Sahara POV
Mabilis kong hinablot ang bata at dumaan sa likod kesa sa pinasukan ko kanina. Mabilis ang aking pagkilos kaya hindi kami nabagsakan ng semento. Habol ko ang aking paghinga habang buhat-buhat ang nawalan ng malay na bata. Isa siyang bampira; dapat ay maging matatag siya, lalo’t isa siyang lalaki. Mabuti nga at isa siyang lalaki dahil tiyak na magugustuhan siya ng kanyang ama, hindi tulad ko...
Iniwan ko ang bata malapit sa puno, sinigurado kong ligtas ito at mabilis na makita ng mga bampirang naninirahan dito.
Nasa sanga ako ng puno, nakaupo habang tinatanaw ang nasusunog na lugar. Aksidente lang ba na nagka-sunog dito? O baka may malalim na dahilan.
"Good job."
Nagulat ako nang biglang may sumulpot sa tabi ko.
"Haven?"
Hindi makapaniwalanh bigkas ko. Ngumiti ito na siyang ikina-talón nanaman ng aking puso, kaya napa-hawak ako sa dibdib.
Ano ba tong nararamdaman ko kapag nakikita ko si Haven? Normal pa ba to?
"Sinundan mo 'ko?" tanong ko sa kanya, hindi ko man lang naramdaman ang kanyang presensya.
Ganun na ba ako kahina?
Ngumiti ito. "You saved the kid."
Tumayo ito sa sanga kaya ganun din ako at tinitigan ang gwapo niyang mukha na nakatanaw sa malayo.
Ngayon ko lang napansin na may nunal pala siya sa ilalim ng kanyang kaliwang mata. Ang ganda din ng mga pilikmata niya; ang haba, pwede nang ilaban sa babae! Tapos, yung mukha niya, sobrang kinis. Sana ako din. Napa-tingin ako sa labi niya at napa-lunok.
My gosh! Ano ba tong ginagawa ko?!
Halos mapatalon ako sa gulat ng nilingon niya ako. Mabilis akong tumingin sa harapan. Nakakahiya! Nahuli niya akong nakatingin sa kanya!
Rinig kong napatawa ito ng mahina.
"Sahara..."
Nanindig ang balahibo ko sa tila nang-aakit na tono ng boses ni Haven. Dahan-dahan naman akong tumingin sa kanya.
"B-bakit?" nauutal na ako sa sobrang seryoso ng mga titig ni Haven. My gosh!
Nakita kong nailing siya ng ilang ulit.
"Ayos ka lang?" Ngumiti ito sa akin. "Let's get back and report what happened."
Tumango na lang ako at nagsimulang tumalon sa mga sanga.
Nasa loob kaming lahat ng isang kwarto, parang meeting place. May mahabang rektanggulong lamesa at may upuan pa, mga bente, kaya umupo na kaming sampu.
Diniscuss ni Haven ang nangyari habang ako ay sinimulang hinubad ang jacket. Nadumihan ang puti kong jacket; e, bakit kasi ito pa ang nahablot ko? Tss.
"This is not an accident. Meron talagang bampira na nagsimula ng sunog," seryosong komento ni Blake.
Tumahimik ang paligid. Tila lahat ay nag-iisip ng malalim. Bumuntong-hininga ako.
"May gustong magsimula ng digmaan. Iyon ang naisip ko. Alam kong maraming mata ang namamatyag ngayon sa kaharian ng Lukresha, kaya trabaho natin na alamin kung sino ang pasimuno ng gulong ito dahil mas batid ko ding ang hari talaga ang kanilang target." Mahaba kong lintanya kaya napa-lingon sila sa akin.
"May punto ka diyan, Sahara. Maari ngang may gustong magsimula ng digmaan sa pagitan ng kaharian ng Lukresha," seryosong ani ni Andy.
Tumango ang iba.
"So here's the plan..."
Napa-tigil si Haven bago nilapag ang dokumento para sa plano.
Nakakunot ang noo ko ng sinulyapan niya si Megan. Tanging ako lang yata ang nakapansin kasi napakabilis nitong lumihis.
Nakaramdam ako ng inis sa ginawa niyang pagsulyap dito. Psh.
"Uhm, Megan?"
Mas lalo akong nainis ng tinawag niya ito.
Halos mapunit naman ang mukha ni Megan sa kaka-ngiti ng todo kay Haven dahil tinawag siya nito.
"Yes, babe?"
Pa-simple akong umirap ngunit napa-tigil. Bakit ba ako naiinis?
"Can you get some of my papers in my room? It's on my table?"
Dali-dali namang tumango ito at mabilis na naglakad palabas sa silid na ito.
Haisst!
"She's gone. Start the plan, Haven." Napa-tingin ako kay Blake.
"What do you mean she's gone? Si Megan ba?"
Hindi napigilang nagtanong si Miranda na siyang ikina-tango-tango ko.
Nagkatinginan kami ni Andy. Nagkibit-balikat siya sa akin kaya seryoso akong tumingin sa gawi ni Haven.
"She's a spy."
Ikli nitong sagot na siyang ikina-bigla naming mga babae.
Habang seryoso naman ang limang lalaki. So, alam na nila ito? Alam na nila na spy daw si Megan? Paano nangyari 'yon?
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampirosVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.
![Vampire's Love[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/230670416-64-k67004.jpg)