Alexus
"Master."
Napatingin ako sa aking tagasunod at muling bumaling sa harap ng nakasarang bintana na gawa sa salamin.
Tinanaw ko sa labas ang bilog at mapulang buwan.
"Nakaalis na ba ang lahat?"
Naitanong ko.
"Hindi lahat, panginoon."
Napatingin ako kay Caleb.
"Anong ibig mong sabihin?"
I sat at my chair and looked at him intently.
"Ang iba sa mga kababaihan ay nanlaban kaya umaksyon agad ang mga naatasang Nimbus. Pinatay nila ang mga dalagang muntik nang maka labas sa kagubatan."
Napa tigil ako. Hmm. Hinawakan ko ng mahigpit ang punseras na aking hawak. Isang ngiti ang kumawala sa aking labi.
"Kung ganoon, wala na tayong magagawa. Ito ang kanilang kapalaran. If they're destined to die then they'll die."
I looked at the bracelet in my right hand, I smiled.
"But, I won't let her go. I already fancy her, I make her mine for sure."
A dark intensity flickered in my eyes.
Victoria
"Victoria! Oh god! Are you okay?"
Nakakunot noo kong tiningnan si Sheila nang magmulat ako ng mga mata. Nagtataka ko itong tinignan dahil sa reaksyon nito sa mukha. Para itong umiyak ng ilang araw sa laki ng eyebags.
"Ano bang ikina-bahala mo? At bakit nasa hospital ako? Hindi ba't nag-apply kami ni Andy ng trabaho? Nasaan siya?"
Sinagot ko ito at napaupo ng dahan-dahan sa kamang kinahihigaan. Napaungol pa ako nang kumirot ang ulo sa hindi malamang kadahilanan. Napalingon ako kay Sheila na tila nanginginig sa aking tabi.
Napansin kong tumulo ang mga luha nito kaya natataranta ako at pilit siyang tinahan.
"H-hoy, ano ba? Tumahan ka nga! Bakit ka ba umiiyak?" Hinila ko siya papalapit sa akin at niyakap.
Napaupo ito sa hospital bed at mas lalong humigpit ang yakap sa akin. Ngayon ay ramdam ko ang pag-uga ng mga braso nito habang umiiyak sa aking braso.
"Hindi mo alam? Akala ko magkasama kayo ni Andy!"
Naguguluhan ako at the same time kinakabahan. Seryoso kong tinitigan si Sheila. Napansin nito ang naguguluhang ekspresyon sa aking mukha. Anong ibig niyang sabihin? Hindi ko siya maintindihan.
Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit iyon, may nakapkap naman akong tila benda sa aking ulo. Nagkasugat ako? Pero paano? Wala akong naaalalang nabunggo o nahulog ako sa kung saan.
"W-wala na si A-andy. P-patay na siya! Nakita siya ng mga tao sa gilid ng kagubatan at napansin nilang wala na itong hininga... P-patay na siya ng makita nila. At isang araw mula nang makita nila si Andy, namataan ka rin ng mga tao sa ilalim ng bangin sa kagubatan. May sugat ka sa ulo at nagdurugo, kaya ka isinugod sa ospital. Mabuti na lang at naagapan ka ng lunas. Ilang araw ka ring tulog kaya natatakot ako na baka hindi ka na magigising."
Umiiyak nitong paliwanag sa akin. At bigla nalang akong niyakap ng mahigpit. Mas lalo akong naguluhan ngunit biglang kinilabutan.
Pero ano? Si Andy? Nagbibiro ba siya? Hindi patay si Andy, kasama ko siya kanina lang.
"Sinasabi ko naman sa inyo na ako nang bahala sa paghahanap ng trabaho ninyo diba?"
Napahawak ako sa ulo ng tila kumirot iyon. Napansin yata ito ni Sheila at tila nataranta pa.
"Okay ka lang ba? Sandali lang! Tatawag ako ng doctor!"
Napahawak ako ng mahigpit sa table kalapit ng kamang kinahihigaan ko ng mas lalong sumakit ang sugat ko doon. Nagtaka ako at naguluhan sa iilang alaala na tila mabilis na lumalabas sa aking isip.
Namamawis ako habang tila tumatakbo ako mula sa aking kamatayan.
Halos magka-sugat-sugat ang aking mga paa at kamay sa mga sanga na aking na-a-apakan at nahahawakan. Lingon ako ng lingon sa aking likuran na para bang may sumusunod sa akin. Napatigil ako sa pagtakbo ng makitang wala na akong matatakbuhan dahil bangin na ang nasa harap ko.
Ngunit nagulat ako sa pares ng mga kamay na tumulak sa akin sa bangin. Malakas akong sumigaw at nadinig pa ang sumigaw sa aking pangalan bago ako tuluyang nahulog.
BINABASA MO ANG
Vampire's Love[COMPLETED]
VampireVictoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else in store for her. In her second life, Victoria was reborn as Sahara, a vampire shrouded in mystery.
![Vampire's Love[COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/230670416-64-k67004.jpg)