Andy POV
"Andy, tumigil ka nga! Ako lang ang nahihilo sa pabalik-balik mong lakad!"
Inis kong binalingan si Miranda. Paano ako hindi magkakaganito e naiwan ko lang naman sa palasyo ang kaibigan ko!
Nasa ikaapat na palapag na kami nang bigla na lang umusok, at nang magmulat ako ng mata, nandoon na ako sa harap nila Haven! Paano nangyari 'yon?! May bampira ba doon?
May nakaalam ba sa plano namin? Shit!
Ginulo ko ang sariling buhok. Isang napakamakapangyarihan ang sentrong kaharian ng Velkan! At hindi ito tinaguriang sentro ng kaharian sa wala, Andy!
"Kumalma ka nga!" wika ni Chase.
Padabog akong napa-upo sa isang upuan at inis na nangalumbaba. Paano na 'to? At paano ako kakalma?!
"Sabihin mo nga sa akin, Chase? Paano ako kakalma gayong nasa loob pa ng palasyo ang ating kaibigan?!" singhal ko sa kanya.
Habol ko ang hininga sa galit.
Natahimik ang lahat, kasama na si Haven na kanina pa tahimik sa sulok. Katulad ko, ayaw din siyang umalis sa palasyo, pero pinilit kami ng iba naming kasama.
Nandito kami sa isang bahay sa pagitan ng sentrong kaharian at ng Lukresha.
"Mas malakas sila sa atin, Andy. Hindi natin inaasahan na ang katulad nilang makapangyarihan ang makakasagupa natin sa ating misyon," wika ni Blake, na sinang-ayunan ng lahat.
Napa-kagat ako ng labi dahil sa sitwasyon namin. Ano ang gagawin ko?! Hindi ko naman gustong hayaan na lamang si Sahara doon!
"San ka pupunta, Haven?"
Nabaling ulit ang atensyon ko sa kanila nang biglang nagtanong si Blake. Nagtaka din ako dahil tumayo si Haven at walang lingon na umalis.
"Saan pupunta 'yon?" di mapigilang tanong ni Amara.
"Chase, follow him." Tumango si Chase sa utos ni Blake at mabilis na nawala sa aming paningin.
Napa-buga ako ng hangin dahil sa mga nangyayari. Ano na? Mananatili lang ba kami dito? Wala na bang pag-asa?
Sahara POV
Pilit kong inaayos ang suot kong magandang damit at tinitigan ng maigi ang isang malaking salamin. Hindi ako komportable sa aking suot, pero ito ang gustong ipasuot sa akin ng haring si Alexus.
Hindi din ako makapaniwala. Ako ba ito? Inggit na inggit ako noon sa mga babaeng bampira na magaganda. Hindi ko lubos akalain na may ibubuga din pala ang aking mukha. Akala ko ay may kung anong marumi ang hitsura ko.
"Ina! You look pretty!"
Lumapit sa akin ang binata at niyakap ang aking beywang kahit magkasing taas lang kami. Alam kong tataas pa ang batang ito; mataas din ang kanyang ama at hanggang leeg lamang ako noon.
"Salamat." Hinalikan ko ang ulo nito, na syang ikina-ngiti niya lalo.
Gumagaan na ang loob ko sa batang ito kaya nagagawa ko ang mga bagay na ito.
"Si ama ay naghihintay na sa hapag. Tara na po?"
Ilang saglit akong tumango at muli pang sumulyap sa makalumang salamin na napaka-elegante.
Naabutan ko sa mahabang lapag ang ilang kalalakihan na bago sa aking paningin. Tumayo ang haring Alexus sa kanyang kinauupuan nang makalapit kami at pinaghila pa ako ng upuan habang umupo si Valmire sa tabi ko. Ilang saglit akong ngumiti sa kanya at napatingin sa mga kasama namin sa hapag.
"Mom! Meet my uncles!" isang masiglang tinig ni Val ang namutawi sa buong hapag kaya tinuon ko nalang ang paningin sa kanya.
Natutuwa din ako dito.
"This is Uncle Eagan." Tinuro ni Val ang isang gwapong lalaki na nagngangalang Eagan.
Ngumiti ako sa kanya bilang paggalang, at siya naman ay nginitian din ako bilang sukli.
"This is Uncle Caleb."
Ngumiti ng matamis si Caleb, na tinugunan ko. Kinuha niya pa ang palad ko mula sa kabilang lamesa, ngunit tumunog ng malakas ang kubyertos ni Alexus. Napa-tingin kami sa kanya at nakita ang madilim na ekspresyon sa kanyang mukha, na ikinagulat ko.
Tumawa naman sina Caleb at Eagan dahil doon.
"And Mom! My uncle, si Uncle Aaron po. Kapatid niyo siya, diba?"
Kumunot ang noo ko sa itinuro ni Val. Napa-tingin ako kay Aaron, na seryoso ring naka-tingin sa akin.
"Long time no see, Victoria."
Napahawak ako sa ulo nang biglang may lumabas na imahe roon. Nagtataka ako kasi nakikita ko ang sarili ko kasama ang lalaking ito. Sino ba siya? Bakit may alaala ako sa kanya?
"Argh." Impit akong napa-daing ng biglang kumirot ang parte ng aking ulo.
"Mother? Mother, are you okay?!"
Ramdam ko ang yugyog ni Val, ngunit hindi ko siya pinansin habang mas lalo pang sumakit ang ulo ko.
"Ahhh!" Napa-pikit ako.
"ORAS NA, SAHARA! Nalalapit na! Kung ayaw mo akong tanggapin, nais ko lang malaman mo na hindi kita pababayaan. Sasabihin ko ang mangyayari dahil iyon ang ating kapangyarihan! Isang nilalang. Isang makapangyarihang bampira. Kayo'y magkikita, Sahara. Iibig siya sa iyo! At gagawin niya ang lahat makuha ka lamang sa puder ni Alexus! Kaya maghanda ka! Maghanda ka, Sahara!"
Napa-mulat ako ng mga mata at napansin kong nasa isang silid pala ako. Umupo ako at napa-hawak sa aking ulo, inaalala ang mga binigkas ni Victoria. Sa tono ng boses niya, parang natatakot siya. Napakagat-labi ako.
Ngunit mabilis na nagmulat ng mata nang may naramdaman akong presensya sa aking harapan.
"Maayos na ba ang iyong kalagayan, mahal ko?"
Dumagundong ang aking puso nang masilayan ko ang gwapong mukha ng hari sa aking harapan.
Pinasadahan niya ng kanyang daliri ang aking buhok bago hinawakan ang aking pisngi.
"M-maayos na. Salamat."
Yumuko ako dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong niyakap at kinandong sa kanyang mga hita. Dahil sa kaliitan ng aking katawan, mabilis niyang sinakop ito ng kanyang malaki at matipunong katawan.
"You scared me. Please, don't do that again. Don’t pass out in front of me; it scared the hell out of me."
Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso sa kanyang sinabi. Napa-kurap pa ako dahil hindi ako makapaniwala.
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampirVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.