CHAPTER 24- HER EXISTENCE PART 2

490 27 0
                                        

Alexus POV

Napa-kuyum ang aking kamao sa balitang hatid nila Aaron. Hindi ito maaari. No one can take my maiden away from me. NO ONE!

"Panginoon, Victoria's existence is a sin. She shouldn't be alive, she must be DEAD."

Nanlilisik ang aking mga matang pinagkatitigan si Aaron.

Mabilis ang naging pangyayari at hawak ko na ngayon ang kanyang kwelyo. Mahigpit ko iyong hinawakan at itinaas sa ere. How dare him say that my maiden should be dead? Ako lamang ang natatanging bampirang may hawak ng kanyang buhay! Ako lamang! I angrily tossed him on the wall.

"You try and lay a hand on her. YOU'RE DEAD."

I dangerously gave him a glare. Tumayo ito at pinunasan ang dugong lumabas sa kanyang bibig.

I saw how the rest of them step back. No one can lay a hand to my maiden. She's mine. And mine alone.

"Akala mo ba basta-basta na lamang ako susugod dito ng hindi inaalam ang buong pangyayari? Come on, Alexus, you know me. I've served you since we were little. I know your behavior too well."

Nanlilisik ang aking mga mata, sa galit ko'y pumula ang mga ito at sunod-sunod na akong nakakarinig ng mga bagay na nasira. Fuck.

"Victoria is also my sister, Alexus." I saw him become serious.

"Aaron, you've known me too well. But being her brother is not an excuse for your shits!" Binalibag ko ang lahat ng aking nahahawakan.

I am fucking angry! And I can't control my damn anger right now! Fuck!

"Aaahh! Anong nangyari?!"

Mabilis na lumihis ang aking tingin sa babaeng sumigaw. In just a sec, nasa harapan na ako nito at mahigpit syang niyakap. Damn. I won't let anybody hurt you, I won't.

I'm willing to kill more for you, Victoria. I'm damn willing. Naramdaman kong nanginig si Victoria sa ginawa ko, pero hinawakan ko siya ng mahigpit.

Victoria POV

Nagulantang ako nang yumanig ang kamang kinahihigaan ko, at naririnig ko na rin ang mga ingay sa baba na tila ba may mga nasisirang babasagin na gamit. Sa sobrang curious ko, tinahak ko ang labas ng kwarto at mabilis na lumakad pababa sa hagdan.

Nawindang ako sa nasaksihan sa malapad na sala. My goodness! Ang mga mamahaling vase na naka-disensyo sa bawat sulok ng sala ay puro sira-sira na, at yung mga paintings na nakasabit sa pader ay parang binagyo at nagkanda-hulog sa sahig, napira-piraso. Jusko! May halimaw bang pumunta dito at naging ganito ang nangyari?!

"Aaahh! Anong nangyari?!"

Hindi ko napigilang mapasigaw dahil sa mga nakikita ko ngayon.

Nakita ko si Aaron na nakatayo malapit sa pader, at sa ibabaw ng pader malapit sa ulo niya ay wasak na para bang may tumilapon doon na kung ano na siyang nagpasira sa pader. Tapos, nakahawak pa siya sa tagiliran niya at pansin kong may dugo siya sa labi. Ano ba talaga ang nangyayari?

Hindi ako naka-react nang may mga braso na bigla-bigla nalang pumulupot at yumakap sa akin.

Pero napa-tingil ako nang maamoy ko ang may yakap sa akin.

"Alexus?" Takang tanong ko habang sinulyapan ang tatlong lalaki na tila tahimik sa gilid.

"Ano ba talaga ang nangyayari?" Kumalas ako sa yakap at pinagkatitigan si Alexus. Napatigil ako nang makita ko sa ekspresyon ng mukha niya ang galit at pangamba.

Natakot ako. Para bang may nangyaring hindi tama. Hinawakan ko sa magkabilang pisngi ang lalaking nasa harapan ko.

"Anong nangyayari?" Ulit kong tanong sa kanya.

Binigyan niya ako ng ngiting mapakla na siyang dumagdag sa takot na lumukob sa akin.

Napansin yata iyon ni Alexus kaya hinapit niya ako at muling niyakap.

"I told you, don't be afraid. I'm always with you. I won't let them lay a finger on you and our baby. I promise that."

Hindi ko parin alam ang nangyayari, pero napa-iyak na lang ako sa sinabi sa akin ni Alexus habang yakap ako, kaya yumakap ako pabalik ng mas mahigpit sa kanya.

I'm really scared for what might happen. But still, I was thankful that this man right in front of me is here.

Vampire's Love[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon