakit, at halos maduwal ako dahil sa sunud-sunod na paglabas at pagdaan ng iba't ibang imahe mula sa aking isip. Napa-sigaw ako sa sakit at hilo. Halos ibaling ko sa iba't ibang direksyon ang aking ulo, ngunit hindi pa rin tumitigil ang pananakit.

"VICTORIA!"

Napa-lingon ako sa nagsigaw at nagulat nang may nasilayan akong napaka-pamilyar na mukha. May mga kasama itong naka-balabal na itim at titig na titig sa akin. Hindi ko alam, ngunit may sumiklab na galit sa aking dibdib.

Aatake na sana sa akin ang dalawang nilalang na kanina pa ako inaatake nang bigla na lamang silang napisa at umusok na itim. Tila hindi sila tuluyang naka-lapit sa akin dahil sa matinding aura na nararamdaman ko ngayon.

"IKAW!"

Dumagundong ang aking galit na boses sa bawat sulok ng pasilyo.

"IKAW ANG MAY GAWA NG LAHAT NG ITO! ITINURING KITANG KAPATID, NGUNIT ANO ANG IYONG GINAWA? AKO'Y PINASLANG MO NG WALANG AWA!"

Nakita ko ang paglungkot ng kanyang mukha at nagsimulang lapitan ako.

"V-Victoria... patawad, patawarin mo ako."

Tinabig ko siya nang akmang lalapitan niya ako, ngunit nagulat ako nang bigla siyang tumilapon sa pader at nawasak ito.

Napa-sabunot ako sa sariling buhok nang muli na namang sumakit ito.

...

'Isang dyosa?! Talaga?! Ako'y isang dyosa at maglilikha ng kaginhawaan sa mundong ito? Ngunit, Ama, paano ako magiging dyosa ng mga bampira? Isa lamang akong babae na mababa ang tingin ng ibang mga lalaking bampira. Pati nga ang kuyang Aaron ay hindi ako gusto dahil ako'y isang babae.'

Umiling ang aking ama at ginulo ang aking buhok.

'Victoria, makinig ka. Walang basehan ang kasarian sa pagiging malakas. Kahit isang lalaking bampira ay iyong mahihigitan sa iyong kapangyarihan. Kaya manalig ka, dahil tiyak kong ikaw na nga ang hinihintay naming mga bampira.'

...

"MAMATAY KA! Kailangan mong mamatay! Hindi ka na dapat muling mabuhay, Victoria! Hindi namin kailangan ng isang dyosa!"

Nanlalaki ang mga mata ko sa tinuran ng isang matanda. Isang mangkukulam.

"Huwag po! Maawa kayo!" pakiusap ko.

Ngunit hindi siya nakinig.

"Mali ang hula ng aking kapatid! Hindi na kailangan ng isang dyosa sa mundo ng mga bampira! KAYA MAMATAY KANA!"

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon