CHAPTER 41- HAVEN LACOUSTA

311 17 0
                                    

Sahara POV

"Anong ginagawa mo dito?"

Takang tanong ko kay Haven habang sinisara ang pinto at lumalapit sa kanya. Biglang kumabog ang dibdib ko ng sinalubong niya ako ng isang magandang ngiti na kasama ang kanyang mukha at mata.

"For you."

Inabot niya sa akin ang isang kulay dilaw na rosas. Napangiti ako at kinuha iyon.

"S-salamat."

Nahihiya kong sabi habang siya ay naka-ngiti pa rin. Ang ganda ng rosas; marami siyang petals ngunit hindi pa siya gaanong namumukadkad.

"Do you like it?"

Tanong niya na siyang ikinabog lalo ng aking puso.

Parang nataranta ang buo kong katawan sa kakaibang kilos ni Haven. Para siyang iba kumpara sa unang impresyon ko sa kanya.

"O-oo naman, ang ganda."

Naka-ngiti kong ani at tinitigan ang mata niya.

Napawi ang ngiti ko ng may biglang imahe na pumasok sa aking isip.

"Are you okay?"

Nahimigan ko sa boses ni Haven ang pag-aalala, kaya tumango ako at itinapat sa ilong ko ang bulaklak na binigay niya.

"Ang bango!"

Ngumiti siya.

"Nakita ko ito sa labas ng palasyo. Nasa pinaka-sulok ko pa ito nakita, halos hindi na mapansin ng iba. Ngunit dahil sa nakakaakit na ganda nito, kahit na ito ay nakatago sa sulok, tila pinoprotektahan at tinatago ng anino. Pero hindi habang buhay kailangan nitong magtago. Kailangan ding ilabas ang tinatago nitong kagandahan..."

Nagtaka ako sa tila napaka-seryosong tono niya. "Katulad mo." Umangat ang tingin ko kay Haven.

Nagtaka ako, ngunit napahinto.

Bigla yatang nagkaroon ng ideya ang aking isip na sa halos dalawampu't walong taong pamumuhay ko dito sa mundo ng bampira ay ngayon lamang lumabas.

Napa-titig ako sa mukha ni Haven na mariin ding nakatitig sa akin.

"Magandang gabi."

Huling salita nito bago umalis sa loob ng kwarto ko. Lumingon ako sa direksyon ng pinto nang tuluyan siyang lumabas. Napa-hawak ako sa aking dibdib; ang lakas pa rin ng kabog. Kahit isa akong bampira, may puso pa rin naman kami.

Napa-diretso ako sa balkonahe ng silid na ito at tinanaw ang malawak na paligid.

Naamoy ko ang sariwang hangin pati na rin ang halimuyak ng mga bulaklak, na siyang dahilan upang may biglang imahe na dumaan ulit sa aking isipan. May nakita akong isang puno, ito ay puno na may mga bungang bulaklak, at nakaupo doon ang dalawang tao o bampira. Hindi ko alam kung ano sila, pero hindi ko pa rin nakikita ang kanilang mga mukha.

Klaro lang sa akin ang nakangiti nilang mga labi... ang saya nila.

Napa-pikit ako at sinimoy ang sariwang hangin. Nagtaka ako nang makasinghot ako ng amoy ng dugo. Maya-maya lang, tila nakakarinig ako ng sigaw hindi kalayuan dito; sa palagay ko'y nanggagaling ang sigaw ng mga bampira sa labas ng palasyo.

Sa bayan...

Tinalasan ko ang aking mga mata at tinanaw ang direksyon kung saan naroon ang mga mamamayan ng Lukresha.

Isang sunog; nasusunog ang isang bahay at tila umaabot ang apoy sa ibang bahay. Naalarma ako.

Bumalik ako sa loob at kumuha ng malaking jacket na kulay puti, halos hanggang tuhod ko, dahil natatakpan ang short ko. Ito na kasi ang nahablot ko.

Aalis na sana ako ng mapansin kong kita ang hita ko. Sa sunog ako susulong; baka mapaso ako.

Haysst.

Kinuha ko ang itim kong boots at isinuot. Bahala na!

Mabilis akong tumalon mula sa kwarto ko papunta sa balkonahe. Naka-luhod ang isang paa kong lumapat sa lupa at mabilis pa sa kidlat na tumakbo patungo sa labas ng palasyo.

Napa-singhap ako nang makita sa malapitan ang sunog; malapit na lang at kakalat na ito sa buong kabahayan! Marami nang mga bampira sa gilid at tila lumalayo sa mga bahay nilang nasusunog. Wala ba silang balak na apulahin ang apoy?!

Napantig ang tenga ko nang makarinig ng pag-iyak. Isang bata. Ayon sa kanyang tinig, nasa loob siya ng isa sa mga nasusunog na bahay. Walang pagdadalawang isip akong pumasok sa tiyak kong kinaroroonan ng bata.

Mabilis ang aking paggalaw. Pumasok ako sa nagbabagang apoy at isinaalang-alang ang maitim na usok.

"A-ama... ama... tulong..."

Isang batang lalaki.

Naawa ako sa bata; nasa sulok ito at takot na takot ang kanyang mukha habang umiiyak at niyayakap ang kanyang tuhod. Kahit napapalibutan ako ng apoy, tiniis ko ang init at mabilis itong nilapitan.

Napapitlag siya; nagulat ko yata ang bata.

"M-m-monster!" sigaw nito. Natakot ata sa mukha ko. Haist.

"D-don't come near me! Tulong! Ama!!"

Lumayo ito sa akin at nagsisigaw. Naku! Baka matupok na tayo ng apoy kapag hindi mo hinayaang lumapit ako sa'yo, bata! Lumingon ako sa tila kusina nila nang bumagsak ang kisame. Rinig kong napa-hiyaw ang bata. Dali-dali ulit akong lumapit, pero lalo itong lumayo sa akin.

Wala akong magagawa; hahablutin ko na sana ang batang lalaki nang may bumagsak na semento sa direksyon namin.

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon