AUTHOR'S POV
Aligaga ang binatang naghihintay sa labas ng silid na siyang kinaroroonan ng dalaga at ng isang manggagamot ng Velkan. Dahil sa kaba ay ibinalik nito ang dalaga sa kanyang mansyon at doon nagpatawag ng mga manggagamot. Hindi batid ng binata ang gagawin, nag-aalala ito sa dalaga.
"Lord Alexus."
Pagkuwa'y tawag ng isang matipunong manggagamot sa binata. Mabilis na tumungo ang binata sa harap nito.
"How is she? What happened to her? Is she alright?!"
Napa pikit ng mariin ang manggagamot sa naging reaksyon ng kanilang panginoon.
"Maayos na po ang kanyang kalagayan, ang naramdaman niya kanina ay isa lamang paalala na malapit ng lumabas ang inyong anak..." Napa buntong hininga ang binata.
"...ngunit, may nakita din akong sintomas ng stress sakanya panginoon. Dapat niyang bawas bawasan ang kanyang mga negatibong emosyon."
Pagkatapos sabihin iyon ay lumakad na paalis ang manggagamot. Binuksan naman ng binata ang pinto ng silid at tuluyang pumasok, nakikita niya ang namumutlang mukha ng dalaga.
Lumambot ang kanyang ekspresyon at nilapitan ang dalaga. Pinagkatitigan niya ito at hinalikan sa tuktok ng kanyang ulo.
Sa kabilang banda naman ay nagpupulong ang iilang Nimbus. Napaka seryoso ng kanilang mukha at di mababakas sakanila ang anumang ekspresyon. Sila'y naka purong itim na damit ngunit napaka puti ng balat, mayroon silang matutulis na kuko at mahahabang pangil, namumulang mga mata at tila nanlilisik sa dilim.
Ni sinong tao ay tiyak na masisindak sa wangis ng mga ito. Matuwid na tumayo ang isa sakanila, ito ang namumuno sa kanilang grupo.
"Sa atin ibinigay ang buhay ng babaeng ito. Pagsapit mismo ng kanyang kapanganakan ay tayo'y lulusob sa loob ng mansyon ng prinsepe. Hindi tayo aalis hanggat hindi natin napaslang ang mortal na ito. Hindi dapat ito nabubuhay bago pumutok ang araw."
Napaka lamig nitong hayag sa kanyang mga kasapi na siyang ngisi lamang ang tugon.
Hindi batid ng dalaga ang nababadyang panganib sa kanyang buhay dahil wala ni katiting na binanggit ang binata dito o isa lamang paalala mula sakanya. Alam ng binata ang kanyang gagawin at hindi nito hahayaang mapaslang ang minamahal na babae. Pinaghandaan na niya ang araw na iyon at ilang linggo na lamang ay ipapanganak na ng dalaga ang sanggol.
Aaron POV
Walang magagawa ang prinsepe, tiyak na ang mangyayari kay Victoria. Even him can't stop this, walang sino man. Malapit na ang kaarawan ni Victoria at magbe-bente anyos na ito. Lumapit akong muli sa makapangyarihang mangkukulam na iyon, hinanap ko pa siya sa pinaka liblib na lugar dito sa Velkan. At nahanap ko siya, marami pa akong napagdaanan bago tuluyang maka punta sakanya. TSK! Buti nalang at kasama ko sina Caleb at Eagan. Mas napadali ang paghahanap ko sa uugod-uugod na iyon.
He told me that Victoria's destiny has been started. Ang una niyang buhay ay isa lamang pagkakamali at isang pagsasadula sa maaaring mangyari, naguguluhan ako nung una pero ng kalauna'y nahanap ko ang punto niya. My sister's life before was just a piece of reality. Sinabe niya noon na mamamatay ito ng dalawang beses bago siya maisilang bilang isang dyosa. Naka ukit na daw ang tadhana nito sa bato.
"Hindi gusto ni Alexus na mawala si Victoria, Aaron." Nanatili akong sa kawalan naka tingin ng magsalita si Eagan.
"We know Alexus too well, he will fight 'till his last breath." Napahilamos ako sa aking mukha.
Now, things gone so very messy. Bakit ba kasi nagkakilala silang dalawa? Nakatadhana din ba iyon sa buhay nila? Mamamatay din naman ang isa sakanila at mas mabuti nalang sana kung hindi sila nag tagpo.
"We won't do anything like saving her..." I spoke. "...hayaan natin ang tadhanang gawin ang kanyang nais." Napa tayo ako matapos iyong sinabi.
We can't control everything, Alexus. Kahit ang palagi mong bukang bibig ay tayo lang ang makaka control sa magiging tadhana natin. But you're wrong.
And I hope that you're ready to lose someone you cherish. Lalo na't kailangan ka ng Velkan. Love can wait,
Victoria POV
Nakaramdam ako ng uhaw kaya dahan-dahan kong binuksan ang talukap ng aking mga mata.
Sumalubong sa akin ang itim na kisame ng kwarto ni Alexus. Umupo naman ako sa kama ng dahan-dahan dahil parang kumikirot ng konti ang tiyan ko pero nawawala naman. May nakita akong pulang inumin sa gilid ng kama, naka takip ito kaya kinuha ko iyon at ininom dahil alam ko kung ano ito. Napa tingin ako sa napakalaking bintana sa loob ng kwarto, double door din ito kaya nung matapos kong inumin ang dugo sa baso ay tumayo na ako at lumapit sa bintana.
Binuksan ko iyon at ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin. Wala na ang araw kaya unti-unti ng dumidilim, napatigil ako sa pagmumuni-muni ng may napansin ako sa ibaba ng bintana. Pinaningkitan ko pa ang aking mga mata.
"Aahh!"
Napahiyaw ako ng bigla naman may sumulpot sa harap ko. Jusme! Magkaka heart attack ata ako ng wala sa oras!
"Hi there."
Naka ngiti siya sa akin na siyang pinagkunutan ko ng noo.
"Naalala mo ba ang senaryong ito noon, dalaga?"
Napatigil ako. Anong ibig nitong sabihin? May nangyare bang ganito noon?
"Alexus, bakit ka nariyan? Pumasok ka nga."
Suway ko sakanya, oo si Alexus ang nasa harap ko at tila lumilipad pa siya sa ere. Hindi na ako nagtaka, marami ngang nagagawa ang isang bampira.
Nagulat ako ng hinila niya ako at niyakap. At buhat na buhat niya ako tapos naka lutang pa kami sa ere!
"Waahh! Pumasok na tayo!"
Niyakap ko siya ng mahigpit. Nakakatakot baka malaglag ako! Baka mabitawan niya ako!
"No, I won't do that. I won't let you go. Never."
Napa titig ako sa kanyang mukha ng makita ko ang napaka seryoso ng pagtitig nito. Ramdam ko ang pag init ng aking tenga at pag taas ng balahibo sa aking batok. Shit! Kinikilig ata ako sa sinabi nya! Ganito kasi ang reaksyon ko kapag natotouch ako sa sinasabi ng isang tao-este pati pala bampira.
"This also happened before. Ang una nating pagtatagpo, dalaga."
Ramdam ko ang mainit nitong hininga sa aking tenga. Napakagat labi ako sa ginawa nya.
"Inagaw mo ang pansin ko sa iyong alindog na syang hindi ko kayang tiisin kaya kita nilapitan."
Napa tingala na ako sakanya. Tinitigan ko ang mga mata nya at nakapaskil sa labi niya ang napaka ganda nyang ngiti na syang ikina ngiti ko.
"Ang pagkikita natin?"
Tumango sya at dahan dahan akong ibinalik sa loob ng bintana. Pumasok din sya sa loob at isinara ito.
Nilapitan niya ako at siniil ng halik na siyang tinugunan ko agad. Naglakbay ang kanyang palad sa aking braso papunta sa aking leeg. Bumaba din ang kanyang halik sa aking panga hanggang sa dumausdos ito papunta sa aking leeg. Ramdam ko ang mumunti niyang halik doon.
Pinulupot ko ang dalawa kong braso sa kanyang leeg, damn. Handa kong ibigay sakanya lahat. Mahal na mahal na kita Alexus. Lumayo naman siya ng kaunti at pinagkatitigan ako sa mata.
"I love you, my maiden."
Napangiti ako at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi.
"I love you too." Naka ngiti kong tugon.
Binuhat niya naman ako ng pang kasal at dahan-dahang nilatag sa kama. Umupo siya sa tabi ko at binigyan ako ng halik sa noo. Pansin kong may kinuha siya sa kanyang bulsa at pinakita sa akin ang isang punseras. Naka ngiti ito habang isinusuot ito sa aking kaliwang kamay.
"Happy birthday, I love you."
Napa iyak ako at agad siyang hinalikan sa labi. Alam niya ang kaarawan ko, akala ko ako lang ang makaka alam at naka alala. Akala ko di niya alam.
"Stay with me, Victoria. Marry me. Love me."
Sinabe nito sa pagitan ng aming halik. Natatawa naman akong humiwalay rito at binigyan siya ng ngiti.
Ang mata niya ay nakikiusap, napangiti ako.
"Please..."
Niyakap ko siya. I really love this man.
"I will." Sagot ko.
I will marry you and spend my life with you, Alexus.
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampireVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.
![Vampire's Love[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/230670416-64-k67004.jpg)